Tambuling Batangas Publication March 06-12, 2019 Issue | Page 6
Advertisements
March 6-12, 2019
Mga programa para sa Turismo at Ugnayang
Pangkultura sa Batangas, iniulat
INILAHAD ni Atty. Sylvia Marasigan, Department
Head ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office
(PTCAO), ang mga aktibidad at accomplishments ng
kanilang tanggapan noong ika- 4 ng Marso 2019 sa
Lingguhang Flag Ceremony sa Provincial Auditorium,
Capitol Compound, Batangas City.
Sa sektor ng turismo, buong pagmamalaking
ibinahagi ni Atty. Marasigan na umakyat ng 68.51% o
mahigit sa 14 milyon ang tourist arrivals ngayong 1st
quarter ng 2019 sa buong probinsya kumpara noong 2018.
Kaugnay nito ang pagkaroon ng PTCAO noong
nakaraang taon ng mas pinaigting na pakikipag-ugnayan sa
34 na tourism officers ng lalawigan upang makapagsagawa
ng circuit o loop tours kung saan binigyang pansin ang
pagkakaroon ng Bay Side Tour, Lake Shore Tour at Inlands
Tour. Dito ay kinausap nila ang mga rehistradong tour
operators para ang mga ito na ang magbigay ng pricing at
amenities sa nasabing mga programa.
Matatandaan na naging malaking tulong din sa
pagtaas ng bilang ng mga turista sa Batangas ngayong
taon ang pagpunta ng mahigit kumulang na 250 Filipino-
Canadians sa bayan ng Taal at Nasugbu.
Ipinagbigay alam naman ni Atty. Sylvia Marasigan
ang kanilang plano na makapaglagay ng isang malaking
banner sa STAR Tollway na magsisilbing campaign o
promotion ng probinsya para makahikayat pa ng mga
turista. Nakasentro ang advertisement sa mga popular na
atraksyon at aktibidad sa Batangas na tumutugon sa mga
katagang FOOD, FUN, FAITH…IN RICH BATANGAS.
Aniya, naghanda rin ang kanilang tanggapan ng
isang video para mas malawak pa ang maabot ng kanilang
kampanyang pang-turismo.
Sa usapin sa ugnayang pangkultura ng lalawigan,
ipinabatid ni Atty. Marasigan na aktibo ang samahang
Batangas Culture and Arts Council (BCAC) na patuloy
na naglulunsad ng mga proyektong makapagpapalawig sa
sining at kultura ng Batangas.
Dagdag pa nito, dapat pasiglahin pa ang promotion
sa cultural properties sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng cultural inventory ng bawat bayan at lungsod. Kapag
ito ay nakarehistro at naipasa na sa bawat sanggunian, at
naipaabot sa National Commission for Culture and the
Arts, mas madali umano ang paghingi ng tulong sa national
government para sa isyu ng improvement at restoration.
Tagumpay naman ang isinagawang Diwang
Batangueño Storytelling ng PTCAO katuwang ang
Batangas Provincial Library sa pakikipagtulungan ng
BCAC noong ika-28 ng Pebrero 2019 na may layuning
maitaas ang kamalayan ng mga kabataang Batangueño
patungkol sa kasaysayan, kultura at sining ng lalawigan.
Samantala, magkakaroon ng isang 3-day travel
fair na nakatakdang idaos sa SMX Mall of Asia sa
buwan ng Abril at ang PTCAO kasama ang BCAC ay
magkatuwang na ipo-promote ang Probinsya ng Batangas
upang mas tumaas pa lalo ang mga bisitang turista, hindi
lamang sa mga popular destinations, kung hindi pati na rin
sa emerging destinations.
✎ Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO
Free Civil Service Review, matagumpay na idinaos
Banaag Project. Halos 300 mamamayan ang nabigyan ng Free Civil Service Review na ginanap noong ika-3 ng Marso 2019, sa Bulwagan ng
Batangan, Provincial Capitol Compound. ✎ JunJun De Chavez/ Photo: JunJun De Chavez. – Batangas Capitol PIO
Universal Health Care Law,
tinalakay ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas
UPANG talakayin ang Universal Health Care (UHC) Law
or Republic Act No 11223, pinangunahan ni Governor DoDo
Mandanas ang isang pagpupulong ng mga opisyal ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas, kasama ang mga Chiefs of Hospital
ng mga panlalawigang pagamutan, sa People’s Mansion, Capitol
Compound, Batangas City noong ika-7 ng Marso 2019.
