Tambuling Batangas Publication May 22-28, 2019 Issue | Page 4
OPINYON
May 22-28, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
What the Otso Diretso
defeat means
IF the partial, unofficial results of Monday’s midterm elections are an indication
of the final tally, none of the eight anti-administration Otso Diretso senatorial
candidates are going to make it to the winning circle of 12.
According to the tallies, Otso Diretso candidate Paolo Benigno
“Bam” Aquino is at 13th place, while another Otso Diretso candidate, Manuel
“Mar” Roxas II of the Liberal Party (LP), is at 16th place. The other six are
trailing far behind, almost assured of defeat.
If the current trend continues, the Otso Diretso will end up as Otso
Olat. So much for the LP’s self-serving claim that the people are quietly
supporting the anti-administration ticket.
Actually, the Otso Diretso was doomed from the start.
The failure of the LP to field a full slate of 12 was already an
indication of its unpopularity, due mainly to the abusive way LP politicians
comported themselves when they were in power. In politics, large scale
unpopularity translates to inevitable defeat in the polls.
Another factor is that the Otso Diretso has no moral high ground.
Its visible leaders are seen as political opportunists. One of the ticket’s rabid
supporters who advocated righteousness had to abandon his sanctimonious
facade when a sex video implicating him went viral in the social media.
Still another factor is the exposé that Vice President Maria Leonor
“Leni” Robredo was behind a discredited video that attempted to link President
Rodrigo Duterte and his family to the illegal drug trade in the Philippines. The
video was designed to discredit candidates closely identified with the President,
and underscored that the Otso Diretso and the LP will resort to anything, even
underhanded measures, just to win votes.
Otso Diretso was a partnership of political convenience. The
only common bond the candidates had was their opposition to the Duterte
administration. There was nothing else beyond that. Roxas was an obvious
oligarch; Aquino was political opportunism personified; Erin Tañada
symbolized hollow leadership; Gary Alejano was linked to military mutinies;
Jose Manuel Diokno identified with the left; Romulo Macalintal is money
politics; Florin Hilbay is too close to ex-President Benigno Aquino III; and
Samira Gutoc has no serious political platform.
The lack of a clear cause among the Otso Diretso bets led to the
group’s disintegration months before election day. Roxas was the first to
unofficially bolt from the coalition, as seen in his separate campaign sorties as
early as March. Aquino and Macalintal followed. In the end, the Otso Diretso
became the Kwatro Desperado, who eventually learned that being pitiful is not
enough to get elected.
Likewise, the impending defeat of the Otso Diretso means the
Filipino people are still very pleased with the way President Duterte is running
the government, and with his relentless war against illegal drugs. It also means
that the occasional odd remarks made by the President in public are non-issues
as far as the people are concerned.
The impending defeat of the Otso Diretso ticket likewise means that
the voters disagree with the views of anti-Duterte elements like ex-President
Noynoy Aquino, Vice President Robredo and Sen. Francis Pangilinan.
It is also a slap on the face of outgoing Sen. Antonio Trillanes IV
who in just six weeks will morph from a noisy, opinionated troublemaker in
the Senate to an irrelevant has-been who will probably be in hiding for fear of
his own shadow.
Otso Diretso’s downfall at the ballot box should also be enough
reason for the pharisees in the Catholic Church, like the double-talking Luis
Cardinal Tagle and his highly politicized bishops Socrates Villegas and Pablo
Virgilio David, to shut up and stop their unfounded criticism of the President.
It should also be enough to discourage Sister Patricia Fox, that
meddling nun from Australia who claims to love the Philippines for the past
40 years, but refuses to get naturalized as a Filipino, from entertaining plans to
return to the Philippines any time soon.
Knowing the kind of shady individuals behind the Otso Diretso, it
is certain that they will not take defeat that easily, and they will continue to be
critical of the government, despite their repudiation by the people.
Ni Teo S. Marasigan
Para kay Etta Rosales
HINDI mo ako kilala. Hindi
ka na bahagi ng pambansa-
demokratikong Kaliwa noong
namulat ako. Pero natatandaan
kita kahit noon dahil naging lider-
masa ka ng Bagong Alyansang
Makabayan o Bayan. Pero
mas nakilala na kitang lider ng
Akbayan.
Sumusulat ako sa iyo
ngayon, syempre pa, kaugnay ng
ibinalita mongpaghirang sa iyo ni
Presidente Noynoy Aquino bilang
lider ng Commission on Human
Rights. Medyo nakakaasiwa nga
dahil ikaw pa ang nag-anunsyo.
Bakit ba, para tiyakin ang
pangako ni Noynoy sa iyo at sa
Akbayan? Nabansagan ka tuloy
na “Etta-t” – atat! – ng mga tao.
Hindi naman siguro
lingid sa kaalaman mo na
tumutol na ang iba’t ibang
grupo – oo, mula sa pambansa-
demokratikong Kaliwa – sa
paghirang sa iyo. Maraming
nagsalita:
ang
Karapatan,
grupong tampok sa paglaban sa
mga paglabag sa karapatang tao
sa ilalim ng rehimen ni Gloria
Arroyo, ang Kilusang Mayo Uno,
Anakbayan at iba pa.
