Tambuling Batangas Publication May 23-29, 2018 Issue | Page 8
Slippery slope... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLI
No. 22
Mayo 23-29, 2018
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
Livestock raisers nagsanay sa tamang pangangalaga mg hayop
ISANG two-day training
workshop sa Good Animal
Husbandry Practices (GAHP)
at Good Agricultural Practices
(GAP) ang isinagawa ng
Office of the City Veterinary
and Agricultural Services
(OCVAS) noong ika-23 at 24
ng Mayo kung saan may 30
livestock raisers ang dumalo.
Layunin
din
ng
naturang
pagsasanay
na mabigyan ng sapat
na kaalaman ang mga
participants hinggil sa Animal
Welfare Act na taong 1998 pa
ng ipasa.
Nagsilbing resource
speaker sa unang araw si
Dr Krisel Ann Ragas, chief
regulatory officer ng Office
of the Provincial Veterinary
Office kung saan tinalakay
niya ang tamang paraan sa
pag-aalaga ng hayop kabilang
ang tamang nutrisyon, proper
housing, disease prevention
and
treatment,
handling
and humane euthanasia on
slaughter.
Ayon sa kanya, dapat
tratuhin ng maayos ang mga
hayop sapagkat may mga
pag-aaral aniya na kapag
maayos ang trato ng hayop,
mas maganda ang ibinabalik
na produksyon ng mga ito.
Ipinabatid din niya
na nirerequire ng batas
na kumuha ang mga farm
owners ng animal welfare
accreditation mula sa Bureau
of Animal Industry bago sila
mabigyan ng business permit.
Kapag commercial
farms para sa mga hogs,
livestock at poultry ay
kinakailangang kumuha ng
animal welfare registration.
Tinalakay
naman
ni Agriculturist II Melinda
Mendoza
ang
Good
Agricultural Practices at
nina
Rosemarie
Olfato,
supervising science research
specialist
at
Virginia
Arellano, senior science
research specialist ang GAP
certification sa ikalawang
araw.
Sa ikatlong araw ay
nagtungo ang grupo sa San
Ignacio, Rosario, Batangas
para sa field visit sa isang
GAP-certified farm. (PIO
Batangas City)
Maliliit na negosyante sa Tanuan City,
sumailalim sa micro-insurance awareness
Mamerta P. De Castro
LUNGSOD
NG
TANAUAN, Batangas,
(PIA) -- Sumailalim
sa
micro-insurance
awareness kamakailan
ang
mga
kinatawan
ng mga maliliit na
negosyante sa lungsod
sa
pangunguna
ng
City
Cooperatives
and
Livelihood
Development
Office
(CCLDO) kaisa ang
Insurance Commission.
Layunin
ng
nasabing programa na
mabigyan ng tamang
impormasyon
at
mahikayat
ang
mga
maliliit na negosyante
sa mga benepisyong
hatid ng pagseseguro ng
kanilang mga negosyo.
Ang
“micro-
insurance” ay isang
pamamaraan
na
nagbibigay proteksyon
at “financial security”
sa mga “low income
earners” sa mga panahon
ng panganib gaya ng
aksidente, pagkakasakit
at sakuna.
N a g i n g
p a n g u n a h i n g
tagapagsalita
si
Atty. Juan Paolo P.
Roxas, acting division
manager ng Insurance
Commission.
Kabilang sa mga
“insurance providers”
na nakiisa sa programa
ang Cocolife Insurance
Company,
Country
Bankers Life Insurance
Corporation, MB Life
Insurance Corporation,
C o o p e r a t i v e
Insurance System of
the
Philippines,
at
TSPI Mutual Benefit
Association, Inc.
Samantala, sinabi
ni Ms. May Teresita R.
Fidelino,
department
head ng CCLDO na
magtatakda
pa
ng
“follow-up
activity”
ang kanilang tanggapan
upang malaman ang
aktuwal na bilang ng mga
residente na interesado
sa naturang programa.
