OPINYON
May 29-June 04, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Ni Teo S. Marasigan
A requiem for the Liberal Party
The resignation of Senator Francis Pangilinan as president of the ill-fated
Liberal Party (LP) was inevitable in view of the total defeat of the LP’s Otso
Diretso eight-man senatorial ticket in the recent election. He was in charge of
the ticket’s national campaign.
Pangilinan’s task was not enviable.
The LP is an awful political product to sell to the electorate on account of
the abusive behavior of LP politicians when their top partymate, President
Benigno Aquino III, was in power.
Aquino’s tenure was marred by illegal pork barrel allocations of LP politicians,
a defective metropolitan train system, an extensive narcotic trade in the national
penitentiary, inaction on the Philippine claim to Sabah, and the Mamasapano
incident where mismanagement led to the massacre of 44 elite policemen by
Muslim bandits in Maguindanao.
There are three other senators affiliated with the LP — incumbents Franklin
Drilon, Risa Hontiveros and Leila de Lima. That number does not constitute a
bright political future for the party.
Actually, the anomalies and abuse of authority attributed to the LP are nothing
new. The history of the Philippines shows that administrations run by the LP
have been discredited.
Immediately after World War II, and with the blessings of General Douglas
MacArthur, Manuel Roxas seized political power from his erstwhile ally,
President Sergio Osmeña, who headed the Nacionalista Party (NP). Together
with Senator Elpidio Quirino, Roxas created a separatist faction in the NP and
called it the Liberal Wing of the NP. That “wing” eventually became the LP.
In the 1946 election, Roxas ran under the LP banner and defeated Osmeña and
became the first president of the Republic of the Philippines.
Since Roxas owed his victory to MacArthur and the United States government,
he allowed the Americans to establish military bases in the Philippines. He also
granted Americans in the Philippines parity rights — the same economic rights
as Filipinos in the Philippines, except the right to hold public office.
Roxas also strengthened the communist movement in Central Luzon by
ousting a number of duly-elected “socialist legislators” from the House of
Representatives to ensure the smooth passage of parity rights in Congress.
The Roxas administration was short lived, though. In 1948, Roxas died of
cardiac arrest while delivering a speech inside Clark Air Base in Pampanga.
Roxas’ successor, President Elpidio Quirino, was criticized for alleged
corruption. In addition, communist cadres from Central Luzon almost captured
Manila during his watch.
Although Quirino won the presidency in 1949 against Jose P. Laurel of the
NP, historians maintain that the election was very dirty. By 1953, the extensive
public antipathy toward the LP thwarted Quirino’s reelection.
Diosdado Macapagal was the third Philippine president elected under the LP
banner. His administration (1961-1965) was marred by a scandal involving
Harry Stonehill, a controversial American businessman who had shady
dealings with top government officials in the Philippines.
Ostensibly, Macapagal ordered his Justice Secretary, Jose Diokno, to
investigate Stonehill’s businesses. When the investigation threatened to
incriminate Macapagal, the latter fired Diokno and ordered the immediate
deportation of Stonehill. The scandal contributed to Macapagal’s defeat to the
NP’s bet, Ferdinand Marcos, in the presidential election of November 1965.
Included in the infamous list is Benigno Aquino III, the fourth and, hopefully,
the last president elected under the LP banner. Considering the litany of
scandals attributed to him earlier in this essay, Aquino III is arguably the worst
among the four.
His mother, Corazon Cojuangco Aquino, did not win under the LP banner. In
fact, she did not win as president. She seized power in the aftermath of the
1986 EDSA revolt.
Fortunately, the end came for the LP in May 2016 when the LP bet for president,
Mar Roxas, lost to the very popular President Rodrigo Duterte.
The LP attempted a comeback through Otso Diretso but it failed miserably.
With President Duterte continuing to enjoy immense popularity today, the LP
will not be a force to reckon with in 2022.
Therefore, the Otso Diretso defeat means a requiem for the LP. If the nation’s
good fortune continues, there will be no more LP politicians to mortgage the
country’s future after the 2022 election.
Ka Dante
HINDI pa siya aktibista noon. Unang mga
araw ng unang semestre ng unang taon sa
kolehiyo. Pumasok ang propesor, bumati at
nagpakilalang magiging guro sa Kasaysayan
1. Isinulat nito sa pisara ang pangalan:
“Dante L. Ambrosio.” Ngayon, sa harap ng
balitang namatay ang guro, nabibigyan niya
ng karampatang halaga ang mga sumunod
na araw mula sa pagpapakilalang iyun.
Banayad at hindi tensyonado
ang takbo ng klase. Maraming pakulo ang
propesor. Minsan, pinabasa nito ang tulang
“Prometheus Unbound” ng makatang
si Jose F. Lacaba para turuan ang mga
estudyante ng mapanuring pagbabasa. Ito
raw ang kakayahang nawala sa editor ng
isang pahayagan kaya nalathala, noong
batas militar, ang tulang may islongang
“MARCOS HITLER DIKTADOR TUTA.”
Ikinwento niyang kinumpiska ng mga
awtoridad ang kopya ng mga dyaryo, pero
huli na ang lahat.
Maraming
tanong
na
nakakapagpaisip ang propesor, kahit sa
ganito nakikita ang kanyang pampulitikang
kulay. Si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.,
halimbawa, ang itinuturing na bayani ng
batas militar ni Marcos. Pero ang nanatili sa
bansa at namuno, bagamat palihim, sa mga
protestang nagluwal ng People Power 1, ay
si Jose Maria “Joma” Sison. “Hindi ba si
Joma ang mas dapat ituring na bayani?”
Minsan, kwela rin ang propesor,
bagamat madalas naman itong nakangiti.
Noong itinuturo nito ang pagkilatis sa mga
batis na pangkasaysayan, ipinakilala niya
ang konsepto ng historikal na anakronismo.
Halimbawa raw, nagsusuri ka ng dokumento
ng mga Katipunero. “Tapos biglang
makikita mo, may salitang ‛badaf’ doon…”
Hindi maramot ang propesor sa mga
kwento. Bukod sa mga isinalaysay ni Prop.
Judy M. Taguiwalo sa parangal ng huli
tungkol sa mga protesta noong batas militar,
may dalawa pa siyang naaalala. Isinusuksok
daw sa kung saan-saan sa katawan ng mga
aktibista ang lumang tipo ng sticker noong
panahong iyun. Pagkatapos, didilaan ang
likod para maidikit sa kung saan-saan.
Noong nasa ilalim daw ng
batas militar ang Unibersidad ng Pilipinas,
tahimik na magmamartsa ang mga
estudyante mula sa ikaapat na palapag ng
Palma Hall. Habang pababa ang hanay,
parami nang parami ang sumasali. Kapag
dumating na ang mga pulis, na kadalasan ay
tuwing nasa unang palapag na ang martsa,
kakanta na ng “Lupang Hinirang” at titigil
sa paglakad, tatayo nang tuwid ang lahat –
pati ang mga pulis. Sa ganito, unti-unti nang
makakatakas ang mga lider.
Pero kung may isang bagay man
na pinakamahalagang ginawa ang propesor,
iyan ay ang inobliga nito ang klase na
magbasa. Tumungo sa aklatan at magbasa.
Pawiin ang takot sa hindi alam, tumungo sa
aklatan at magbasa.
Dito niya nabasa ang maraming
sulatin ng dakilang makabayang intelektwal
na si Renato Constantino. Bagamat
ipinakilala ng propesor ang Lipunan
at Rebolusyong Pilipino sa klase – at
ipinaliwanag na ang pangalan ng awtor na
“Amado Guerrero” ay nangangahulugang
“Minamahal na Mandirigma” o “Beloved
Warrior” – ang librong The Philippines: A
Past Revisited ang ipinabasa niya.
Ipinabasa rin ng propesor ang
debate hinggil sa A Past Revisited – bagay
na mas nakahikayat sa kanyang magbasa
at magsuri. Kung nagkakasya na ang ibang
propesor sa pagsasabi na larangan ng
tunggalian ang katotohanan, kongkretong
ipinakita ito ng propesor. Ipinabasa nito ang
pag-atake sa libro ng kontra-makabayang
historyador na Amerikano na si Glenn A.
May, gayundin ang pagdepensa sa libro na
pinamunuan ni Silvino V. Epistola, propesor
sa Pilosopiya.
Itinulak ng propesor ang mga estudyante na
magsaliksik tungkol sa kasaysayan nitong
nakaraang mga dekada ng nakatalagang
probinsya ng bansa. Natatandaan pa niya
ngayon ang Sipalay at Hinoba-an na
mga bayan ng Negros Occidental, ang
probinsyang itinalaga sa kanya.
May
magandang
tinungo
kahit ang ganitong pagpapabasa. Gitna
ng dekada ’90 noon, at namamayagpag
ang globalisasyon at pagiging Newly-
Industrializing Country bilang mga pantasya
ng bansa at ang neoliberalismo bilang
bungkos ng mga patakaran na ipinapatupad
ng pamahalaan. Sa mga magasin na
kinailangan niyang basahin, makikita ang
naunang panahon, ang dekada ’70 at ’80,
kung saan mababasa ang kahirapan at
kagutuman ng mga mamamayan, gayundin
ang lawak at lakas ng mga protesta. Ang
reyalisasyon niya: “Hindi laging ganito ang
kalagayan.”
