Tambuling Batangas Publication March 20-26, 2019 Issue | Page 8
We can dream, can’t we?... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLII
No. 12 March 20-26, 2019
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
CALABARZON General Services Officers
Conference, idinaos sa Batangas
SA ika-13 edisyon ng Regional
Conference
ng
Philippine
Association of General Services
Officers (PAGSO), na idinaos
noong March 13-15, 2019 sa
Pontefino Hotel, Pastor Village,
Batangas City, nagsilbi bilang
host sa pagtitipon ang PAGSO-
Batangas Chapter.
Ang 3-day conference,
na ginabayan ng temang
“Innovating Public Governance:
Pagkakaisa at Pagsasamahan
para
sa
Matatag
na
Paglilingkod”, ay dinaluhan ng
196 General Services Officers
(GSO) mula sa CALABARZON,
sa pangunguna ni Gng. Paulita
M. Maneja, Batangas Provincial
General
Services
Office
Department Head at Presidente
ng PAGSO-Batangas.
Naging
guest
of
honor si Batangas Gov. Dodo
Mandanas sa assembly, kung
saan naging mga aktibong
kalahok sina PAGSO Region
IV-A
CALABARZON
President, Engr. Ma. Lourdes
P. San Miguel, Municipal
GSO ng Sta. Cruz, Laguna;
Vice President, Engr. Roberto
Penaranda, Municipal GSO ng
Tanay, Rizal; Secretary, Paulita
M. Maneja, Provincial GSO,
Batangas Province; Treasurer,
Primitivo Satumba Jr., Municipa
GSO ng Infanta, Quezon; at,
Auditor, Alejandro Herrera
Jr., Municipal GSO ng Imus,
Cavite. Marinela Jade Maneja –
Batangas Capitol PIO
Malasakit Center,
binuksan sa Quezon
Medical Center
By Ruel Orinday
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon,
-- (PIA)- Pinangunahan nina Quezon
Governor David C. Suarez
at
Presidential Assistant for Visayas at
Malasakit Center National Head Sec.
Michael Lloyd Diño ang idinaos na
pagbubukas at pagpapasinaya ng
Malasakit Center sa Quezon Medical
Center dito sa lungsod kamakailan.
Ang proyekto ay naidaos
sa inisyatibo ng pamahalaang
nasyunal sa pamamagitan ni dating
Special Assistant to the President
Bong Go at suporta ng pamahalaang
panlalawigan.
Ang Malasakit Center ay
ang tanggapan na magisisilbing one-
stop shop para sa mga mamamayang
nangangailangan ng tulong-medikal
at pinansyal. Kabilang sa mga
tanggapang
pang-nasyunal
na
matatagpuan sa Malasakit Center
Office ay ang PhilHealth, PCSO,
PAGCOR, DOH at DSWD.
Ayon kay kalihim Diño,
ang Malasakit Center ay nagmula
sa proyektong Lingap sa Mahihirap
na proyekto sa Davao City ni
dating Mayor Rodrigo Roa Duterte
taong 2001. Sinuportahan din ito
ng kanyang anak na si Mayor
“Inday” Sarah Duterte taong 2017 sa
pamamagitan naman ng Pagkalinga
sa Davao Project.
Dahil dito, iminungkahi
ni SAP Bong Go kay Pangulong
Duterte na magkaroon ng nationwide
adaptation ng mga nasabing proyekto
sa pamamagitan ng Malasakit Center.
Sa kasalukuyan, higit 25 na ang
bilang ng mga opisina ng nasabing
tanggapan sa buong bansa.
“Finally,
through
the
efforts of our President Rodrigo Roa
Duterte, our brothers and sisters
here in Quezon will get to enjoy
cheaper, if not free medical services.
All government agencies which
offered financial help related to
hospitalization will now be under one
roof so that our dear patients will no
longer spend time, money and effort
going to different agencies to avail.
The idea is to simplify the process
and requirement of government
agencies that are spending medical
and financial assistance to the poor
Filipinos in government hospitals.”
pahayag ni Diño.
Ipinaabot
naman
ng
pamahalaang
panlalawigan
sa
pamamagitan ni Gob. Suarez
ang suporta nito sa proyektong
pangkalusugan
ng
national
government para sa probinsya.
Aniya, malaking tulong
ang pagkakaroon ng Malasakit
Center sa Quezon upang patuloy
na maiparamdam ng pamahalaan
ang pagmamahal at pag-aaruga
nito sa lahat ng mga Pilipinong
nangangailangan.
“Ngayon lang nagkaroon
ng
ganitong
programa
ang
national government kung saan
nararamdaman, naipapakita natin ang
tunay na pagmamahal at pag-aaruga sa
lahat ng mga Pilipinong nagkakasakit.
I am very sure, 100% libo-libong
Quezonians ang matutulungan nito,
ang makikinabang dito, at libo-libong
Quezonians ang makakalabas ng
Quezon Medical Center ng masaya
at may ngiti dahil natulungan sila ng
ating mahal na Pangulong Rodrigo
Sundan sa pahina 6..
STRENGTHENING THE REGIONAL PAGSO. Tumayong panauhing pandangal si Gov. DoDo Mandanas sa pormal na pagbubukas
ng 13th Regional Conference ng Philippine Association of General Services Officers (PAGSO) Region IV-A noong March 13-15, 2019
sa Pontefino Hotel, Pastor Village, Batangas City. Ang conference ay nilahukan ng may kabuuang 196 General Services Officers (GSO)
mula sa CALABARZON. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
2nd Prosthesis Distribution, Assessment
para sa mga Batangueño PWDs, isinagawa
ALINSUNOD sa adhikain ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas na matugunan
ang
pangangailangang
pangkalusugan
ng
mga
Batangueño, isinagawa ang 2nd
Distribution and Assessment
of Prosthesis para sa mga
Persons with Disability (PWD)
na ginanap sa Persons with
Disability
Affairs
Office
Conference Room, PSWDO
Building, Capitol Compound,
Batangas City noong ika-20 ng
Marso, 2019.
Upang makatutulong
mapunan
ang
nawawalang
bahagi ng katawan, 6 na leg
prosthesis ang ipinagkaloob sa
mga benepisyaryong PWDs.
Nagkaroon naman ng 23
assessments para sa paglalagay
ng prosthesis, kung saan 19 ay
para sa paa at binti at 4 ay para
sa kamay at braso.
Ang
aktibidad
ay
pinangunahan ng Provincial
Social Welfare and Development
Office
(PSWDO),
sa
pamamagitan ng PDAO, na
pinamumunuan ni Mr. Edwin De
Villa, katuwang ang Philippine
Charity Sweepstakes Office
(PCSO) at ang PBF Prosthesis
and Brace Center.
Sa
panayam
kay
PDAO Head Edwin De Villa,
ipinaliwanag nito na ang
proyekto ay naglalayong mas
mapabuti ang kalagayan ng mga
Batangueñong may kapansanan
sa pamamagitan ng assistive
devices na makakatulong sa
kanila upang maging produktibo
sa kani-kanilang mga tahanan at
pamayanan.
Dagdag
pa
niya,
huwag mag-aatubaling lumapit
sa kanilang tanggapan ang
mga PWDs dahil, sa ilalim ng
programa ni Governor DoDo
Mandanas, ang bawat may
kapansanan
ay
ginagawan
ng paraan na maitaguyod
ang
dignidad,
makapag-
aral at matugunan ang mga
pangangailangan.
Aktibong
katulong
sa proyekto ang Federation
of Persons with Disability of
the Province of Batangas, sa
pangunguna
ng
Federation
President nitong si Mr. Nelson
Adante. Bukod sa prosthesis,
ang PDAO ay nagbibigay din
ng wheel chairs, hearing aids
at iba pang assistive devices na
naka-disenyong makatulong sa
mga kakulangan ng mga may
kapansanan. Louise Mangilin —
Batangas Capitol PIO
Kabilang si Ginoong Ramon Rodriguez ng Bayan ng Laurel sa mga nakatanggap ng
artificial leg sa isinagawang 2nd Distribution and Assessment of Prosthesis para sa mga
Persons with Disability (PWD) na ginanap sa Persons with Disability Affairs Office
Conference Room, PSWDO Building, Capitol Compound, Batangas City noong ika-20
ng Marso, 2019. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO