Tambuling Batangas Publication May 22-28, 2019 Issue | Seite 8

What the Otso Diretso defeat means... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 21 May 22-28, 2019 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Sumasailalim ngayon sa Proficiency Evaluation Process Performance Audit ang Batangas City Police STATION na isang annual activity na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) upang alamin ang mga accomplishments ng isang himpilan, best practices nito at mga programang dapat ipatupad na para sa mas epektibong paglilingkod. Kabilang sa mga nire- review ngayon ng Proficiency Auditing Team ang mga records at reports ng himpilan simula 2015 hanggang 2017. Nagsasagawa din sila ng on -site inspection sa mga opisina at interview sa mga tauhan ng pulisya. Inalam din ng team ang suportang ipinangkakaloob ng mga strategy partners kagaya ng Advisory Council kung saan saan nagsagawa ito ng interview sa mga miyembro ng council. Iniulat naman ni PSupt Sancho Celedio ang mga accomplishments ng City Police Station simula 2015 hanggang Mayo 2019 kung saan naging tampok dito ang anti criminality campaign kagaya ng checkpoint operations, campaign against illegal drugs, SIPAG na isang tuloy tuloy na recovery program para sa mga drug surrenderers kung saan sa kasalukuyan ay may 2,401 graduates na mula sa 3,241 surrenderers. Sa pamamagitan naman ng Project BRAD ang mga graduates ay sasailalim sa skills training sa pamamagitan ng TESDA para sila ay mabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa malalaking industriya sa lungsod at makabalik sa komunidad bilang mabuting mamamayan. Ang Proficiency Evaluation Process Performance Audit ay tatagal hanggang bukas, kung saan sa exit briefing nito ay ipapaalam ang naging resulta ng audit na isa sa mga batayan para muling mapili ang Batangas City Police Station bilang 2018 Best City Police Station na rehiyon . Ang Performance Audit Team ay pinangungunahan ni PCol Renato Salba, C, Regional Logistic Division. LGU Cavite holds technical meeting on provincial nutrition programs, projects By Ruel Francisco TRECE MARTIRES CITY, CAVITE -- The Provincial Nutrition Committee under the Provincial Health Office recently conducted the Joint Nutrition Action Officers (NAOs) and Provincial Nutrition Committee-Technical Working Group (PNC-TWG) Meeting at the Cavite Collaboration Center for Public Health here in its desire to address the perennial malnutrition issues and concerns in the province Representatives of the various cities and municipalities in the province and nutrition action officers convened to discuss the updates on Barangay Nutrition Services (BNS) Project and submission of reports, Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) and accomplishment reports to be submitted to the Department of the Interior and Local Government (DILG) among others. Provincial Nutrition Action Officer Angeles Peñalba gave a detailed overview of the PPAN 2017 – 2022 to enlighten the new NAOs of their mission/vision. “It is sad to note that the data on stunting or short for age cases continue to rise despite continued efforts of the provincial government to reach out to the poorest members of the community,” Peñaralba pointed out as she requested for their cooperation. Meanwhile, Nutrition Officer II Ms. Liberty Mojica- Guzman tackled the updated nutrition Monitoring and Evaluation of Local Level Implementation Protocol (MELLPI) for local government and nutrition workers then answered queries on the new MELLPI Pro guidelines and elaborated some issues concerning the present practices in their locality including clarification on the different phases of the MELLPI. During the meeting, key features of MELLPI Pro and its tools to qualify for the 2019 awards like the Certificate of Quality Nutrition Program, Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN), CROWN Maintenance Award, and the Presidential Award for Nutrition were discussed by Nutritionist - Dietitian II Ms. Dessa May Alibangbang to prepare the different local provincial/city/ municipal government units. MELLPI Pro scores and top performing local government units with ratings not lower than 3 will be the basis in granting the Certificate of Quality Nutrition Program in lieu of the Green Banner. (Ruel Francisco, PIA-Cavite/with reports from PICAD) Performance Audit Team ay pinangungunahan ni PCol Renato Salba, C, Regional Logistic Division. May 36,948 mag-aaral mula sa 82 public elementary schools sa Batangas City ang tumanggap ng bags na naglalaman ng school supplies mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas PINANGUNAHAN nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang school supplies distribution sa mga incoming kinder - grade 6 students ng mababang paaralan ng Julian Pastor o JAPMES, Pinamucan at Kumintang Ibaba noong ika-24 ng Mayo. Bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga bata gayundin sa mga magulang na lubos ang pasasalamat sa ipinagkaloob sa kanila na munting regalo ng lokal na pamahalaan. Ang isang bag ay naglalaman ng notebooks, papel, pencil case na may lapis at eraser, water bottle at kapote. Ayon kay Ronalyn Arcega, magulang ng kinder at grade 4 student sa Pinamucan ES, taon-taon aniya silang nakakatanggap ng school supplies kung kayat malaking kabawasan ito sa kanilang gastusin sa pagbubukas ng klase sa ika- 3 ng Hunyo. Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat si Leodivina Bauan, school principal ng Pinamucan ES sa ngalan ng kanilang humigit kumulang na 500 mag-aaral. Bago simulan ang distribution na nasabing paaralan, nagbigay ng mensahe si Mayor Dimacuha kung saan binigyang diin niya na bagamat hindi tungkulin ng pamahalaang lungsod na mamigay ng gamit pang eskwela, ginagawa aniya nila ito taun-taon upang matulungan ang mga magulang lalot higit yaong maraming anak na pinag- aaral. Tanging hiling aniya sa mga ito ay mabigyan ng disiplina at maturuan ang kanilang mga anak ng magandang asal. Siniguro naman ni Cong Marino na lahat ng pondo ng ikalimang distrito ay mapapakinabangan ng taumbayan sa pamamagitan ng ibat-ibang proyekto at programa. Dumalo sa naturang pamamahagi ang mga school at barangay officials ng mga nabanggit na barangay. Kaalinsabay ng nabanggit na pamamahagi ay ang taunang programang Brigada Eskwela na isinasagawa sa ibat- ibang paaralan na naglalayong muling maisaayos ang mga gamit pampaaralan at pagkukumpuni ng mga ito, pati na rin ng paglilinis ng mga silid-aralan at ng school premises.