Tambuling Batangas Publication May 01-07, 2019 Issue | Page 8

Election reflection... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 18 May 1-7, 2019 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com 1st Quarter accomplishments ng PPDO, itinampok “PLANNING is an integral part of our work, may kasabihan kami sa aming opisina na if you fail to plan, you plan to fail”. Ito ang binigyang- diin ni Provincial Planning and Development Office (PPDO) Department Head Benjamin I. Bausas, nang ibahagi niya ang accomplishments ng kanilang tanggapan para sa 1st Quarter ng 2019 noong ika-29 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Tinalakay ni Ginoong Bausas, isang Certified Public Accountant at Licensed Environmental Planner, ang layunin ng PPDO na magbalangkas ng mga komprehensibong development plans para sa ikagagaling ng mga stakeholders at maisakatuparan ang mga minimithi ng pamahalaang panlalawigan. Alinsunod dito, nagsasagawa sila ng mga pagsasaliksik, pag-aaral, pagsasanay, at monitoring ng mga programa at proyekto. Kabilang sa mga nagawa ng nasabing opisina mula Enero hanggang Abril 2019 ang pagbibigay ng secretariat services sa Provincial Development Council (PDC); pagtanggap at pagsusuri ng mga Annual Investment Projects ng mga Capitol departments; pag-aaral ng comprehensive land and water use plan at zoning ordinances ng iba’t ibang munisipalidad, kabilang ang sa Calatagan at Rosario na dumadaan sa pagsusuri ng Provincial Land Use Committee; at, pangangasiwa sa Local Public Transport Route Plan. ✎ Louise N. Mangilin – Batangas Capitol PIO / Photo: Bats PIO City Engineer’s Office may bago ng gusali BATANGAS CITY- Taong 1971 ng itayo ang dating opisina ng City Engineer’s Office (CEO) sa barangay Kumintang Ibaba. Ngayon, April 30, 2019, pinasinayaan ang kanilang bagong gusali na akma sa makabagong panahon at sa isang patuloy na umuunlad na lungsod. Sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha na nagagalak siya sapagkat isa ring katuparan ng dream project ng kaniyang ama na si dating Mayor Eduardo Dimacuha ang pagpapatayo ng bagong gusali ng CEO. “Naway magsilbing inspirasyon itong gusaling ito para mas lalo pang ganahan ang bawat empleyado na pumasok at maglingkod sa pamahalaan. Hiling ko din na mas maging matibay at matatag ang kanilang samahan .” Kasama ni Mayor Beverley si Cong. Marvey Mariño at iba pang oisyales ng lungsod sa inagurasyong ito. Nagkaroon ng unveiling ng marker at pagkatapos nito, nagpasalamat si City Engineer Adela Hernandez kay Mayor Beverley sa pagpapatupad ng proyektong ito. Ang two-storey building ay mayroong 10 kwarto para sa walong divisions, para sa department head at assistant department head . Mayroon din itong isang conference room. (Jeanette L. Reyes – OJT PIO Batangas City) Louise N. Mangilin – Batangas Capitol PIO / Photo: Bats PIO 2nd Batch ng mga Kabataang Batangueño academic awardees, binigyang parangal sa Kapitolyo DALAWAMPU’T tatlong (23) mga estudyanteng Batangueño na nagtapos ng may academic honors ang muling kinilala at binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Ang nasabing paggagawad ng pagkilala ay isinasagawa ng Kapitolyo sa patuloy na pagsaludo at pagpapahalaga sa galing at talino ng kabataang Batangueño, na laging ipinagmamalaki ni Gov. Mandanas na maiituring na yaman ng lalawigan. Apat sa mga pinarangalan ang nagtapos bilang Magna Cum Laude sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) – Sto. Tomas, kabilang sina Raquel D. Macatangay, ng kursong Bachelor of Business Teacher in Education; at, Nica Mae M. Ariola, Mary Jane S. Mayuga at Jane Rachelle V. Ebora, ng kursong Bachelor of Science (BS) in Psychology. Mula pa rin sa PUP – Sto. Tomas, walong (8) awardees naman ang pinarangalan bilang mga nagtapos ng Cum Laude, na kinabibilangan nina Bhavyl S. Casabuena, Joanne L. Badillo at Juliet M. Razon ng kursong Bachelor of Business Teacher in Education; Laica Alma D. Gervacio, Camille V. Camitan at Arlaine Jane R. Arcaya ng kursong BS Psychology; at, sina Leichelle L. Llanto at Jessa Mae Narvaez ng kursong BS Entrepreneurship. Pawang mga Cum Laude at nagmula sa Immaculate Conception College sa Bayan ng Balayan, nagtapos naman sina Ma. Lorejane Ramos, Ceferina Jolongbayan at Lee Victor M. Piol ng kursong BS Secondary Education; Angelika Marie Calanog ng kursong BS Business Administration; at, Ivan Paul Austria ng kursong BS Tourism Management. Tatlong (3) estudyante naman mula sa Lemery Colleges ang nagtapos na Cum Laude, kabilang sina Marivic M. Agojo ng kursong BS Business Administration – Financial Management, Cynthia A. Atienza ng kursong BS Secondary Education at Sunshine O. Palino ng kursong BS Customs Administration. Nagtapos din bilang Cum Laude sina Anahid D. Biscocho at Maricel De Castro ng Agoncillo College Inc. ng kursong BS Secondary Education; at, Jhed C. Amazona ng kursong BS Aircraft Maintenance Technology mula sa Philippine State College of Aeronautics sa Fernando Air Base, Lipa City. Ang mga nabanggit na estudyante ay kabilang sa provincial government scholars na nakakatanggap ng Educational Assistance bawat semester. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Talino ng Kabataang Batangueño. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna nina Gov. DoDo Mandanas, Provincial Administrator Levi Dimaunahan at Scholarship Division Head Merly Pasatiempo, ang mga honor students mula sa Polytechnic University of the Philippines – Sto. Tomas, Immaculate Conception College ng Balayan, Lemery Colleges, at Philippine State College of Aeronautics sa Fernando Air Base, Lipa City noong ika-22 ng Abril 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO