Tambuling Batangas Publication March 14-20, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
SBC students ...
p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Isang
dating
pulis
nasakote ng Batangas
City PNP dahilan sa
illegal drugs p. 2
Sico Jail walang droga sa
isinagawang Oplan Linis
Piitan p. 3
PALARUAN SA
BUTAS NA PADER
NG KATUPARAN
p. 5
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 12
Marso 14- 20, 2018
P6.00
Fire drill sa isang kilalang mall muling
isinagawa
Ayon kay Fire Marshall
Glenn Salazar ng BFP, ang
nasabing pagsasanay ay
sumaklaw sa mga aspeto na
dapat isaalangalang kagaya
ng firealarm, evacuation
assembly area, incident
command post at mass
casualty handling. Sinabi
pa niya na importante ang
pagiging alerto at tamang
pagkilos upang maiwasan
ang casualties
BATANGAS
CITY-
Bandang 9:00 ng umaga,
isang usok ang nakita sa fast
food chain section ng SM
City Batangas. Agad nag fire
alarm at kalmadong lumabas
ang mga staff at tenants
papunta
sa
evacuation
assembly area sa may
parking area papuntang
Holy Trinity Church.
Ito
ang
unang
scenario sa fire drill na taon
taong ginagawa ng nasabing
mall upang patuloy na
mahasa ang kahandaan nito
sa sunog at maseguro ang
kaligtasan ng mga tao.
Bago
ang
drill
nagkaroon ng briefing ang
mga participants sa mga
magiging scenario.
Tumulong
sa
drill ang mga kawani ng
Batangas City Bureau of
Fire Protection (BFP),
Disaster Risk Reduction
sundan sa pahina 2
Kahalagahan ng kababaihan,
binigyang-diin sa Pagdiriwang ng
Womens Month sa Lungsod ng Lipa
Mamerta P. De Castro
LUNGSOD NG LIPA, (PIA)
-- Dinaluhan ng humigit
kumulang 2,000 kababaihan
ang pagdiriwang ng Buwan
ng mga Kababaihan sa Lipa
City Youth and Cultural
Center noong Marso 13 sa
lungsod na ito.
Binigyang diin ni
Lipa City Mayor Meynard
Sabili na ang araw na ito
ay pagpupugay sa mga
kakabihang maituturing na
siyang lakas at sandigan ng
mga kalalakihan.
Aniya, ang isang
matatag na lipunan ay mula
sa mga kababaihan kaya
dapat lamang na lahat ay
matutunang
ipaglaban
ang kanilang karapatan at
magsilbing inspirasyon ng
sinuman.
Sa
mensahe
ni
Presidential Spokesperson
Harry Roque, na nagsilbing
panauhing
pandangal,
dapat lamang na ang mga
kababaihan ay ilagay sa
pinakamataas na pedestal
ng pagmamahal, paggalang,
respeto at
pagtanggap.
Ayon pa kay Roque, hindi
maikakaila ang lakas ng
kababaihan sa ngayon na
sundan sa pahina 2
Tumulong sa drill ang mga kawani ng Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP), Disaster Risk Reduction and Managament Office (CDRRMO)
at Red Cross Batangas kung saan sila ang nagsagawa ng simulated rescue and retrieval operations.
DTI 4-A hosts CALABARZON Regional MSME
Development Council organizational meeting
DTI 4A
CALAMBA CITY, Laguna,
(PIA) -- To promote, support,
and strengthen the growth
and development of the
micro, small, and medium
enterprises (MSMEs) in all
productive sectors of the
economy, the Department
of Trade and Industry
Region 4-A hosted a special
organizational meeting of the
CALABARZON Regional
MSME Development Council
yesterday.
“MSMEs are the
engine of economic growth.
Before going up, they should
already be capacitated to
be globally competitive,
resilient, sustainable, and
innovative,” said DTI Bureau
of Small and Medium
Enterprise
Development
Director Jerry T. Clavesillas.
Clavesillas tackled
the MSME Development
Plan 2017-2022 Framework
with business environment,
business
capacity,
and
business
opportunities
as focus areas. The plan
serves as the scheme for the
convergence of initiatives
adopted and implemented by
different stakeholders towards
the growth and development
of the MSME sector in the
Philippines.
“The strategic goals
are improved business climate,
improved access to finance,
enhanced management and
labor capacities, improved
access to technology and
innovation, and improved
access to market,” added
Clavesillas.
The framework also
takes into consideration global
issues and provides cross-
cutting strategies such as to
expand MSME assistance
centers, promote women and
youth entrepreneurship,
Sundan sa pahina 3..
Dredging ng Calumpang River
isasagawa dahilan sa heavy siltation
Batangas – Korea Partnership. Kabilang si Engr. Pablito Balantac, ang Provincial Agriculturist ng Batangas Province, sa Executive
Committee, na binuo upang magsagawa ng screening sa mga Batangueño farmers na ipadadala sa Chuncheon City, South Korea para
sa 2018 Seasonal Guest Trainee Program.
BATANGAS
CITY-
Iniulat ni City Engineer
Adela
Hernandez
na
nagpapagawa ng program
of work si Mayor Beverley
Dimacuha at Congressman
Marvey Marino sa City
Engineer’s Office para sa
dredging ng Calumpang
River dahilan sa heavy
siltation nito na delikadong
magdulot na malubhang
pagbaha kung magkaroon
ng matagal at malakas
na pagbuhos ng ulan.
Sa
kanyang
accomplishment
report
ng kanilang Committe
on Disaster Prevention
and Mitigation sa first
quarterly City Disaster Risk
Reduction and Management
Council Multi-Stakeholder
Dialogue with Risk and
Vulnerability Assessment,
sinabi ni Hernandez na
grabe na ang siltation o
pagkapal ng putik at dumi
ng 20-kilometer Calumpang
River kung kayat pagdating
ng isang malakas na
bagyo ay pwede itong
mag overflow at magdulot
ng malubhang pagbaha.
Ayon kay Secretary
to the Mayor Victor
Reginald
Dimacuha,
malaking
halaga
ang
magagastos sa dredging
project na ito kung kayat