Tambuling Batangas Publication May 09-15, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Mabaliw sa Aliw Ngayong Summer 2018 ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
2,000
barangay
at
SK
candidates lumahok sa Unity
Walk at Peace Covenant p. 2
Pahimis Festival 2018
p. 5
Elementary students lumahok
sa art workshop ng City
Library p . 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 20
Mayo 09-15, 2018
P6.00
Waterworks project para sa mga
relocatees sa Brgy. Tulo pinasinayaan
MAY 460 kabahayan ang
makikinabang sa ikatlong
waterworks project sa
barangay
Tulo
West
na
pinasinayaan
nina
Congressman
Marvey
Mariño at Mayor Beverley
Dimacuha
ngayong
Biyernes, March 4.
Ang tangke ng
tubig na naglalaman ng
8,000 galon ng tubig na
itinayo sa relocation site ng
barangay ay magbibigay
na sapat na suplay ng
tubig sa mga residente dito
kabilang na ang may 40
pamilyang na relocate dito
mula Gulod Labac dahilan
sa konstruksyon ng 3rd
Bridge project.
Nagpasalamat
si
Punong barangay Digna
Fajarito kina Cong. Mariño
at Mayor Dimacuha sa
pagkakaloob ng naturang
proyekto para sa mga
relocatees. “Salamat po
sa inyo at lagi ninyong
naaalala ang inilipat nating
mga residente, hindi po
magtatagal at magiging
kanila na mismo ang lupang
kanilang tinitirahan,” sabi
ni Fajarito.
Nagpaabot rin ng
pasasalamat si Punong
Sundan sa pahina 2..
President Duterte
distributes CLOAs to
Bondoc Peninsula farmers
PIA 4A
MULANAY,
Quezon
(PIA) -- President Rodrigo
Duterte on Wednesday, May
2, led the distribution of
certificate of land ownership
awards (CLOAs) to Bondoc
Peninsula
farmers
and
proposed for the inclusion
of idle government lands
to the ongoing land reform
program.
“If the issue has
always been land. Sabi
ko kay Secretary John
Castriciones, ‘bakit hindi
mo na lang i-reform lahat
pati ‘yung bukid?’” the
President said in his speech
following the distribution
of CLOAs here.
“Wala namang silbi
‘yang mga gobyerno na
lupa. And even if it is really
a mountain or a hill, tatanim
ninyo coconut at rubber.
And that is my experience
sa Mindanao,” he said.
The
President,
however, said he needs the
cooperation of Congress for
it to materialize.
“Bitawan na natin
lahat ngayon. Wala namang
Sundan sa pahina 2..
Batangas City Cultural Affairs Committee ang “Journeys on a Galleon”
Sa kasalukuyan ay may 70 waterworks projects at 70 organized waterworks association sa 52 barangay sa lungsod kung saan mahigit sa 5,000 mamamayan ang nakikinabang
dito. Ang City Planning and Development Office (CPDO), City Engineer’s Office (CEO) at City Health Office (CHO) ang mga tanggapan na nagpapatupad at namamahala
ng proyektong ito
Batangas, Laguna media gather for Media
Weather 101 seminar
Chris Jerome A. Sanji
CALAMBA CITY, Laguna,
(PIA) -- To create a
“weather-wiser” nation, the
Aboitiz Power Corporation
and Weather Philippines
conducted
a
seminar-
workshop entitled “Media
Weather 101” for media
practitioners in Batangays
in Laguna on April 30
at APRI-MakBan, Bay,
Laguna.
Kim
Toribio,
community specialist of
Aboitiz Power Corp., toured
the guests in the Cleanergy
Center where she presented
the company’s background
and purpose. She also said
that the company offers
scholarships and conducts
different
community
outreach programs.
The
center
is
composed of different
interactive
materials
that provide experiential
learning on how turbines
and
other
tools
for
geothermal energy work. It
also features inventions on
energy generation.
After
the
tour,
Weather Philippines briefed
the participants on the
company background and
the technologies they use to
monitor weather situations
as well as their plans to
improve their services.
Meanwhile, David
Michael
Padua,
senior
typhoon
specialist
of
the Weather Philippines
Foundation,
discussed
Weather
and
Tropical
Cyclone 101.
At
present,
the
accuracy of the weather
updates is at around 86
percent,
Padua
noted.
He also explained the
terminologies related to
weather reporting. (CJS,
PIA4A)
Batangas City nakiisa sa
Filipino Heritage Festival
MANILA
–
Libreng
napanood ng ilang mga
guro mula sa pambubliko
at pribadong paaralan sa
Batangas City kasama ang
mga myembro ng Batangas
City
Cultural
Affairs
Committee ang “Journeys
on a Galleon”, isang concert
na ginanap noong May 5
sa Cultural Center of the
Philippines bilang bahagi ng
Filipino Heritage Festival.
Ito ay bilang paggunita din
sa National Arts Month.
Ang
nasabing
pagtatanghal
ay
lumalarawan kung paano
naging malaking bahagi ng
buhay ng mga Filipino ang
kalakalan sa pamamagitan
ng mga galleon at kung
paano naimpluwensyahan
ang ating kultura ng iba’t
ibang bansa.
Nagtanghal
ang
ROFG
kids,
Ramon
Obusan Folkloric Group,
Ateneo Chamber Singers,
University of the East
Silanganan Dance Troupe
at ang Philippine Ballet
Theatre.
Ang Journeys on a
Galleon ay sa koryograpiya
ni Gener Caringal at panulat
at direksyon ni Floy Quintos.
(PIO, Batangas City)