Tambuling Batangas Publication May 09-15, 2018 Issue | Page 6
Advertisments
Pinipigilang mag-unyon
BIEN at UEA
ITINATAG ang BIEN sa klima ng pagkatakot
ng maraming empleyado na takot na matanggal
anumang oras pero patuloy na ginigipit ng iba’t
ibang kompanya ng BPO.
Kalaunan, sa pamumuno nito, naitatag din
ang kauna-unahang unyon sa industriyang ito, ang
UEA. At katulad ng pag-abante ng pag-oorganisa ng
mga organisasyon at unyon, maraming kinaharap na
problema ang BIEN at UEA.
Kabilang dito ang pag-iinitan ng supervisor
at mga team leader kapag nalamang kasapi ang isang
empleyado ng unyon o ng BIEN.
Pero nariyan pa rin ang matinding
kalagayang nangangailangan ng pagkakaisa. Ayon
sa BIEN, naging triple ang bilang ng mga miyembro
nito ngayong taon. Patuloy din ang kanilang
pagpaparami. Dumadalo na rin sila sa malalaking
pagkilos at kung minsa’y nagsasagawa ng piket-
protesta para itulak ang kanilang mga isyu.
Mayo 09-15, 2018
Ngayon, unti-unti nang nakilala ang BIEN
sa iba’t ibang kompanya. Nagiging labasan na sila
ng hinaing ng mga manggagawa ng BPO, mapa-
personal man na pag-uusap o sa pamamagitan ng
social media.
Sa kasalukuyan, nasa gitna rin ang BIEN
at mga empleyado ng BPO sa paglaban sa
kontraktuwalisasyon at para sa seguridad sa trabaho.
Gayundin, aktibong kalahok ang dumaraming
organisadong BPO employees sa kampanya para sa
National Minimun Wage sa buong bansa.
Noong Abril 15, isang makasaysayang BPO
Employees’ National Summit ang pinamunuan
ng BIEN para lalong pagkaisahin ang mga boses
nilang mga boses ang puhunan sa trabaho– para mas
malakas na igiit ang karapatan.
Patuloy man ang pagbibigay-ningning ng
industriya ng BPO sa ekonomiya, walang liwanag
pa rin ang kalagayan ng milyunmilyong empleyado.
May mahigpit na pangangailangan para sa pagkakaisa
nila–at pakikipagkaisa sa iba pang manggagawa sa
buong bansa.
SA DARATING NA BARANGAY ELEKSYON, SINO NGA BA
ANG KARAPAT DAPAT NA MANALO?
by Mark Francis Olivarez
ISANG Kapitan, Pitong Konsehal, iisa ang pangarap para
sa Bayan. Sa darating na Mayo 14, 2018 ay mangyayari
ang pinakaiintay na araw ng mga politiko ang Barangay
Eleksyon. Ang araw kung saan may bagong lider na
ihahahal upang mapaglingkuran ang bayan. Ngunit sa
isang maliit na pwesto bakit maraming naghahangad?
Isang upuan bakit maraming nakikipag-agawan? Bakit
nga ba maraming mga politoko na gustong gusto
magkaroon ng pwesto sa tinatawag na “Lider ng Bayan”.
Sa bawat tanong di rin natin alam kung ano
ang tamang sagot. May dalawang klaseng politoko
kung bakit nila nais maging “Lider ng Bayan”. Una,
may pangarap sa bayan na nais makatulong sa kapwa
mamamayan gamit ang dala-dalang mabigat na pangalan
sa balikat. Pangalawa, pangarap makaupo sa kahit anong
mataas na upuan ang mahalaga ay ang pera ng Bayan ay
mapupunta sa sariling bulsa.
Tahakin muna natin ang politikong may pangarap
sa Bayan. Sila yung mga politoko na sobrang daming
plano para sa ikaka-unlad ng bayan. Ni hindi nya iniisip
yung perang napakaliit na makukuha sa pagpapaunlad
ng Bayan dahil ang mahalaga ay mapaglingkuran nya
ang mga mamamayan ng kanyang Bayan. Bakit nga ba
nya kailangan tumakbo kung ang liit liit lang naman ng
perang makukuha nito? Sino ba namang tao ang iisipin
ang kinabukasan ng bayan kesa sariling kinabukasan?