Nitong huli, nagulat ako
dahil may nagpadala sa akin ng
isang larawan mula sa Facebook:
ikaw, nakataas ang kamao,
aktibistang-aktibista, at may
tekstong “We want Etta Rosales
as chief of the Commission on
Human Rights.” Kampanya na
pala ang pagiging hepe mo ng
CHR. May permiso mo ba ang
kampanyang ito? Sang-ayon ka
ba rito?
Simple lang ang punto
ko kaugnay nito at sa paghirang
sa iyong pinuno ng CHR:
delicadeza o, dahil minsang
naging islogan ng Akbayan ang
“Marangal,” dangal. Hinihimok
o hinahamon kita: Tanggihan
mo na lang ang paghirang sa iyo
sa nasabing posisyon, kung may
delicadeza o dangal ka bilang tao
o nagpapakilalang aktibista.
“Bakit naman?” maitatanong
mo. Kasi ayaw ka ng maraming
organisasyon. Tama ka sa isasagot
mo, puro pambansa-demokratiko
naman ang tutol sa paghirang sa
iyo. Pero kahit saang anggulo mo
tingnan, dapat silang ituring na
mahalagang boses sa pagpili ng
mamumuno sa CHR: karamihan
ng paglabag sa karapatang tao, sa
kanilang hanay.
Tumaas din kasi ang
ekspektasyon ng mga aktibista
sa posisyon ng hepe ng CHR
dahil kay Leila de Lima na huling
humawak dito. Ipinakita niya na
posibleng kahit hindi aktibista
ang maupo rito, basta bukas ang
isip, walang galit sa Kaliwa,
at malinaw ang konsepto ng
karapatang tao, may maiaambag
sa pagtatanggol sa karapatang
tao.
Walang tiwala sa iyo ang
mga aktibista, na siyang puntirya
ng malulubhang paglabag sa
karapatang tao. Marami nang
nasabi: ang paghati mo sa
paglaban para sa katarungan
para sa mga biktima diktadurang
Marcos, kawalang-aksyon mo
noong pinuno ka ng House
Committee on Human Rights,
pagiging red-baiter mo at iba pa.
Sigurado, marami kang
sasabihin para ipagtanggol ang
rekord mo. Iyun lang, tiwala akong
hindi mo masasagot nang sapat
ang mga tuligsa sa iyo. Datos kasi
ang batayan ng mga akusasyon
at galing, muli, sa hanay ng mga
nilalabag ang karapatang pantao
– na dapat ituring, sa wika ng
civil society na nauunawaan mo,
na “stakeholders” sa CHR.
Pero kahit huwag na
nating pasukin iyan. Isang tanong
lang: Gusto mo bang matulungan
ng CHR, sa kabila ng mga
limitasyon nito, ang mga biktima
ng paglabag sa karapatang tao?
Kung oo, dapat maunawaan
mong hindi magiging epektibo
ang pinuno nito kung hindi
siya pinagkakatiwalaan ng mga
biktima at mga grupo nila.
Ang tantya ko, may
pahabol kang sagot sa tanong
na ito: “Pero kailangan din ng
katarungan ang mga biktima
ng paglabag ng New People’s
Army sa karapatang tao.” Oo nga
pala, bagamat wala ka sigurong
nasabing magandang nagawa ng
NPA mula nang mamuno ka sa
Akbayan, pinuri mo na minsan
ang militar at pulisya.
Mismo.
Bagamat
institusyon ng reaksyunaryong
Estado ang CHR, wala pa yata
akong alam na termino diyan na
todong nag-imbestiga sa mga
“paglabag sa karapatang tao” ng
NPA. Kapag nagkataon, unang
beses na magaganap ito sa ilalim
mo, ng isang nagpapakilalang
progresibo. Hindi ko alam kung
ituturing mong karangalan ito.
Higit
pa
riyan,
pumapatungkol ang paglabag
sa mga karapatang pantao sa
Estado, hindi sa ibang pwersang
pampulitika katulad ng NPA
o National Democratic Front.
Dapat alam mo na iyan, pero
binabaluktot ng mga kapanalig
mo ang konsepto ng karapatang
pantao para saklawin ang huli.
Para diyan mo ba papamunuan
ang CHR?
Tanggihan
mo
na
lang ang posisyon, Etta. Batay
sa isang panayam kina Frank
Pascual, Sonny Melencio at
Ricardo Reyes, masama ang loob
ninyo dahil hindi sinuportahan ni
Noynoy ang pagiging senador ng
ika-13 si Risa Hontiveros. Pero
marami namang ibang posisyon.
Huwag din sigurong Repormang
Agraryo, Paggawa, Edukasyon o
iba pa.
Tagapagsalita
ni
Noynoy, ayaw mo? Sakto kayo
diyan. Kaunting dangal naman.
13 Hulyo 2010