Tambuling Batangas Publication March 13-19, 2019 Issue | Page 8
…And action!... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLII
No. 11 March 13-19, 2019
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
Batangas City Police no1 police station sa
Batangas Province
TUMANGGAP ng Certificate of
Recognition ang Batangas City
Police Station bilang “Ranked
Number 1” sa City Police Station
category dahil sa mahusay at
tagumpay na pagsasagawa nito
ng 2nd Simultaneous Anti-
Criminality and Law Enforcement
Operation (SACLEO), simula
February 18 -24, 2019.
Sa panahong ito ay
nakapagsagawa ang Batangas
City PNP ng 16 na operasyon
laban sa kriminalidad kabilang
ang siyam na buy bust operations,
kung saan naaresto ang 10
hinihinilang drug pushers .
Inaresto rin ang hinihinilang
miyembro ng Bagyo Drug Group
na diumano’y malaking sindikato
ng iligal na droga.
Nahuli rin ng kapulisan
ang no.4 Most Wanted Person na
si Ryan Manalo na may kasong
murder.
Ang recognition ay
tinanggap ni Batangas City PNP
Chief PSupt Sancho Celedio
mula kina Batangas PNP
Provincial Director PSSupt Atty.
Edwin Quilates at 4th District
Congresswoman Lianda Bolilia
noong March 4, sa flag- raising at
awarding ceremony na idinaos sa
Batangas Provincial Police Office
(BPPO), Camp Miguel Marvar,
Batangas City. (PIO Batangas
City
Batangas City tumanggap Batangas City PNP Chief PSupt Sancho Celedio mula kina Batangas PNP Provincial Director PSSupt Atty.
Edwin Quilates at 4th District Congresswoman Lianda Bolilia
ng very good rating sa
pagtalima sa RA 9003
Pagdagsa ng bisita sa Monte Maria sa
MATAPOS
ang
malawakang
education
campaign
ng
pamahalaaang lungsod sa lahat ng
barangay tungkol sa RA 9003 o
Ecological solid Waste Management
Act of 2000 , umani ang Batangas
City ng very good rating o 87%
noong 2018 mula sa Department of
Environment and Natural Resources
–Environment Management Board
(DENR-EMB) sa pagtalima ng mga
residente sa nasabing batas.
Ito ang inihayag ni
Louie Garcia ng DENR-EMB sa
magkasunod na KA-BRAD barangay
general assembly ng Solid North at
Solid Upland noong March 6 at 7,
kung saan isa sa naging tagapagsalita
si Garcia.
Ayon kay Garcia nagsagawa sila ng
random monitoring at evaluation
sa ilang barangay sa lungsod at
interview sa mga residente nito.
Nangunguna sa indicators
ng nasabing evaluation ay ang
Segregation at Source na may
kabuuang 35 points. Nakapaloob
dito ay ang ordinansang ipinatutupad
sa barangay, may magkakahiwalay
na basurahan na may label at
ang adbokasiya o kaalaman ng
mga residente ukol sa tamang
pangangasiwa ng basura. Nakakuha
ang Batangas City dito ng 34 points.
Pangalawa
ay
ang
Segregated Collection kung saan
tiningnan ang schedule of collection,
kaalaman ng mga residente sa
iskedyul ng koleksyon ng basura,
at may magkabukod na sasakyang
humahakot para sa nabubulok at di
nabubulok na basura. Binigyan ng 33
out of 35 points ang lungsod.
Pangatlong indicator ang
Operation of the Materials Recovery
Facility (MRF) na may kabuuang 30
puntos. Kabilang sa mga nakapaloob
dito ang storage area with labels,
signage, pagkakaroon ng actual
composting, data sa recyclables
recovered /processed and sold at
waste diversion rate. Nakakuha ang
lungsod ng 20 puntos sa indicator
na ito. Hinikayat ni Garcia ang mga
barangay na ayusin at gamitin ang
kanilang mga MRF.
Ayon kay Garcia tuloy
tuloy ang monitoring at interviews
na isinasagawa ng Solid Waste
Educators and Evaluators Team
(SWEET) sa mga barangay at kung
sakaling may makikitang mga
paglabag sa RA 9003 ay susulatan
ang barangay at kung hindi pa rin
maayos sa ikatlong pagbisita ay
posibleng sampahan ng kasong
paglabag sa RA 9003.
Binigyang diin naman ni Garcia na
ang Batangas City ay Compliant
LGU sa Environment and Natural
Resources Management Project
(ENRMP) ng World Bank simula pa
2009.
Sa kabila nito ay hinihikayat
pa rin nina City ENRO Officer Oliver
Gonzales at General Services Officer
Joyce Cantre ang mga residente
ng lungsod na ipagpatuloy na
pakikiisa at pakikipagtulungan para
sa pangangalaga ng kalikasan at
kalinisan ng lungsod. (PIO Batangas
City)
Mahal na Araw pinaghahandaan na
PINAGHAHANDAAN
ng
pamahalaang lungsod ng Batangas
ang seguridad, pangangasiwa ng
trapiko at pananatili ng kalinisan
sa inaasahang pagdagsa ng mga
bibisita sa Mother of Asia, Tower of
Peace na kilala bilang Monte Maria
sa barangay Pagkilatan ngayong
Mahal na Araw.
Kaugnay nito ay nagbuo
si Mayor Beverley Dimacuha
ng committee na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang
konsernadong
tanggapan
ng
pamahalaang lungsod at mga
punong barangay ng ilang coastal
barangay na dadaanan papunta
at palabas ng Monte Maria
upang mangasiwa at tiyakin ang
kahandaan ng lungsod sa pagdagsa
ng mga tao sa nagiging popular na
pilgrimage destination.
Ang mga coastal barangay
na ito ay ang Libjo, Ambulong,
Tabangao Aplaya, Pinamucan
Proper, Pinnamucan Ibaba, Simlong
, Mabacong at Pagkilatan.
Sa pagpupulong ng
committee ay ipinaalam ng
Transportation Development and
Regulatory Office (TDRO) na
magtatalaga sila ng mga traffic
enforcers sa mga pangunahing
kalye, sa mga lugar na inaasahang
magkakaroon ng pagsisikip sa
daloy ng trapiko kagaya ng mga
barangay patungong Pagkilatan at
coastal barangay.
Napagkasunduan
dito
na magde- deputize din ng ilang
barangay tanod mula sa coastal
barangay upang makatulong ng
TDRO sa pagsasaayos ng trapiko at
parking areas sa paligid ng Monte
Maria.
Maglalagay ang TDRO
ng mga signage kagaya ng entrance
at exit, at iba pang traffic reminders.
Ipatutupad din ang ang truck ban sa
mga apektadong lugar mula 3:00 ng
madaling araw hanggang sa 9:00 ng
gabi simula April 17 hanggang 19.
Magtatalaga
naman
ang
Batangas City Police Office ng
kanilang police personnel upang
pangalagaan ang seguridad ng mga
mananampalataya at magtatalaga
rin ng mga health worker ang
City Health Office at emergency
management team ang City Disaster
Risk Reduction and Management
Office (CDRRMO).
Magkakaroon lamang ng
isang lugar para sa mga magtitinda
upang hindi makasikip sa daloy ng
trapiko.
Hinihikayat ng committee
ang mga samahan ng kababaihan
sa coastal barangay na magtinda
ng kanilang produkto hindi
lamang upang kumita kundi upang
maipakilala rin ang mga lokal na
produkto.
Tiniyak naman ni General
Services Officer Jocelyn Cantre na
siyang tumayong presiding officer
sa meeting na may truck na hahakot
ng basura sa lugar araw –araw mula
Lunes Santo hanggang Linggo ng
Pagkabuhay. Maglalagay ang mga
barangay ng magkakabukod na
basurahan upang pangalagaan ang
kalinisan dito at magi-instala rin ng
mga tarpaulins ukol sa paalaala para
sa kalinisan at kaayusan ng paligid
ng Monte Maria. (PIO Batangas
City)