Tambuling Batangas Publication May 22-28, 2019 Issue
‘Brigada Eskwela’ ushers school season p.5.
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Batangas City tumanggap ng
award sa pagpapayabong ng
mga folk dances p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
From SPES beneficiary to
DOLE trainee p. 5
CLB holds recognition day
for industry and academic
partners p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 21 May 22-28, 2019
P6.00
Palarong Pambansa gold medalists,
tumanggap ng cash incentives
BATANGAS City. Tumanggap
ng cash incentives mula kay
Mayor Beverley Dimacuha ang
mga manlalarong taga-lungsod
na nagwagi ng gold medal sa
Palarong Pambansa na idinaos
noong April 28 hanggang May 4,
sa Davao City.
Sila ay sina Lemuel
John Cuevas at Archie Zaraspe,
kapwa pambato ng Calabarzon
basketball team at si Stephanie
de Chavez na nag iisang taga
Batangas City na myembro ng
Calabarzon Volleyball team. Sila
ay pawang mga grade-6 students
ng Saint Bridget College.
Tinanghal na kampeon ang
CALABARZON basketball at
volleyball sa elementary level sa
Palarong Pambansa.
Nag courtesy call ang
nasabing mga player kay Mayor
Dimacuha noong May 24 kasama
ang mga sports coordinators mula
sa Dep Ed Batangas City na sina
Nick Asi at Teofila Baja.
Tumanggap din ng
cash incentives mula sa local
napamahalaan sina Hazel Ann
Suarez ng Talumpok National
High School na nag uwi ng
sertipiko para sa Athletics event-
Long Jump at Roland Medez ng
Libjo National High School para
naman sa boxing.
Bukod sa mga naiuwing
premyo at cash incentives mula sa
pamahalaang lungsod, sila rin ay
magiging scholars ng Batangas
City (EBD) Scholarship Program
Sundan sa pahina 2..
Multipurpose covered court sa
Dumantay pinasinayaan
BATANGAS
CITY
-
Isang
multipurpose covered court na
nagkakahalaga ng P7.8 million ang
naipatayo sa Buklod-Unlad Batangas
Inc. (BUBI) Village I sa Barangay
Dumantay. Sa tulong ng pamahalaang
lungsosd na siyang nagbigay ng pondo
para sa project construction sa 691 sq.
meter lot na ipinagkaloob naman ng
isang non-government organization.
Sa pangunguna nina newly
re-elected Mayor Beverley Rose
Dimacuha at Cong. Marvey Mariño,
pinasinayaan at binasbasan ang
proyekto ngayong May 23 . Dumalo
rin dito sina Councilors-elect Aileen
Montalbo, Alyssa Cruz at Ched
Atienza.
Ayon kay Nenita Villamor
project manager ng BUBI na siyang
nagkaloob ng lupa sa barangay,
hindi lamang taga BUBI Village ang
makikinabang dito kundi ang buong
barangay. Ito din aniya ay hindi lamang
magsisilbing venue para sa mga sport
activities, barangay meetings at iba
pang okasyon, magsisilbi din itong
evacuation center upang may malapit
na mapagdalhan ng mga biktima ng
kalamidad.
Ang nasabing lote ay binili ng Saint
Bridget Community Center(SBCC) at
ipinagkaloob sa BUBI na tumutulong
sa mga mahihirap, mga relocates at
ang mga nakatira sa danger zones
na magkaroon ng sariling bahay na
matitirahan. LIZA PEREZ DE LOS
REYES/PIO Batangas City
Mayor Beverley Dimacuha, Lemuel John Cuevas at Archie Zaraspe, kapwa pambato ng Calabarzon basketball team at si Stephanie
de Chavez
Sepulturero, nagwaging “primera
konsehal” sa Bayan ng Taal
NAIHALAL bilang primera
konsehal o ang konsehal na
nakakuha ng pinakamaraming
boto
ang
sepulturerong
independent candidate na si
Arnulfo “Arnel” Garces ng Bayan
ng Taal, nitong katatapos lamang
na 2019 local elections.
Isang
marangal
na
sepulturero o tagapangalaga
ng mga puntod sa Taal Public
Cemetery si Garces mula taong
1990. Aniya, wala man siyang
angking yaman o salapi na
maipagmamalaki, hindi ito naging
hadlang para ialay ang sarili
bilang isang lokal na mambabatas
at makapaglingkod para sa mga
kababayang Taaleño.
Sa
pagiging
isang
sepulturero, na hindi maringal na
propesyon sa mata ng nakararami,
nakatutulong naman daw siya
sa kanyang mga kababayan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
libreng serbisyo at pagtulong sa
paghahanap ng murang lupa o
libingan, lalong-lalo na sa mga
pamilyang katulad niyang danas
ang kahirapan.
Kahirapan umano ang
unang bibigyan niyang pansin at
tugon kapag siya ay pormal nang
naupo bilang konsehal ng bayan sa
darating na Hulyo 2019.
Sa isang banda, hindi
naman bagito sa politika si Garces.
Nauna na itong nagsilbi bilang
kapitan ng Brgy. Tierra Alta, Taal
noong taong 2006 hanggang 2009.
Sumabak din siya para sa konseho
ng Taal noong Halalan 2013 at
2016, subalit hindi pinalad na
mahalal sa parehong pagkakataon.
Sundan sa pahina 2..
Batangas City Police Station,
nakapasa sa Performance
Auditing
Communication,
Initiatives
auditing team mula sa Philippine National Police (PNP) Regional Office sa pangunguna ni C, Regional Logistic Division, PCol Renato Alba
NAKAPASA ang Batangas City
Police Station sa Proficiency
Evaluation Process Performance
Audit para sa Compliance Stage
ng taong 2015, 2016 at 2017
na isinagawa ng auditing team
mula sa Philippine National
Police (PNP) Regional Office
sa pangunguna ni C, Regional
Logistic Division, PCol Renato
Alba noong May 23-24.
Minarkahan
ang
himpilan ng pulisya ayon
sa limang elements tulad ng
Functionality of Strategy Partners,
Analysis and Examination of
Strategy Execution, Stakeholder
Management at Best Practices.
Binigyan ng mataas
na puntos ang Stakeholder
Communication
kung
saan
nakapaloob
dito
ay
ang
maayos na implementasyon ng
communication plan, kagaya ng
information education campaign
sa mga programa ng kapulisan
tulad PNP P.A.T.R.O.L Plan
2030, anti-drugs at iba pa gamit
ang mga information materials,
media, social media at iba.
Mataas na puntos rin
ang nakuha para sa Functionality
Sundan sa pahina 3..