Tambuling Batangas Publication March 07-13, 2018 Issue | Page 6
Advertisments
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
FOURTH JUDICIAL REGION
REGIONAL TRIAL COURT
BRANCH 5
LEMERY, BATANGAS
IN MATTER OF THE PETITION FOR THE
CORRECTION OF ENTRIES IN THE RECORD OF
BIRTH IN THE CIVIL REGISTRY OF LEMERY,
BATANGAS AND THE PHILIPPINE STATISTICS
AUTHORITY
SP. PROC. NO. 03-2018
NORMELITA VILLALOBOS BENDAÑA,
Petitioner,
-versus-
THE LOCAL CIVIL REGISTRAR OF LEMERY,
BATANGAS and THE PHILIPPINE STATISTICS
AUTHORITY,
Respondents.
x-------------------------------------------------------------x
ORDER
Petitioner filed the instant petition, praying that
after due notice, publication and hearing in accordance
with Rule 108 of the Rules of Court as contemplated
and authorized by Article 412 of the Civil Code of the
Philippines, this Honorable Court adjudge that the date
of birth of the petitioner be changed to JANUARY
12, 1960, her surname be changed to VILLALOBOS
and likewise, her mother’s surname be changed to
BENDAÑA .
Finding the said petition to be sufficient in form
and substance, let the initial hearing of the petition be
set on April 26, 2018 at 8:30 o’clock in the morning at
which time and place and date any interested party may
appear, oppose and show cause why the same should
not be granted.
Let a copy of this Order be published in the
newspaper of general circulation in the Province of
Batangas including the cities of Batangas, Lipa and
Tanauan once a week for three (3) consecutive weeks at
the expense of the petitioner, Let the copy of the order
and petition be furnished the Local Civil Registrar of
Lemery, Batangas, The Philippine Statistics Authority
and the office of the Solicitor General for their
comment/opposition thereto.
SO ORDERED,
In chambers, Lemery, Batangas, February 21, 2018.
MARY JANE B. VALEZA-MARANAN
Executive Judge
MJVM/mcd:
1.
The Public Prosecutor by pd.
2.
The petitioner by rm.
3.
Atty. Genaro S. Cabral by rm.
4.
OSG by rm.
5.
PSA by rm.
6.
LCR, Lemery, Bats. By rm.
Tambuling Batangas
March 7, 14 & 21, 2018
Marso 07- 13, 2018
Robotics sa mga public schools pinaghuhusay
MAIPAGMAMALAKI ng mga public high
schools sa Batangas City ang paggaling at hilig ng
mga estudyante rito sa robotics kung saan nagiging
kampeon na ang mga ito sa division hanggang sa
national competition.
Ang robotics ay sangay ng mechanical at
electrical engineering at computer science na may
kaugnayan sa pagdidisenyo, pagbuo, pagpapatakbo
at paggamit ng mga robot, kabilang na rin ang pang
computer sa sistema ng kanilang control, pagresponde
at pagpo-proseo ng impormasyon.
Ang mga teknolohiyang ito ay may kaugnayan
sa mga makinang awtomatiko na maaaring pumalit
sa posisyon ng tao sa mga delikadong kapaligiran,
maging sa pagmamanupaktura ng ilang mga bagay
o kaya ay gayahln ang itsura, pag-uugali, maging
ang pag-iisip ng isang tao. Karamihan sa mga robot
ng kasalukuyang panahon ay nilikha hango sa iba’t
ibang aspeto ng kalikasan na nag-aambag sa larangan
ng robotics na pinukaw ng biyolohiya.
Ipinakilala ang robotics sa Batangas City
Schools Division noong nakalipas na tatlong taon,
kung saan ipinakita ang mga robot na ina-assemble at
ipino-program ng mga guro at estudyante na nagtapos
sa training nito.
Kaagad ay sinuportahan ni Mayor Beverley
Dimacuha ang pag-aaral ng robotics kung kaya’t
naglaan siya ng budget para makabili ng mga robots
at makapagsanay ang mga guro at mag-aaral ng lahat
ng paararalang sekundarya sa lungsod.
Ayon kay Ronald Calderon, robotics coach
at teacher ng Batangas National High School, daang
libong piso ang halaga ng isang robot na ginagamit nila
sa bawat contest. “Pero ang 18 schools sa Batangas
City ay nabiyayaan ng hindi lamang isa kundi anim
hanggang 15 robots bawat school. Sa sinalihan kong
National Robotics Trainingsa Marikina Cty, ilang
schools ang hindi suportado ng Mayor nila dahil
walang mga robots sa kanilang school,” dagdag pa ni
Calderon.
Bunga ng malaking suporta ni Mayor
Dimacuha sa pagpapaunlad ng robotics sa edukasyon
ng mga high school students, nagkampeon ang
Batangas City delegation sa 15th National Science
Quest noong February 9-11, 2018 sa Baguio City sa
Robotics Technology Competition kagaya ng Line
Tracing Robot, Dancing Robot, Innovative Robotics
at Sumubot(500g.,1kg., 3kg.). (marie v. lualhati/
Ronald P. Calderon)
Cong. Nograles ng Davao City, Bumisita sa
Service Fee sa mayroong 8 ektaryang
Lalawigan ng Batangas Irrigation
lupang sakahan pababa alinsunod sa Republic
MAINIT ang naging pagtanggap ni Gov. Dodo
Mandanas at ng bumubuo ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas kay Congressman Karlo
B. Nograles ng 1st District ng Davao City na naging
bisita sa isinagawang Flag Ceremony noong Lunes
ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium,
Capitol Site, Batangas City.