Sa kompikadong tanong, may simpleng sagot. Dahil ito
ang pangarap ng isang politikong may malinis na hangad
para sa bayan. Katulad ni Sen. Meriam Santiago na
sobrang pagmamahal sa Bayan na kahit sinong politoko
binabangga nya pag may mali itong nakita.
Mag dako na tayo ngayon sa mga politiko na ang
nais ay pera ng Bayan. Ito yung mga politiko na kilala
ka lang dahil panahon ng eleksyon, yung ningigitian ka
tuwing nakikita ka sa kanto kahit hindi ka kilala. Pero pag
nakuha na ang loob mo, at naiboto mo, at pag na halal tila
ba nagkaroon sya ng sakit na tinatawag na amnesia na para
bang di ka nakausap ng mga panahong nangangampanya
sya. Tuwing panahon ng eleksyon natatanaw ng mga
politikong magnanakaw ang problema ng bayan o ng mga
taong nanghihingi ng tulong sakanya pero pag nahalal na
nag bubulagbulagan ito na para bang walang nakikitang
humihingi ng tulong sakanya. Ang kakapal ng mukha
na gastusin ang pera ng bayan na para bang di tinuran
ng mga sarili nilang magulang na wag gawin ang mga
masasamang bagay na di naman nila ikakaunlad.
Sa nalalapit na Barangay Eleksyon, maraming
naghahangad na makakuha ng pwesto. May natakbong
high profile, may kinukuha sa partido dahil sikat at may
tumatakbo dahil wala lang. Saan kaya kumukha ng kapal
ng mukha ang mga tambay na tumakbo bilang konsehal?
Hindi naman porket rehistrado ka na at makompleto
mo na yung files na kailangan tatakbo ka na. Instant
trabaho kumbaga para sa mga natakbong tambay, dahil
magpaparehistrado ka lang, konting files lang at papayagan
ka ng tumakbo. Pag nahalal na ayon may pera na buwan
buwan. Biruin mo yung mga nakikita mo lang sa kanto
araw araw na walang ginawa kundi mag bulyawan kasama
ang mga ulupong na barkada ay makikita mo ang mga
nag kalat na litrato sa mga posteng madadaanan mo. Ni
hindi man lang nila inisip yung magiging kinabukasan ng
Bayan pag sila ay nahalal. Hindi man lang ba nila naisip
PCAARRD project equips ASU, ASCMST, and Tagum
LGU with mud crab hatchery and nursery technologies
Written by
Rose Anne M. Aya,
DOST-PCAARRD S&T Media Services
Mud crab farming has long been established in the Philippines.
In fact, the country is the second top producer in the world. As
most mud crab farmers rely for crab seeds from the wild, reduced
landings and mean capture size are being experienced by farmers
due to overexploitation. To address this, mud crab farmers raise
crabs in hatcheries.
To further increase hatchery-reared mud crabs in
the country, a project funded by the Philippine Council for
Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and
Development of the Department of Science and Technology
(DOST-PCAARRD) promoted mud crab hatchery and nursery
technologies in Aklan State University (ASU), Zamboanga State
College of Marine Sciences and Technology (ZSCMST), and the
Tagum local government unit (LGU) in Davao del Norte.
The project, “Promotion of Mud Crab Hatchery
and Nursery Technologies in Selected Sites,” is implemented
by the Aquaculture Department, Southeast Asian Fisheries
Development Center (SEAFDEC/AQD) and is part of the
National Mud Crab Science and Technology Program.
ASU, ZSCMST, and Tagum LGU have existing
hatchery facilities, laboratories, or pond facilities. A memorandum
of agreement (MOA) to adopt the mud crab hatchery operation
was signed between SEAFDEC/AQD and the three entities
mentioned.
Under the agreement, ASU, ZSCMST, and Tagum LGU
underwent training courses on mud crab hatchery and nursery
operations. The training courses tackled mud crab hatchery,
nursery, and grow-out operations. The three collaborators also
underwent practical sessions on natural food culture, broodstock
management, larval rearing from zoea to megalopae, nursery
rearing, and other activities involved in the hatchery, nursery, and
grow-out operations.
Improving the hatchery facility of ASU and ZSCMST
To guide the ASU staff in the hatchery, a SEAFDEC/
AQD technician was detailed for two hatchery and nursery trials.
The trials recorded a survival rate at larval stage of 80-85 percent
in the hatchery phase and 66-76 percent in the nursery phase.
The crab juveniles produced from the nursery phase
were stocked in the nearby grow-out ponds for culture to market
size. Some of the market size females produced were used as
broodstock for the hatchery.
On the other hand, faculty, research staff, and students
of Fisheries and Aquaculture course of ZSCMST, and crab
traders and growers in the area were trained on natural food
culture. Same with ASU, a SEAFDEC/AQD technician was
detailed in the college’s hatchery.
Multi-species hatchery in Tagum
A new multi-species hatchery for mud crab culture was
constructed in the Tagum LGU. Technical assistance for one run
was provided by a SEAFDEC/AQD technician. Both S. serrata
and S. olivacea are being used for seed production, wherein the
crablets of the latter are intended to be used in the soft-shell crab
farm. The soft-shell crab farm was also set up in Tagum.
Once the project is concluded, SEAFDEC/AQD will
continue to provide assistance to the three collaborators.
na nakikita ng kabaranggay nila ang mga ginagawa nya
noong panahong di pa nya naiisip na tumakbo bilang isang
Kapitan o Konsehal? Siguro nga wala silang plano para sa
Bayan dahil ang hangad lang nila ay ang maliit na sweldo
na makukuha nito buwan buwan. Bakit nga ba maraming
naghahangad na tumakbo sa politika dahil lang sa maliit
na pera? Ang hirap sagutin ng mga katanungan na para
bang walang makuhang kasagutan.
Bakit nga ba mas marami pang nananalong mga
natakbong walang alam at pera lang ang habol? Masakit
man isipin kung sino pa yung walang alam at pera lang
ang habol sa eleksyon sila pa yung maraming koneksyon.
Sa totoo lang kahit panget ang plataporma mo basta may
koneksyon ka kahit wala kang alam panalo ka. Konting
pakiusap lang sa mga koneksyon sayo na ang pera ng
bayan.
Minsan may mga botante na wala talagang alam
kung anong nangyayari. May botanteng mas mayaman
pa sa tumatakbong kapitan na may pakialam sa bayan,
may mayaman na botante na bomoboto dahil wala lang
o kailangan lang dahil rehistrado siya at may mayayaman
na botante na bumoboto para ihalal ang kanilang kaibigan
sa pwesto. May botante ding binoboto ang merong mas
maingay na pangalan ng kandidato. Meron din namang
botante na naniniwala ang pag boto sa eleksyon ay hindi
isang biro.
Sa darating na Mayo 14, ang itinakdang araw
para sa mga bagong lider. Nawa’y maging isang malinis
at patas na laban para sa lahat. Para sa mga botante, iboto
natin ang karapat dapat maupo sa matataas na upuan. Ang
boto mo ay mahalaga kaya pag isipan mabuti kung karapat
dapat ba talaga maihalal ang isang kandidatong iyong
ninanis na manalo. Tandaan mo, nasa huli ang pagsisisi.
Dahil ang kinabukasan ng bayan ay wala sa mga kandidato
kundi nasa kamay ng mga boboto.
Simula...
mula sa pahina 8
ang kinailangang buhatin pa ng kanyang
apo patungo sa ikalawang palapag upang
makaboto. Ayon kay Jose Manibo, gustong
gusto ng kanyang lola na makaboto bagamat
mahina ang katawan at hindi na kayang
makapaglakad.
Mayroong police desk ang Batangas
City PNP na syang aaksyon kung magkaroon
man ng kaguluhan. May mga staff din ang City
Health Office (CHO) na magbibigay ng first
aid sa mga mangangailangan.
Samantala, bumuto sina Mayor
Beverley Dimacuha at Congressman Marvey
Marino sa Batangas National High School
(BANAHIS) kasama sina ABC President
Dondon Dimacuha, ang kabiyak nitong si
Atty Alyssa Dimacuha at Secretary to the
City Mayor Atty Reginald Dimacuha bandang
10:00 ng umaga.
Habang tahimik at maayos ang eleksyon
sa Alangilan Elem. School, nagkaroon naman
ng problema sa third party member ng Board
of Election Inspectors sa isang presinto sa
Kumintang Ilaya Elem. School. Siya ay
isang barangay nutrition scholar na identified
sa kalabang partido ng kasalukuyang
administrasyon ng barangay Kumintang Ilaya.
Dahilan dito, pinayagan ng Comelec na siya ay
matanggal at agarang pinalitan. (PIO Batangas
City)