Pinag-usapan sa pagtitipon ang kapakanang
pangkalusugan ng mga Batangueño, batay sa mga benepisyong
maaaring matamasa ng mga ito mula sa mga provincial at district
hospitals, sang-ayon sa batas na naglalayong awtomatikong
magtatala sa bawat Filipino sa National Health Insurance Program.
Pinagtuunan ng pansin ng mga opisyal ng Kapitolyo at
mga dumalong duktor at hospital administrators ang mga hakbang
na kinakailangang gawin upang maging epektibo at mabilis ang
koordinasyon sa pagitan ng provincial hospitals at PhilHealth.
Binigyang-diin ni Gov. Mandanas sa pagpupulong ang
pangangailangan ng pamahalaang panlalawigan “…to increase
the level of our services by improving our accountability and
capability building.” ✎ JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Batangas PIO
Capitol
HALOS 300 mamamayan ang dumalo sa Free Civil
Service Review na ginanap noong ika-3 ng Marso 2019
sa Bulwagan ng Batangan, Provincial Capitol Compound,
Lungsod ng Batangas.
Sa pangunguna ni Sangguniang Kabataan (SK)
Chairperson Clark Banaag ng Brgy. Sampaga, Lungsod
ng Batangas, at sa suporta ni Gov. DoDo Mandanas at
Sangguniang Panlalawigan, isinagawa ang ikalawang
Banaag Project sa Kapitolyo.
Kabilang sa mga nakatanggap ng Free Civil
Service Review ay mga estudyante, fresh graduates,
at ilang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na
nagnanais pumasa sa Civil Service Exam na nakatakdang
ganapin sa darating na ika-17 ng Marso 2019.
Pahayag ni Sk Chairman na pagbibigay ng
libreng review ay upang matulungan ang mga kababayang
Batangueño na pumasa sa Exam, mabigyan ng Eligibility,
at magkaroon ng magandang trabaho.
Layunin ng Banaag Project na baguhin ang
imahe ng SK na hindi lamang pagpipinta ng waiting
sheds, at basketball courts ang gawain nito. Hinikayat din
niya ang mga kapwa nya SK Chairpersons na gumawa ng
mga kapakipakinabang para sa mga kabataan. JunJun De
Chavez – Batangas Capitol PIO
DILG Batangas PD Mauleon, hinirang na Regional
Director ng Bureau of the Treasury Region IV-A
BILANG pagkilala sa kanyang ipinamalas na galing
at dedikasyon bilang isang public servant, hinirang
si Department of the Interior and Local Government
(DILG) Batangas Provincial Director (PD) Adelma D.
Mauleon, CESO V, bilang bagong Regional Director ng
Bureau of Treasury Region IV-A.
Nilagdaan
at
naging
epektibo
ang
panunungkulan ni Mauleon bilang Director II ng Bureau
of the Treasury noong ika-15 ng Pebrero 2019, kasabay ng
inagurasyon at pormal na pagbubukas ng bagong DILG
Batangas Provincial Office. Kaugnay nito, nanumpa si
PD Mauleon sa harap ni Department of Finance (DoF)
Secretary Carlos G. Dominguez noong ika-8 ng Marso
2019 sa DOF Bldg., BSP Complex, Roxas Boulevard,
Manila.
Si Mauleon, na naglingkod sa kagawaran ng
halos tatlong dekada, ay nagsilbi bilang full-fledged
DILG Batangas Provincial Director ng mahigit tatlong
taon. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, ang DILG
Batangas Province ay nagkaroon ng sariling opisina;
nagbigay ng parangal sa pagpapatupad ng Programs
and Projects Accomplishments (PPA) sa mga Local
Government Units (LGUs) at local DILG offices; at,
nagpasimula ng iba’t ibang programa para sa lalawigan.
Lubos na ikinatuwa ng gobernador ang tagumpay
ni Mauleon, na isang Certified Public Accountant at
Doctor of Jurisprudence, sa pagkakahirang ng isang
Batangueña sa mataas na katungkulan sa pamahalaan,
kasabay ng pagpapasalamat nito sa lahat ng pagsisikap na
inilaan ng outgoing provincial director para sa lalawigan.
Samantala, itinalaga si Local Government
Operations Officer (LGOO) VII Abigail N. Andres bilang
Officer in Charge-PD ng DILG Batangas Province. ✐
Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO