Tambuling Batangas Publication March 07-13, 2018 Issue | Page 8

Preventive Action... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 11 Marso 07 - 13, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com BRAD school stage sa sa Isla Verde pinasinayaan PINANGUNAHAN nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang blessing at turn- over ceremony ng Beverley Rose A. Dimacuha (BRAD) type- school stage nitong March 1 sa Parang Cueva Elementary School sa San Andres, Isla Verde. Nakasama nila dito sina City Schools Superintendent Dr. Donato Bueno, Island District Supervisor Vicenta Ebora, Sanggunian Panlungsod Committee on Education Chairman Alyssa Cruz, Coun. Serge Atienza, Batangas City Chief of Police, PSupt Wildemar Tiu, Punong Barangay Arnold Briton mga kagawad at residente ng San Andres. Nagpasalamat si Dr . Bueno kina Mayor Dimacuha at Cong. Marvey dahil nabigyang katuparan ng mga ito ang kanilang kahilingan. Aniya, ngayon ay may maayos na lugar na pagdarausan ng mga programa ang may 172 estudyante at walong guro kasama na ang principal sa paaralang ito. “Kahit maliit na paaralan ang Parang Cueva ay tumanggap na ito ng mga awards kagaya ng 3rd place Best Brigada Implementer- Small Scale Category sa buong bansa, at 2nd place Most Innovative School sa lungsod ng Batangas,” dagdag pa ni Bueno. Ayon naman kay Pangulong Briton maari ring gamitin ang stage sa mga programa at pagtitipon ng barangay. Kasabay ng naturang blessing at turn over ay nagsagawa naman ang City Health Office-EBD Health Card Division ng pagre renew ng Health cards sa may 208 card holders ng barangay. Nagbigay naman ng mga tungkod ang City Social welfare and Development Office (CSDWO) sa panguguna ni CSWDO head Mila Espanola. Kinausap din ng mga personnel nila ang mga senior citizens tungkol sa mga concerns ng mga ito. Nag-inspeksyon ng mga istraktura ang mga kawani ng City Engineers Office at inalam naman ng Batangas City PNP ang peace and order situation sa San Andres at mga karatig barangay. (PIO Batangas City) Provincial Development Council (PDC) Executive Committee, Nagsagawa ng Pagpupulong UPANG magbalik-tanaw sa mga natapos na proyekto at aprubahan ang mga resolusyon na may kinalaman sa pag-unlad ng Lalawigan ng Batangas, isang pagpupulong ang isinagawa ng Executive Committee ng Provincial Development Council (PDC) noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) Conference Room, Capitol Site, Batangas City. Binalangkas sa pagpupulong ang mga accomplishments ng Provincial Project Monitoring Committee (PPMC) noong 4th Quarter ng taong 2017 kung saan nagkaroon sila ng limang proyekto na may kinalaman sa Tourism Infrastructure, Eco-Tourism Infrastructure, Livelihood, Agriculture and Fisheries, at Water and Sanitation. Inihain din ang iba’t ibang resolusyon na inaprubahan ng ehekutibo ng PDC tungkol sa Local Road Network Development Plan (LRNDP) 2018-2022 ng Lalawigan ng Batangas; Inclusion of Farm-to-Market Road (FMR) Projects sa Provincial Commodity Investment Program (PCIP) 2018-2020; Urging the Department of Agriculture to conduct Value Chain Analysis (VCA) of Sugarcane; at Development of Forest Park sa Brgy. Laurel, Mabini, Batangas na naglalayong maipakilala ang iba’t ibang eco-tourism activities, at mapanitili at mapaghusay ang industriya ng turismo sa munisipalidad. Pinangunahan ang nasabing pagpupulong ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan bilang kinatawan ni Gov. Dodo Mandanas, ang PDC Chairperson, kasama sina Mr. Benjie Bausas, PDC Secretary; Architect Omar Jerome Villa na kinatawan ni Mayor Antonio Halili ng Tanauan City; Mayor Rosario Roanna Conti ng San Pascual, ang President ng League of Municipalities of the Philippines – Batangas Province; Ms. Jessebelle Mendoza, kinatawan ng Civil Society Organizations; at Ms. Celia Atienza, Provincial Cooperative and Livelihood and Enterprise Development Officer. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO Batangas Mayors’ League. Kasama si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa pagpapalitan ng mga ideya kasama ang mga alkalde mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas sa first regular meeting ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Batangas Province para sa 2018 na ginanap sa LMP Bldg., Capitol Site, Batangas City noong ika-9 ng Pebrero 2018. Almira M. Eje / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO Luksang Parangal Para kay Bokal Ramon Bausas, Idinaos sa Apolinario Mabini Legislative Building UPANG alalahanin at kilalanin ang di matatawarang pagbibigay serbisyo ni Bokal Ramon Bausas sa Lalawigan ng Batangas, higit sa kanyang nasasakupan sa Unang Distrito, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng isang luksang parangal noong ika-2 ng Marso 2018 sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Site, Batangas City. Si Bokal Bausas, na kabilang sa mga kinikilalang pamilya ng Batangas sa larangan ng serbsiyo publiko, ay pumanaw noong ika-26 ng Pebrero 2018 sa edad na 48 taong gulang. Dinaluhan ang nasabing luksang parangal nina Gov. Dodo Mandanas, Vice Gov. Nas Ona, mga dati at kasalukuyang Bokal na nakasama ni Bokal Bausas sa paglilingkod sa Sanggunian, 5th District Congressman Marvey Mariño, Batangas City Mayor Beverly Dimacuha, mga department heads ng iba’t ibang tanggapan at mga kawani ng Kapitolio at ang pamilya Bausas. Nagbigay ng mensahe ang mga nakasama ni Bokal Bausas sa paglilingkod. Unang nagbahagi ng kanyang mensahe si Mr. Benjie Nepales, secretary ng Sangguniang Panlalawigan at sinundan nina former 4th District Board Members Caloy Bolilia at Mabel Virtucio, Atty. Florencio De Loyola at dating Vice Gov. Mark Leviste. Nagbahagi din ng mensahe at pakikiramay sina Bokal Mildred Sanchez, Pangulo ng Liga ng mga Konsehal; at, Bokal Willy Maliksi, Pangulo ng lahat ng Kapitan ng Lalawigan ng Batangas. Isa-isa ding nagbigay ng kani-kanilang mensahe at istorya ng pagsasama na tumataktak sa kanilang mga puso at isipan ang mga kasalukuyang kasamahang Board Members (BM) ni Bokal Bausas na sina BM Lydio Lopez at BM Rowena Africa ng 6th District; BM Arthur Blanco at BM Claudette Ambida – Alday ng 5th District; BM Jesus de Veyra at BM Jaypee Gozos ng 4th District; BM Divina Balba at BM Fred Corona ng 3rd District; BM Arlin Magboo at BM Wilson Rivera ng 2nd District; at BM Jun Jun Rosales ng 1st District. Naging emosyunal si BM Rosales sa kanyang mensahe dahil sila ni Bokal Mon ang magkasama sa paglilingkod sa Unang Distrito ng Batangas, at laging magkausap tungkol sa mga proyekto at gawain para sa kanilang mga kababayan. Nagpaabot din ng taos-pusong pakikiramay at pasasalamat si Gov. Dodo Mandanas para sa napakaraming accomplishments ni Bokal Bausas sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Si Bokal Bausas ang chairperson ng Committee on Laws, Rules and Ordinance. Nagpahayag din ng mensahe ang asawa ni Bokal Bausas na si Atty. Glenda Bausas kasama ang kanilang dalawang anak na sina Angel at Ralph Renzo. Nagpasalamat siya sa suporta ng ibinigay ng lahat para sa kanyang asawa. Sa kanilang 24 na taon na pagsasama, nakita aniya ang dedikasyon sa pagsisilbi ng kanyang kabiyak sa Probinsya ng Batangas. Nagpapasalamat din siya dahil hanggang sa huling araw ay nanatili sila bilang isang buong pamilya. Sa huling bahagi ay natipon-tipon sina Gov. Mandanas, Vice Gov. Ona, at mga Bokal para sa pagtutupi ng watawat ng Pilipinas bilang pagpupugay sa huwarang abugado, mambabatas at consultant na si Bokal Ramon I. Bausas. Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO