Tambuling Batangas Publication May 02-08, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. MOCHA USON FOR SENATOR! ... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Batangas City athletes sa Palarong Pambansa 2018 nag-uwi ng medalya p. 2 KWF inilunsad ang Patimpalak para sa Ulirang Guro sa Filipino 2018 p. 5 Halos 2,000 aplikante lumahok sa Labor Day job fair ng PESO p . 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 19 Mayo 02- 08,, 2018 P6.00 Lahing Batangan nagtanghal sa International Dance Xchange DUMAGUETE CITY – Lumahok ang Batangas City, ang itinuturing na cultural center ng Calabarzon, sa International Dance Xchange Workshop and Performances sa Dumaguete City noong April 26 – 30 kung saan nagtanghal ang Lahing Batangan. May temang “Cultural connectivity through Dance”, ito ay proyekto ng National Commission for Cullture and the Arts na naglalayong mabigyan ng kaalaman ang mga Filipino sa kultura at sayaw ng ibang bansa. Layunin din nito na maabot ang kasuluk sulukang mga barangay upang maihatid ang iba’t ibang kultura sa pamamagitan ng mga sayaw. May 852 participants mula sa buong Pilipinas ang lumahok sa dance workshop. Mahigit 10 international groups ang nagbigay ng lecture at demonstration ng kanilang native dances mula Thailand, Malaysia, Indonesia, Turkey, Poland, Japan, China, Bangladesh, Hongkong, India at Hawaii. Nagtanghal din ang mga foreign groups kasama ang mga local performers tuwing gabi sa ilang concerts na ginanap sa iba’t ibang venues. Ilan dito ang ipinagmamalaking Lahing Sundan sa pahina 2.. Kauna-unahang Selebrasyon ng Women with Disability sa Lalawigan ng Batangas, Idinaos Upang palakasin at iangat ang sektor ng mga kababaihang may kapansanan, idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) ang kauna-unahang selebrasyon ng Women with Disabilities noong ika-24 ng Abril 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Ang nasabing selebrasyon ay may temang “Babaeng may kapansanan, manguna at manindigan tungo sa pagbabago.” Bilang bahagi ng programa, nagbigay ng mensahe sina Ms. Hildegonda Del Mundo, President ng Provincial Federation of Women with Disabilities kung saan hinikayat niya ang mga kapwa niya may kapansanan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan; Ms. Jocelyn Montalbo, Department Head ng PSWDO, na nag-ulat Sundan sa pahina 2.. International Dance Xchange Workshop and Performances sa Dumaguete City noong April 26 – 30 Mga kabataan ng Bahay Pag-asa, sumasailalim sa Training on Bread and Pastry Production K A S A L U K U YA N G sumasailalim ang mga kabataan ng Bahay Pag-asa ng pagsasanay sa Bread and Pastry Production, na bahagi ng hangaring mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga ito upang magkaroon ng maayos na hanapbuhay at pagkakakitaan. Mula ika-23 ng Abril hanggang ika-10 ng Mayo 2018, isinasagawa ang nasabing proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa Bahay Pag-asa Conference Room, Bolbok, Batangas City. Ang Bahay Pag- asa ng Batangas Capitol ay isang institusyon na itinayo, pinondohan, at pinamamahalaan ng provincial government, sa pamamagitan ng PSWDO, at kabalikat ang mga licensed o accredited na nongovernment organizations (NGO). Ito ang nagsisilbing pansamantalang tahanan para sa Children in Conflict with the Law o mga kabataang may mga kinakaharap na mga kaso, na may edad na 15 hanggang 18 taong gulang Ang mga kabataang ito ay naghihintay na mapawalang sala sa kanilang mga kaso o di kaya ay mailipat sa ibang ahensya o jurisdiction. Ang pagsasanay na ito ay nilahukan ng 25 mga kabataan, na kaugnay pa rin ng adhikaing ng pamahalaang panlalawigan, sa patnubay ni Gov. Dodo Mandanas, na mabigyan sila ng sapat na pangangalaga at gabay upang hindi na sila muling maligaw ng landas at magkaroon ng panibagong pag-asa sa buhay. Sponsored ng TESDA ang nasabing aktibidad, kung saan sa loob ng 18 araw na pagsasanay, matutunan nila ang magluto at gumawa ng tinapay at pastries. – Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO 2,771 kandidato sa barangay at SK elections naghain ng COC Sa 105 barangay sa lungsod, may 209 ang naghain ng kandidatura bilang punong barangay at 1,517 naman bilang mga barangay kagawad Sa 1,680 posisyon na paglalabanan ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Batangas City sa darating na May 14, 2,771 ang kabuuang bilang ng nakapaghain ng kanilang certificates of candidacy (COC). Sa 105 barangay sa lungsod, may 209 ang naghain ng kandidatura bilang punong barangay at 1,517 naman bilang mga barangay kagawad. May 199 kabataan ang naghain ng COC bilang SK chairmen habang 846 naman para sa SK kagawad. May 27 barangay ang mayroong isang kandidato lamang para sa pagka- Barangay Chairman habang 34 naman ang mga barangay na may iisang kandidato para sa SK chairman. Walang kandidato sa SK chairman ang Barangay 16 habang wala namang kandidato para sa SK kagawad ang barangay Poblacion 5, 7, 16, Mahacot Silangan at San Miguel. Sa kabuuan ay naging maayos ang sistema ng filing ng COC noong April 16-20 ayon kay Batangas City Comelec Sundan sa pahina 2..