Tambuling Batangas Publication May 29-June 04, 2019 Issue
‘No pain, no gain’ in education ... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
50
Tanaueño
butchers
sumailalim sa pagsasanay
p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Global youths, citizens
led simultaneous peace
walk events
p.5
1st
TESDA
Batangas
graduation ngayong 2019,
isinagawa sa Kapitolyo p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 22 May 29-June 04, 2019
P6.00
Pagpapaunlad ng sektor ng pangkabuhayan
at kooperatiba tinututukan ng Kapitolyo
ANG pagpapalakas ng ekonomiya
at sektor ng pangkabuhayan ay
isa sa pangunahing tinututukan
ng Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas, sa pangunguna ni
Governor DoDo Mandanas, na
bahagi at alinsunod sa kanyang
H.E.L.P. (Health, Education,
Livelihood and Protection of
Life, Property and Environment)
Program.
Kaugnay nito, nagbigay ng ulat si
Gng. Celia Atienza, Department
Head ng Provincial Cooperative
Livelihood
and
Enterprise
Development Office (PCLEDO),
patungkol sa estado ng mga
kooperatiba, at mga proyektong
kanilang naisakatuparan.
Ibinahagi ni Gng. Atienza na
ang Batangas ay may lehitimong
386 na bilang ng registered
cooperatives, buhat sa huling
datos noong ika-15 ng Mayo
2019. Katunayan nito ang mahigit
sa ₱8 Bilyon na Total Assets ng
mga kooperatiba sa lalawigan,
na pinakamataas sa buong
Region IV (CALABARAZON at
MIMAROPA).
Taong 2017 hanggang 2019,
506 cooperatives ang nabigyan
ng PCLEDO ng ayuda, sa ilalim
ng programang ₱10K Financial
Assistance. Ipinagkaloob ito sa
mga coops tuwing annual general
assemblies, at umabot sa ₱5.46
Milyon ang kabuuang halaga ng
naipamahagi.
Sundan sa pahina 2..
Senior Citizens building,
pinasinayaan
PINANGUNAHAN
nina
Congressman Marvey Mariño at
Mayor Beverley Dimacuha ang
blessing ng senior citizens building sa
barangay Haligue Silangan, May 31.
Ito ay itinayo sa karugtong na loteng
kinatatayuan ng barangay hall.
Ang isang palapag na
gusali ay may disensyong angkop sa
mga pangangailangan ng mga senior
citizens. Ito ay magiging lugar ng mga
pagpupulong ng samahan at iba pa
nilang mga gawain.
Ipinaabot
ni
Haligue
Silangan Senior Citizens President,
Eufemia Mendoza ang pasasalamat
king Cong. Mariño at Mayor
Dimacuha sa pagkakaloob ng naturang
proyekto. Aniya mas maganda at
ligtas ang lugar kung saan magtitipon
silang mga nakatatanda. Ipinangako
niyang aalagaan ang gusali at mga
kasangkapan nito. Bukas rin aniya ito
sa mga nangangailangan at gustong
gumamit.
Nasiyahan
naman
si
Mayor Dimacuha na naibigan ng
mga senior citizens ang proyekto.
Aniya ipagpapatuloy ng kanyang
administrasyon suporta sa barangay
at pagtutulungan nila ni Cong. Mariño
ang pagpapaayos ng kalye dito.
Sisikapin naman ni Cong.
Mariño na maihatid sa barangay ang
iba pang benepisyo ng mga senior
citizens kagaya ng mga gamot na
kanilang kailangan. Isa rin aniya sa
kanyang mga programa ang libreng
operasyon sa katarata para sa mga
senior citizens, magpalista palista
lamang aniya sa kanyang tanggapan sa
Batangas City Sports Coliseum. (PIO
Batangas City)
Patungo sa Rich Batangas. Pinangungunahan nina Gng. Celia Atienza, Department Head ng Provincial Cooperative Livelihood
and Enterprise Development Office (PCLEDO), at mga kawani ng kanilang tanggapan ang mga pagsasanay sa mga miyembro ng
mga kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas. Bahagi ito ng adbokasiya ni Gov. DoDo Mandanas na lalong mapalakas ang livelihood
program para sa mga Batangueño. Batangas Capitol PIO
Kauna-unahang Road Safety Assembly
isinagawa ng LTO Calabarzon
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG LIPA- Isinagawa
ng Land Transportation Office
(LTO) Calabarzon ang kauna-
unahang road safety assembly sa
Lipa Academy for Sports Culture
and Arts (LASCA) sa Brgy.
Dagatan sa lungsod na ito noong
ika-15 ng Mayo.
May tema ang aktibidad
na “Tamang Kaalaman sa Daan,
Susi sa Kaligtasan” na bahagi rin
ng pagdiriwang ng Road Safety
Month ngayong buwan ng Mayo.
Ayon kay Regional
Director Eric Lenard Tabaldo,
layon ng pagtitipon na maipabatid
sa publiko ang kahalagahan
ng kaligtasan sa daan upang
maiwasan ang anumang uri ng
aksidente na maaaring malaki ang
maidulot na epekto sa isang tao
maging sa kanyang pamilya.
“Sa
kasalukuyan
maraming major accidents ang
nangyayari ngunit kulang sa
kaalaman ang mga tao kung paano
ba ito maiiwasan, ano ba ang dapat
tandaan upang maging ligtas sa
kalsada at ano ang dapat sundin
na mga batas para maging ligtas
sa daan. Kaming mga kawani ng
LTO ay tagapagpatupad lamang
ngunit kailangan din namin
ang kooperasyon ng lokal na
pamahalaan, mga mananakay at
lalo na ang mga driver ng mga
sasakyan,“ ani Tabaldo.
Ayon pa kay Tabaldo,
ang aktibidad na ito ay umpisa
lamang ng information awareness
campaign ng kanilang tanggapan
katuwang ang Department of
Sundan sa pahina 2..
Mga kawani ng pamahalaang
lungsod ng Batangas, sumailalim
sa Safety Training
By Mamerta De Castro
May 30 empleyado mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas ang sumailalim sa Occupational Safety and Health Training na layong gawing ligtas at
maayos ang working condition ng mga empleyado sa hanay ng construction sa pamamagitan ng pagsunod sa safety rules and regulations. (Photo by PIO
Batangas City/ Caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)
LUNGSOD NG BATANGAS-
Sumailalim
ang
may
30
empleyado ng pamahalaang
lungsod sa limang araw na
Construction Occupational Safety
and Health training na ginanap
sa Teachers Conference Center
sa lungsod na ito noong Mayo 6
hanggang 10.
Ang pagsasanay ay
kinakailangang
daluhan
ng
mga safety officers, safety
representatives
ng
mga
construction companies, technical
employees kabilang ang mga
nasa hanay ng electrical planning,
maintenance at architect.
Tinalakay dito ang
konsepto
ng
Occupational
Safety Health maging ang mga
pamantayan at kasanayan na
maaaring magamit upang mas
maging maayos ang kanilang
trabaho.
Pinangunahan
ng
Trainovate, isang pribadong
kumpanya na accredited ng
Department of Labor and
Employment
(DOLE),
ang
Sundan sa pahina 3..