Isa pang mahalagang bagay na
ginawa ng propesor ang ibukas ang kanyang
kwarto sa mga estudyanteng naghahanap ng
konsultasyon. Hindi pa para kanlungin ang
mga estudyanteng grade-conscious, kundi
para ipakita ang mismong kwarto at ang
paninindigang malinaw na ipinapamalay
nito.
Muli, kalagitnaan ito ng dekada
’90 noon, at ipinagsisigawan ng mga
naghaharing uri sa mundo na lipas na si
Marx at bigo ang sosyalismo. Sa Pilipinas,
nahati ang Kaliwa at natural na naguluhan
ang publiko sa kung ano ang ano at sino ang
sino.
Sa kwarto ng propesor, malinaw
ang tindig: Sa isang kwadro, may larawan
nina Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir
Lenin at Mao Zedong. Katabi nito sa pader
ang larawan ni Albert Einstein at nasa katapat
na pader ang kay Hesukristo. Nagpahayag
ang una na isa siyang sosyalista, habang
proto-sosyalista at rebolusyunaryo ang
ikalawa.
Naghahanap siya ng salita:
“relihiyoso” para sa mga naniniwala at
“estetiko” marahil para sa mga hindi, ang
karanasan niya nang unang pumasok sa
kwarto. Hinahanap niya ang mga aktibistang
propesor noong pumasok siya sa UP, at ang
nakuha niya ay kung hindi neoliberal ay
walang pakialam. May nangaral pa nga
na hindi uunlad ang Pilipinas hangga’t
walang diktadura dahil bansang tropikal ito,
sadyang nakakatamad para sa mga tao. Sa
wakas, isang gurong aktibista – at higit pa
nga siguro! Sa sumunod na taon, sumali na
siya sa aktibistang organisasyon.
Noong aktibista na siya,
doon lang niya nalaman na ang propesor,
na kumilos pala nang buong panahon
sa kilusang manggagawa, ang tanging
aktibistang pambansa-demokratikong may
tenure sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at
Pilosopiya. Kakaalis lang patungong ibang
bansa ng isa at ang isa’y pana-panahon na
lang nagtuturo sa mga nakakataas na taon
– at hindi magtatagal ay aalis din ng bansa.
Kaya naman ang propesor ang ginawang
tagapayo ng mga organisasyong aktibista
at tagapagsalita sa samu’t saring porum na
pumapaksa sa espesyalisasyon nito.
Isang beses lang niyang
nakausap nang malaliman ang propesor
matapos niyang tumanda bilang aktibista
– noong matatawag na niya itong “Ka
Dante,” na hindi rin niya ginawa bunsod ng
pagkahiya. Naghahanap ito ng masiglang
pakikipagdebate,
“pakikipag-polemika,”
ng mga Marxista sa mga kinatawan ng
reaksyunaryong kaisipan sa pamantasan.
May binanggit siyang isang guro na
gumagawa nito. “Pero,” ang sagot ng
propesor, “mas post-istrukturalista naman
ang kanya kaysa Marxista.”
Pumunta siya sa Philippine
Heart Center nang mabalitaang isinugod
doon ang propesor. Naabutan niya itong
nag-aagaw-buhay at hirap na hirap na ang
katawan, hindi na rin makausap. Sa tabi
ng kama nito, kalmado na ang mga kaanak
nito at dating kasamahan sa Kilusan.
Nagpakilala siya bilang “dating estudyante”
at agad niyang naramdamang kulang
na kulang ang mga salita. Pinilit niyang
sabihing “Mahalaga po siya kung bakit ako
naging aktibista.” Pero hindi na niya natapos
ang huling salita dahil inunahan na siya ng
mga luha.
Ngayong patay na ang propesor,
gusto niyang sabihing “Pagpupugay,
salamat at paalam as iyo, Ka Dante.” Pero
alam niyang kulang na kulang iyun. Paano
mo pagpupugayan ang taong nagpabilis ng
pagtungo mo sa pagiging aktibista? Paano
mo pasasalamatan ang gurong nagpakatatag
sa isang mahirap na panahon at sa gayong
paraan ay nagsilbing tulay para sa iyo?
Paano ka magpapaalam sa taong tumulong
sa iyong pasukin ang isang klase ng buhay
na sa kabila ng lahat ng kahirapan at
panganib ay hindi mo ipagpapalit sa kahit
ano?
Ka Dante, yumao man kayo,
nagsisikap na yumabong at magpunyagi ang
mga binhing iniwan ninyo. Pagpupugay.
Salamat. At paalam po.
05 Hunyo 2011