Tambuling Batangas Publication May 16-22, 2018 Issue | Page 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES REGIONAL TRIAL COURT OF BATANGAS FOURTH JUDICIAL REGION BRANCH 12, LIPA CITY Advertisments Mayo 16-22, 2018 OFFICE OF THE EXECUTIVE JUDGE IN THE MATTER OF NEW APPOINTMENT AS NOTARY PUBLIC NC No. 2018-0003 DANTE SL. RESURRECCION, Petitioner. x-------------------------------------x ORDER Before this court is a verified Petition to Approve Application as Notary Public filed by Atty. DANTE SL. RESSURECCION, praying that after summary hearing, a Commission be issued authorizing him to be Notary Public for the City of Lipa and the Municipalities of Mataasnakahoy and Cuenca, Province of Batangas. Accordingly, Notice is hereby given that a summary hearing on the petition for notarial commission of Atty. DANTE SL. RESSURECCION shall be held on June 8, 2018 at 8:30 o’clock in the morning at the sala of the Executive Judge. Any Person who has any cause or reason to object to the grant of the petition may file a verified written opposition thereto, to be received by the undersigned before the date of the summary hearing. The Office of the Clerk of Court is directed to cause the publication of this Order in a newspaper of general circulation in the Province of Batangas at petitioner’s expense. Likewise, let copies of this Order be posted in conspicuous places in the offices of the Executive Judge and Clerk of Court. SO ORDERED. Lipa City. May 02, 2018 DANILO S. SANDOVAL Executive Judge Tambuling Batangas May 16, 2018 DOLE naglabas ng panuntunan para sa programang SPIMS MAYNILA -- Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga panuntunan para sa pagpapatupad ng programang “Sa ‘Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir” (SPIMS). Ito ay upang mas mapabilis ng pamahalaan ang pagpapabalik ng mga lisensiyadong public school teachers na nagging overseas Filipino workers. Sa ilalim ng Department Order No. 190, Series of 2018, ang pagpili ng mga benepisyaryo para sa programa ay isang inisyatibo upang mahikayat ang mga teacher na nakadestino sa iba’t bansa na ituloy ang kanilang propesyon dito sa Pilipinas. Kasunod ng paglabas ng panuntunan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nilalayon ng kautusan na “matiyak ang pagpapatuloy ng SPIMS Program at maibsan ang kakulangan sa mga pampublikong guro sa bansa.” Nagsimula ang programa sa isang Memorandum of Cooperation kasama ang DOLE, Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Professional Regulation Commission (PRC), at ang Philippine Normal University (PNU). Nakapagbigay ang programa ng kabuuang 1,421 plantilla position sa mga umuwing OFW-Licensure Examination for Teachers (OFW-LET) passer, ayon sa ulat mula sa NRCO. Upang maging benepisyaryo ng SPIMS program, ang aplikante ay dapat na isang Filipino citizen o mayroong Philippine passport; OFW-LET passer na mayroong karanasan sa pagtuturo nang hindi bababa sa isang taon sa loob ng nakalipas na limang taon; at dapat na hindi nanirahan sa bansa ng tatlong taon. Ang mga OFW-LET passer na nakapasa ng pagsusulit sa loob ng nakalipas na limang taon, mayroon man silang karanasan sa pagtuturo o wala, ay hindi na kinakailangan pang dumaan sa isang online refresher course. Samantala, ang mga OFW-LET passer na wala pang karanasan sa pagtuturo o mayroon namang experience ngunit limang taon na ang nakararaan ay dapat dumaan sa online course na ibinibigay ng PNU o dumalo sa mga regular refresher course. Ang mga interesadong aplikante ay dapat na makapagsumite ng SPIMS OFW Profile Sheet Form sa online, o dalhin ito sa NRCO Central Office sa Maynila, o sa iba pang DOLE Regional Offices sa buong bansa, o sa mga Philippine Overseas Labor Office (POLO). Ang NRCO Central Office ay magsasagawa ng preliminary evaluation at ipagsusumite ang aplikanteng pumasa sa criteria ng mga dokumento tulad ng PRC ID; Certificate of Board Rating; Passport; Certificate of Employment abroad; at Certificate of Employment as a teacher (kung mayroon). Kung pumasa sa assessment, ieendorso ng NRCO ang profile ng aplikante sa DepEd, para sa final screening at evaluation, o sa PNU, kung kailangan ng online refresher course. Ang mga makukuhang aplikante ay makatatanggap ng official letter mula sa DepEd na nagsasabing dapat silang magsumite ng documentary requirements sa DepEd Division Office habang hinihintay ang pag-apruba sa kanilang Notice of Organization Staffing and Compensation Action (NOSCA). Sa oras na magsimula ang benepisyaryo ng SPIMS na magturo sa kanyang school assignment, bibigyan sila ng teaching kits na naglalaman ng mga instructional material, isang tablet computer o mini laptop, at iba pang school supply at gadgets na nagkakahalaga ng P20,000.