Tambuling Batangas Publication March 06-12, 2019 Issue | Page 8

Wasteful yellow holiday... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 10 March 6-12, 2019 P6.00 Batangas Province ipinamahagi KAUGNAY ng pagdiriwang ng National Arts Month noong buwan ng Pebrero, isinagawa ang pamamahagi ng mga booklets, na pinamagatang “Batangas: a Synopsis of Batangas History”, sa pagtutulungan ng Provincial Library at Provincial Tourism Culture and Arts Office noong ika-28 ng Pebrero 2019 sa Museo ng Batangas, Provincial Capitol. Ang aklat ay nagtataglay ng kasaysayan ng Lalawigan ng Batangas, pinagmulan ng mga bayan sa lalawigan at mga bayani at pangunahing mga Batangueño, na may mahahalagang iniambag sa bayan. Ayon kay 6th District Senior Board Member Rowena Sombrano-Africa, ang may-akda at nagsulong sa ordinansa para sa proyektong ito, mahigit 25,000 kopya na ng nasabing libro ang nailimbag, simula nang ilunsad ito noong Disyembre 8, 2018, kasabay sa 437th Foundation Day celebration ng Lalawigan ng Batangas. Ipinamahagi ang mga libro sa mga kinatawan ng mga libraries sa lalawigan, kabilang ang Balayan Municipal Library, Batangas City Public Library, Bauan Municipal Library, Rosario Municipal Library, Tanauan City Library, Lipa City Colleges, Lyceum of the Philippines University-Batangas, First Asia Institute of Technology and Humanities, Batangas State University, St. Bridget College, Kumintang Elementary School (Batangas City), Wawa Elementary School (Batangas City) at Malitam Elementary School (Batangas City). Dumalo rin sa aktibidad sina 2nd District Board Member Arlene Magboo, at 5th District Board Member Claudette Ambida. T a o s - p u s o n g nagpasalamat sina PTCAO Department Head, Atty. Sylvia M. Marasigan, at Provincial Librarian, Ms. Rosita Masangkay sa mga kumilos upang maisakatuparan ang nasabing projekto. Dagdag pa nila, simula pa lamang ito ng patuloy na pagkakaroon ng kamalayan sa kasaysayan ng lalawigan at patuloy na pagpapalakas ang kultura at sining dito. ✎ JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO Provincial Convergence and Disaster Resilience Dialogue, idinaos sa Kapitolyo ISINAGAWA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas Province, sa pangunguna ni Provincial Director Adelma Mauleon, ang Provincial Convergence and Disaster Resilience Dialogue noong ika-8 ng Marso 2019 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Isinakatuparan ang nabanggit na dayalogo, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, upang matalakay ang mas pinalakas na Operation L!STO, na naglalayong matulungan ang Local Government Units (LGUs) sa pagbuo ng mga matatag at ligtas na pamayanan sa panahon ng mga sakuna at kalamidad. Sa kanyang mensahe sa pagtitipon, binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas na nakatutok ang pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng PDRRMO, sa pagpapatupad ng mga proyekto na tiyak na mapapakinabangan ng mga mamamayang Batangueño sa mga panahon ng unos. Pangunahing layunin ng Operation L!STO na mabigyan ng tamang kaalaman at kahandaan ang mga barangay, at pagbutihin ang kapasidad ng DILG at mga LGU tungo sa mas epektibo at mahusay na pagtugon sa epekto ng mga sakuna. Isa sa mga tinalakay dito ang Preparedness Guide for Governors, isang manual na binuo ng DILG, alinsunod sa Operation L!STO, na nakatuon sa mga tamang hakbangin bago, sa panahon, at pagkatapos ng isang kalamidad. Nakilahok sa pagtitipon ang mga kinatawan ng Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), PDRRM Council, Local Chief Executives (LCE), Chiefs of Police at Fire Marshalls ng Batangas Province. Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com History booklets, Ani ng Sining. Isinagawa ang pamamahagi ng “Batangas: A Synopsis of Batangas History” booklets, isang proyektong pang-Sining at Kultura sa pagtutulungan Sangguniang Panlalawigan, Provincial Tourism Culture and Arts Office, at Provincial Library, sa mga kinatawan ng libraries sa Lalawigan ng Batangas na ginanap noong ika-28 ng Pebrero 2018 sa Museo ng Batangas, People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. ✎ JunJun De Chavez/ Photo: JunJun De Chavez. – Batangas Capitol PIO Dental Health Services sa mga Batangueño, tuloy-tuloy SA ika- 15 taon ng pagdiriwang ng National Dental Health Month, patuloy na naglulunsad ng mas pinalawig na mga serbisyong nauukol sa kalusugan ng ngipin ng mga Batangueño ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO), katuwang ang Department of Health. Sa naging panayam ng programang B’yaheng Kapitolyo, ang opisyal na radio program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas kay Dr. Dionisio Burog Jr., Provincial Oral Health Coordinator at PHO Dental Supervisor, inilahad nito ang mga kasalukuyang programa sa wastong pangangalaga sa ngipin. Ilan sa mga aktibidad ay ang tuloy-tuloy na pagbisita ng Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong probinsya. Dito ay nagsasagawa sila, katuwang ang mga dentista ng iba’t-ibang bayan at lungsod, ng Oral Prophylaxis at Fluoride Application. Noong ika-22 ng Pebrero 2019, matagumpay na naidaos sa Rosario West Central School sa Barangay Namunga, Rosario, Batangas ang isang selebrasyon para sa Oral Health Month. Nagkaroon ang PHO, sa pakikipagtulungan ng nasabing munisipalidad ng poster at slogan contest at pamamahagi ng mga Dental Oral Hygiene Kit para sa mga estudyante. Bukod sa mga mag- aaral, kabilang din sa nabibigyan ng nasabing serbisyo ang mga matatanda at buntis, kung saan mahigit kumulang sa 2,000 na ang sumailalim sa dental health program ng PHO. Ayon pa kay Dr. Burog, hindi nagtatapos sa pagdiriwang ng National Dental Health Month ang kanilang mga programa. Katunayan dito, maaaring magpaabot ng kahilingan sa kanilang tanggapan ang ibang paaralan na nagnanais mabigyan ng naturang mga serbisyong pangkalusugan sa ngipin. Dagdag pa ng Provincial Oral Health Coordinator na ang mga walang pambayad ay hinihikayat na magtungo sa kani-kanilang Rural Health Units para sa libreng konsultasyon. Nagpaalala rin siya ng tamang pangagalaga ng ngipin, kabilang ang palagiang pagsisipilyo, pag-iwas sa pagkain ng matatamis, paggamit ng dental floss at pagkonsulta sa dentista kada anim na buwan. ✎ Mark Jonathan M. Macaraig/JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO Photo: Dr. Dionisio Burog Jr. – Batangas PHO “Ngipin na malusog PHO at ProtektaDOH Masaya at Maningning na Ngiti ang Hatid sa Mundo”