Sa mensahe ni Cong. Nograles, na
Chairperson ng Committee on Appropriation ng
House of Representatives, ikinuwento niya ang
lahing Batangueño ng kaniyang pamilya. Ibinahagi
rin niya ang mga magagandang balita mula sa
pamahalaang nasyunal. Isa na rito ay ang nakatakdang
pagpapatupad ng Republic Act 10931 na magsisiguro
na sa darating na Hunyo ay libre na ang matrikula at
miscellaneous fee para sa mga mag-aaral ng lahat ng
State Universities at Colleges, Local Universities at
State-Run Technical Vocational Institutions.
Bukod dito, magkakaroon din ng libreng
Act 10969 o ang “Free Irrigation Service Act.”
Gayundin, ipinaliwanag niya na ang lahat ng may
utang sa National Irrigation Administration (NIA) ay
abswelto na.
Dagdag pa nito, siniguro ng anak ni dating
Speaker Prospero Nograles na hindi mabibitin
sa imprasktraktura at iba pang mga proyekto ang
Lalawigan ng Batangas sapagkat buong lakas ang
suporta na kanilang ibibigay.
Sa huli, binigyang papuri ni Nograles ang
pamumuno ni Gov. Dodo Mandanas na nagtataglay
aniya ng mga katangian ng tunay na Batangueño na
katapangan, kalakasan at katapatan sa lalawigang
kanyang pinaglilingkuran. Pinasalamatan din
niya ang Batangas governor sa kanyang paanyaya
na makasama ang mga opisyal at empleyado ng
Kapitolyo.
Ma. Cecilei C. De Castro at Almira M. Eje –
Batangas Capitol PIO
Tulong Pinansyal, Ipinamahagi sa mga Iskolar ng
Mandanas Administration piso samantalang ang may 5,000 piso matrikula
BILANG bahagi ng tuloy-tuloy na proyekto
upang makatulong sa mga mag-aaral, namahagi
ng educational assistance ang Mandanas
Administration sa unang batch ng mga iskolars
para sa taong 2018 sa lalawigan ng Batangas
noong ika-2 ng Marso 2018 sa Bulwagang
Batangan, Capitol site, Batangas City.
Ito ay binubuo ng 8 paaralan kabilang
ang Golden Gate Colleges, La Consolacion
College of Tanauan, Batangas State University
Alangilan Campus, STI Lipa, Philippine College
of Aeronautics, BatStateU Lipa Campus, Lemery
Colleges at STI Balayan.
Binigyang paglilinaw din ni Mrs. Merly
Pasatiempo ng Scholarship Division na ang
mga mag-aaral na may matrikulang mababa sa
5,000 piso ay makakatanggap ng halagang 3,000
pataas naman ay makatatanggap ng halagang
5,000 piso.
Ayon naman sa ilang mga estudyanteng
nakatanggap ng assistance, malaking tulong ito
para sa kanilang pag-aaral sapagkat bukod sa
magagamit nila itong pangtustos sa mga bayarin
sa eskwelahan ay isa rin itong kabawasan sa
gastusin ng kanilang mga magulang.
Sa huli, nagbigay ng mensahe si Gov.
Dodo Mandanas sa mga iskolars na bigyang
pagpapahalaga ang kanilang pag-aaral at
magsikap upang maabot ang kanilang mga
pangarap. Dagdag pa niya, isa-isip at isa-
puso ang mga benepisyo at tulong na kanilang
natatanggap dahil laan ito para sa kanilang
magandang kinabukasan. Almira M. Eje and Ma.
Cecilei C. De Castro – Batangas Capitol PIO
Executive Planning ng mga Opisyal ng Batangas Provincial
Government Isinagawa
Upang makabalangkas ng konkretong mga
hakbang para sa mas epektibong pagbibigay
ng serbisyo publiko, isinagawa ang Executive
Planning Session ng mga department heads ng
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kasama
ang ilan sa mga malalaking investors at corporate
partners, sa Dhusit Thani Manila sa Makati City
noong Pebrero 27 hanggang Marso 1, 2018.
Personal na pinangunahan ni Batangas Gov. Dodo
Mandanas ang lahat ng mga talakayan, kung
saan pinag-usapan ang annual budget, budget
performance ng mga nakaraang taon, project
proposal at mga rekomendasyon ng Commission
on Audit para sa mas malinaw at transparent na
paggugol ng pondo ng pamahalaan.
Nakipagpulong din ang mga opisyal ng lokal
na pamahalaan sa ilang mga multi-national
companies na may mga investments sa lalawigan,
tulad ng Malampaya Shell, Atlantic, Gulf and
Pacific Company of Manila, Inc. (AG&P), First
Gen at Asian Terminals, Inc (ATI). Dito ipinakita
ng mga nasabing kumpanya ang kanilang mga
programa at plano sa kanilang operasyon sa
Batangas Province, na nagbubukas ng trabaho
para sa mga Batangueño, tulad ng 2 bilyong
pisong expansion project ng ATI sa Batangas
International Port sa Lungsod ng Batangas.
Jenny Aguilera – Batangas Capitol PIO