(PIA-Batangas)
training workshop sa Good Animal Husbandry Practices (GAHP) at Good Agricultural Practices (GAP) ang isinagawa ng Office of the
City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS)
Samahan ng mga kababaihan
itinalagang civil registration agents
BATANGAS
CITY-
Isang samahan ng mga
kababaihan ang itinalagang
civil registration agents
ng City Civil Registrar’s
Office
(CRO)
upang
maging katuwang nila
sa pagpapalaganap ng
pagrerehistro.
Kaugnay
nito, humigit kumulang sa
50 presidente ng Kalipunan
ng Liping Pilipina o
KALIPI ng ibat-ibang
barangay sa lungsod ang
nanumpa bilang mga civil
registration agents ng CRO.
Bago ito ay dumalo
ang mga nasabing KALIPI
presidents sa Seminar on
Revised
Implementing
Rules and Regulations
(IRR) and Manual of
Instruction on Republict
Act 9255 na idinaos ng
CRO sa OCVAS Training
Room noong ika-28 ng
Mayo.
Ayon
kay
City
Civil
Registrar
Josephine Maranan, nais
nilang
pagtuunan
ang
pagpapatupad ng R. A. No.
9255 kung saan pwedeng
gamitin ng isang illegitimate
child o yaong hindi kasal
ang magulang, ang apelyido
ng kanyang ama kung siya
ay tinatanggap na anak
ng kanyang ama at may
katunayan na ang ama ay
pumapayag na gamitin ng
kanyang anak ang kanyang
apelyido.
Subalit
sa
ilalim
ng
Revised
Implementing Rules and
Regulations
Governing
the Implementation of
Republic Act No. 9255
o An Act Allowing
Illegitimate Children to Use
the Surname of their Father,
kinakailangan ang pirma ng
ina kung ito ay pumapayag
dito. Kung ang bata ay
0-7 taong gulang, ang ina
ang siyang magsasagawa
ng Affidavit to Use the
Surname of the Father
(AUSF).
Kung ang bata ay
edad 7-17 taong gulang,
ang bata ang mag e execute
ng AUSF dahilan sa siya ay
itinuturing na nakakaintindi
na subalit kailangan ng
attestation o permiso ng
ina. Ang mga edad na 18
taong gulang na at pataas,
ang siya ng mag e execute
ng AUSF kahit na walang
attestation ng ina.
Binigyang diin ni
Maranan na kailangang
isagawa ang pagpirma
sa AUSF sa kanilang
tanggapan upang maseguro
na ito nga ay pinirmahan
ng may pagpayag ng mga
taong may kinalaman dito.
Sinabi rin ni Maranan na
“layunin nilang makamtan
ang Ambsiyon 2040 na
hinahangad ang mapanatag,
masagana at magandang
pamumuhay ng bawat
Filipino at mahalagang
bahagi nito ang rehistro at
statistika.”
Ayon naman kay
Raul Maximo Tolentino,
officer- in- charge ng
Provincial Statistics Office,
hangad nila na mabigyan
ng sapat ng kaalaman
ang mga civil registration
agents
upang
maayos
nilang maipaliwanag sa
kanilang mga ka barangay
ang mga bagong kauutusan
ng Korte Suprema hinggil
sa
kahalagahan
ng
legitimation.
Mahalaga
aniya ito sa succession
rights upang magkaroon ng
patas na karapatan ang bata.
Dumalo
sa
naturang okasyon si Mayor
Beverley Rose Dimacuha
na nagpakita ng suporta
at naniniwala sa pwersa
ng mga kababaihan sa
malaking tulong ng mga
ito sa ikapagtatagumpay ng
naturang gawain.
Binigyang
diin
naman ni City Social
Welfare and Development
Officer Mila Espanola
sa kanyang mensahe ang
kahalagahan
ng
civil
registration sa pagproseso
ng dokumento ng mga
kliyente
ng
kanilang
tanggapan.(PIO Batangas
City)