Tambuling Batangas Publication May 08-14, 2019 Issue | Page 8
Boilers and spoilers... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLII
No. 19 May 8-14, 2019
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
Government employees sumailalim sa safety training
SUMAILALIM
sa
limang
araw na seminar tungkol sa
Construction Occupational Safety
and Health (COSH) Training
ang may 30 empleyado ng
City Engineer’s Office (CEO),
City Disaster Risk Reduction
Management Office (CDRRMO),
at Department of Public Works
and Highways (DPWH) sa
Teachers Conference Center
(TCC) noong May 6-10.
Ang nasabing seminar
ay mandatory para sa mga safety
officers, safety representatives
ng mga construction companies,
technical employees, yuong
mga nasa electrical planning,
maintenance,
at
architech.
Tinalakay dito ang key OSH
concepts, principles and practices
na masari nilang i applay sa
kanilang trabaho.
Ayon
kay
Liberty
Navarro,
sales
marketing
executive ng Trainovate na siyang
nagsagwa ng training na ito at
isang private entity na accredited
ng Department of Labor and
Employment (DOLE) para sa
ganitong pagsasanay, layunin
nito na magkaroon pa ng dagdag
kaalaman ang mga concerned
government employees tungkol
sa safety at health upang lalo pa
maitaas ang antas ng kanilang
serbisyo publiko partikular sa
construction ng mga infrastructure
projects.
Kabilang
sa
mga
tinalakay ang excavation and
demolition safety, safety of
construction machineries tulad
ng cranes at mobile equipment,
safety of site premises, safety in
the use of temporary structures,
hand and power tools, fall
protection while in working at
heights, environmental concern
at waste disposal on site. Kasama
din ang use of interventions
kagaya ng tool box meetings, job
hazards analysis, mga batas at
latest issuances sa OSH.
Ayon kay Electrical
Engr. Armando Plata ng CEO,
layunin nilang maging ligtas
at healthy ang Batangas City
pagdating sa woking condition
ng mga empleyado na nasa
construction sa pamamagitan ng
application ng mga safety rules
and regulations. (PIO Batangas
City)
Eleksyon sa Batangas
City ngayong umaga
maayos at tahimik
MAAYOS at tahimik ang halos
kalahating araw na botohan sa
lungsod ng Batangas, ayon kay
OIC City COMELEC Officer,
Atty. Gretchen Do`latre. Aniya
walang silang natanggap
na ulat ng election -related
complaints maliban sa ilang
mga botanteng hindi makita
ang pangalan sa mga voting
centers/precincts na kaagad
naman ay naaksyunan din ng
Comelec Office.
Wala rin aniyang mga
supporters at staff ang mga
kandidato na naka antabay at
namimigay ng mga tarheta
sa mga voting centers, kung
kaya’t mas maluwag at malinis
ang mga polling places.
“Nagpapasalamat po
ako sa ating mga kandidato
sa kanilang pagsunod sa
mga Comelec rulings kung
saan nagtapos ang kampanya
noong May 11, at sa kanilang
pakikiisa para sa maayos at
tahimik na halalan,” sabi ni
Atty. Dolatre.
Sinabi rin niya na may
mga special lane para sa mga
persons with special needs
kagaya ng senior citizens, may
kapansanan at buntis. Ang
mga ito ay maaring tulungan
o asistehan ng miyembro ng
electoral board o ng kanilang
pamilya (4th consanguinity).
“Hinihiling ko po ang
patuloy na pasensya ng mga
botante, lalo na kung mahaba
ang pila, mainit ang panahon,
bukas po ang Comelec
Office para po sa inyong mga
pangangailangan”, sabi ni
Atty. Dolatre
Ang Batangas City
ay may 223,250 registered
voters, 85 voting centers, at
276 voting precincts.
Ang canvassing ay
gagawin sa Sangguniang
Panlungsod kung saan maari
itong mapanood ng publiko sa
pamamagitan ng widescreen
na ilalagay sa labas ng gusali.
Inaasahang matatapos ang
canvassing bukas ng umaga at
maisasagawa ang proclamation
ng mga mananalo.
Louise N. Mangilin – Batangas Capitol PIO / Photo: Bats PIO
Pagbuo ng Barangay Rabies Control
Committee ipinaguutos ng ordinansa
NASA kamay na ng Barangay
Rabies Control Committee ang
pagpapatupad ng Anti Rabies
Ordinance kung kayat ipinaguutos
ang pagbubuo ng komitibang ito
sa lahat ng barangay sa layuning
maging rabies-free ang Batangas
City.
Kaugnay
nito,
nagpatawag ng pagpupulong ang
Batangas City Rabies Control
Council (BCRCC) sa mga
barangay captain at barangay
secretaries noong May 16 at 17
sa Office of the City Veterinary
and
Agricultural
Services
(OCVAS) kung saan tinalakay
ang Implementing Rules and
Regulations
ng
Ordinance
Adopting ity Republic Act No.
9482 o Anti Rabies Act of 2007.
Ayon kay Asst. City
Veterinarian Dr. Loyola Bagui,
isinasaad ng inamyendahang
ordinansa ang pagbubuo ng
mga Barangay Rabies Control
Committee
(BRCC)
na
pinamumunuan ng barangay
captain bilang chairman at ng
school principal o barangay
chairperson ng Committee on
Agriculture and Veterinary o
Committee on Health bilang vice
chairman na syang magpapatupad
at magmo monitor ng lahat ng
rabies prevention and control
activities sa barangay kagaya ng
registration ng aso, pagbabakuna
kontra rabies, at education/
information drive.
Tungkulin din ng BRCC
na magpatupad ng pagtatali ng
aso o pananatili ng aso sa loob
ng bakuran ng bahay upang
huwag itong makagala. Dahil
dito, kailangang magkaroon ng
dog pound ang barangay upang
pagdalhan ng mga asong ligaw
sa halip na dalhin pa ito sa city
pound sa OCVAS.
Sinabi
ni
Bagui
na naniniwala ang council
na mahalaga ang papel na
gagampanan ng barangay sa
pagpapatupad ng ordinansa na
naglalayong mapalakas ang
kampanyang maging rabies-free
ang lungsod sa taong 2024.
Compulsory
ang
registration ng lahat ng aso sa
barangay kung saan ang BRCC
ang kokolekta ng registration fee
na P20.00. Ang rehistradong aso
ay bibigyan ng Dog Registration
Tag na ilalagay sa dog collar at
dapat gamitin ng aso habang nasa
mga pampublikong lugar upang
madaling ma identify na ito ay
rehistrado.
Ayon pa rin sa nasabing
Sundan sa pahina 3..
Batangas City Rabies Control Council (BCRCC) sa Office of the City Veterinary and
Agricultural Services (OCVAS)