Tambuling Batangas Publication June 27-July 03, 2018 Issue
BUTONG
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
D I N I K D I K O D A H O N G P I N A K U L U A N ? ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Folk dancers ng Batangas
City tampok sa Concert at the
Parkp. 2
PAGASA launches new
website
p. 5
Gabi ng parangal para sa mga
child development workers
idinaos p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 27
Hunyo 27- Hulyo 03, 2018
P6.00
Batang may pagmamahal sa watawat ng
Pilipinas pinarangalan ng city council
GINAWARAN ng pagkilala ng
mga myembro ng Sangguniang
Panglungsod ng Batangas ang
isang limang taong gulang na
bata na ipinagmamalaki ng
lungsod dahilan sa kaniyang
pagiging
makabayan
at
kakaibang
pagpapakita
ng
pagmamahal sa bandila ng
Pilipinas sa lingguhang sesyon
ngayong ika-26 ng Hunyo.
Isang resolusyon din
ang ipinasa ng konseho upang
kilalanin ang batang ito na
si Paul Henry Agoncillo ng
Barangay Pallocan East at grade
1 student ng Sunhill Montessori
Casa.
Ayon
kay
Rona
Agoncillo, ina ni Paul, tatlong
taong gulang pa lamang ito nang
magsimulang mangolekta ng
iba’t-ibang uri ng Philippine flag
at mga bagay na may disenyo
nito. Bukod dito, tuwing umaga
ay maaga itong bumabangon
at pinapatugtog sa kanilang
stereo ang pambansang awit ng
Pilipinas, ang Lupang Hinirang.
“Maaga niya kaming
ginigising, lahat kaming kasama
niya sa bahay. At pinapipila niya
kami sa harap ng bahay para
mag-flag ceremony. Iginawa
siya ng papa niya ng flag pole
at dun kami sabay-sabay na
nagpupugay
sa
watawat,”
kwento ni Rona.
Ayon pa sa kaniya, may
pagkakataon na kung umuulan,
si Paul ang nangungunang
Sundan sa pahina 2..
Information education campaign
sa waste segregation pinalalakas
sa City Hall employees
PINALALAKAS ngayon ng
City Environment and Natural
Resources
ang
information
education campaign nito sa
tamang pangangasiwa ng basura
partikular sa waste segregation sa
mga opisina ng city government
at sa mga palengke bilang
paghahanda sa paglulunsad ng “
Basura ko Responsibilidad ko”.
Layunin ng kampanyang ito na
manguna ang mga empleyado
ng pamahalaan sa tamang
pangangasiwa ng basura tungo
sa ibayong pagpapatupad nito sa
lungsod. Ayon sa City ENRO,
patuloy na dumadami ang basura
sa lungsod kung saan ito ngayon
ay umaabot sa 80 tonelada bawat
araw. Kailangan ding palakasin
ang plastic ban alinsunod sa
Batangas City Environment
Code sapagkat dumarami na rin
ang mga lumalabag dito. Sa 2nd
quarterly meeting ng City Disaster
Risk Reduction and Management
Council ngayong June 27, sinabi
rin ni City Engineer Adela
Hernandez na punong puno lagi
ng basura ang mga drainage at
canal na regular nilang nililinis
upang huwag magdulot ng baha.
Binibisita ng mga itinalagang
personnel ng City ENRO at
Sundan sa pahina 3...
Paul Henry Agoncillo ng Barangay Pallocan East at grade 1 student ng Sunhill Montessori Casa.
Mass oath taking ng barangay
at SK officials ginanap
NAG mass oath taking ang
mahigit sa 2,500 barangay at
Sangguniang Kabataan (SK)
officials ng Batangas City
sa harap ni Mayor Beverley
Dimacuha noong June 29 sa
Convention Center.
Binati
ni
Mayor
Dimacuha ang mga opisyales
na aniya ay kinakitaan ng
leadership
qualities
ng
kanilang mga ka-barangay.
Pinaalalahanan din niya ang
mga ito na dapat maging
mabuting
halimbawa
sa
kanilang barangay, mababa ang
loob, magsilbi ng tapat, may
malasakit at pagmamahal.
Sinabi rin ni Mayor
Dimacuha na natutunan niya
sa kanyang ama, dating Mayor
Eddie Dimacuha, na ang isang
lider ay siyang nagsisilbi, at
hindi siya ang pinagsisilbihan.
Dumalo rin sa okasyon sina
Congressman Marvey Mariño,
Bokal Bart Blanco, Bokal
Claudette Ambida at mga city
councilors.
Dahil ang buwan ng
Hulyo ay National Disaster
Resilience Month, nagbigay si
Mayor Dimacuha ng disaster
kit at 20x20 ft na tent sa bawat
isang barangay.
Sa
panimula
ng
panunungkulan
ng
mga
barangay chairmen, kabilang sa
mahahalagang responsibilidad
na dapat nilang gampanan ay
ang aktibong pagbubuo kung
wala pa at pangangasiwa
ng barangay disaster risk
reduction and management
council, barangay nutrition
committee, barangay anti drug
abuse council at ang solid waste
management ng barangay kung
saan bahagi nito ang pagtatayo
ng Materials Recovery Facility
alinsunod sa Republic Act
9003 o Ecological Solid Waste
Management Act of 2000.(PIO
Batangas City)
Mga ama sa isang barangay
may libreng prostate screening
eksaminasyon na isinagawa nila Dr. Libio Macatangay, Dr. Vigilio Pascual, Dr. Gregorio de Chavez at Dr. Cesar Guillo ng Jesus
Nazareth Hospital.
of
BATANGAS CITY- Kakaibang
pagdiriwang ng Father’s Day
ang isinagawa ng samahan ng
mga kababaihan sa barangay
Dumantay noong June 23.
Ito ay sa pamamagitan ng
pagsasagawa
ng
libreng
prostate screening sa kanilang
barangay sa pakikipagtulungan
ni Congressman Marvey Mariño
at ng mga duktor ng Jesus of
Nazareth Hospital.
May 50 kalalakihan
ng barangay ang sumailalim
sa
nasabing
eksaminasyon
na isinagawa nila Dr. Libio
Macatangay,
Dr.
Vigilio
Pascual, Dr. Gregorio de Chavez
at Dr. Cesar Guillo ng nasabing
ospital.
Pagkatapos nito ay
nagsagawa ang ilang mga duktor
ng isang lecture sa prostate
cancer upang mabigyan ng
kaalaman ang mga residente
tungkol sa sakit na ito.
Ayon kay Dr. Pascual,
“ang prostate ay nakapaikot sa
daanan ng ihi na once na namaga
ito o lumaki, ang nangyayari ay
sumisikip ang daanan ng ihi.”
Nagkakaroon ng prostatitis o
pamamaga ng prostate dahil
sa impeksiyon sa mga sakit
na maaaring makuha ng mga
kalalakihang nasa edad 40
Sundan sa pahina 2..