Tambuling Batangas Publication November 07-13, 2018 Issue | Page 8

Baguio, Tagaytay rehab needed... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 46 November 7-13, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Agricultural products tampok sa Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week celebration IBA’T IBANG produkto ang mabibili sa Agri-Fishery Exhibit/ Fair na binuksan ngayon sa ground ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services Office (OCVAS) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week mula November 5-9. Ito ay isinasagawa ng OCVAS upang kilalanin ang papel na ginagampanan ng mga taong ito sa pagpapalago ng agkrikultura ng Batangas City. Makikita sa exhibit ang mga produkto ng mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) kagaya ng mga kakanin, mushroom products, peanut butter, banana chips, turmeric, mga prutas, halaman at iba pang produkto ng mga magsasaka. Sa kanyang mensahe sa opening ceremonies,, hinikayat ng hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla ang mga tao na magtanim ng mga prutas at gulay sa kanilang bakuran o bakanteng lupa upang lumago pa ang food production. Ang kakulangan sa supply ng mga tanim na pagkain ang isang dahilan aniya ng pagtaas ng presyo ng mga produktong ito kayat makakatulong ang pagtatanim. Nagsilbing guest speaker si Konsehal Sergie Atienza na siyang chairman ng Committee on Agriculture and Cooperatives ng Sangguniang Panlungsod. Aniya, bagamat nasa ikatlong termino na siya ng kanyang panunungkulan, ipagpapatuloy niya ang pagsusulong ng mga ordinansa at resolusyong makakatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at mga miyembro ng kooperatiba. Natutuwa din siya aniya na maraming mga kabataang mag-aaral ang dumalo sa naturang okasyon upang maipasa sa henerasyong ito ang mga Sundan sa pahina 6.. Plant propagation at aquaponics itinuro sa mga magsasaka, mangingisda at estudyante KAUGNAY pa rin ng pagdiriwang ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week na may temang “Sigurado at Ligtas na Pagkain sa Bawat Hapag, Ngayon at sa Hinaharap”, nagdaos sila ng seminar tungkol sa Plant Propagation at Aquaponics na dinaluhan ng mga magsasaka, mangingisda at senior high school students. Ayon sa resource speaker sa plant propagation na si Emma Agdon, senior agriculturist ng OCVAS, may tinatawag na sexual propagation kung saan kailangan ng female at male na sanga para makapag produce ng bagong halaman. Ito raw ang pinakamadaling paraan para makapagpatubo ng halaman. Ipinakita ng resource speaker na si Renato Magsino kung paano ang plant propagation sa pamamagitan ng pagdugtong ng dalawang magkaibang halaman o ang tinatawag na graft and budding. Pinutol niya ang isang nakatanim na sanga, hinati ito sa gitna ng may isang pulgada at pagkatapos ay kumuha ng isa pang sanga, binalatan ito, idinugtong sa hinating sanga at tinalian ng plastic. Sa loob aniya ng 21 araw ay susuloy na ito. Tinalakay naman ni Edmund Ruhle, technical manager ng Aquaponics kung paano makabuhay ng halaman sa aquarium gamit ang dumi ng isda. Nagpakita siya ng mga litrato ng iba’t ibang modelo ng aquaponics, kung saan sa ibabaw ng aquarium ay may raft bed na pag tataniman ng halaman. May water pump sa loob ng aquarium paakyat ng raft bed at sa gitna naman ng raft bed ay may water filter na magbabalik ng tubig na hinihigop ng water pump sa aquarium. Nakapaloob dito ang aquaponics cycle kung saan nagpo produce ng wastes ang isda, ginagawang fertilizer ng microbes ang wastes, at pini filter naman ng plants ang tubig na bumabalik sa isda.(PIO Batangas City) (PIO Batangas City) Agri-machinery equipment ipinamahagi sa mga agricultural workers BATANGAS CITY-Sa ika- 4 na araw ng pagdiriwang ng Farmers, Cooperators and Fisher Folks Week (November 5-9) na isinagawa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), iba’t ibang agri- machinery equipment ang ipinamigay ng pamahalaang lungsod at ng Department of Agriculture bilang suporta sa mga nabanggit na agricultural workers. Namigay ang pamahalaang lungsod ng multi- tilling machine sa Batangas City Vegetable Growers Association at multi-purpose shredding machine sa Sorosoro Ibaba Barangay Agriculture and Fishery Council (BAFC). Namigay naman ang DA Region 1V-A ng farm tractor at hermetic cocoon sa Sorosoro Multipurpose Allied Services Coop, hermetic cocoon kay Rodelita de Ocampo at farm tractor sa Batangas City Vegetable Growers Association Upang maipakita ang kahusayan ng mga magsasaka sa food production, nagkaroon ng Search for “Pinaka-“ Best Agricultural Harvest kung saan ipinakita ang mga naglalakihang produkto. Ang mga nanalo ay ang sitaw ni Chona Agvola ng Banaba Center, cassava ni Onofre Ochua ng Sampaga, papaya ni Manuel Castillo ng Balete, saba ni Emmanuel Salada ng Soro-Soro Ibaba, yellow corn ni Rodelita De Ocampo ng Sundan sa pahina 6..