Tambuling Batangas Publication June 20-26, 2018 Issue | Page 8

Staying Alive ... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 26 Hunyo 20-26, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Ilang public high schools lumahok sa nationwide simultaneous earthquake drill BATANGAS CITY-Isa ang Talumpok National High School sa lumahok sa second quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). Ang scenario- 7.0 magnitude na lindol. Pagka tunog ng alarm bell, maayos na naglabasan ang may 450 estudyante mula sa kanilang classrooms ng naka duck, cover and hold at tumuloy sa evacuation area sa harap ng eskwelahan. May dalawang estudyante ang na trapped sa isang mataas na building at maayos na nailigtas ng kanilang rescue team. Ayon kay Calixto Landicho, disaster coordinator at tumatayong incident commander ng paaralan, hindi lamang sapat na gawin ang duck, cover and hold, kundi mahalaga rin ang kooperasyon at koordinasyon ng bawat isa. “Marami kaming kakulangan lalo na sa pagkakaroon ng malawak na evacuation area. Kino consider namin ang anumang suhestiyon upang mas lalo pa kami maging handa,” sabi ni Landicho. Ayon naman sa mga evaluators, naging maayos ang naging pagresponde subalit kailangang mas lalo pang paigtingin ang kahandaan ng paaralan at komunidad. Hinikayat ng CDRRMO ang mga guro na gawing apat na beses sa isang taon ang earthquake drill. Kailangan din anila ng sumailalim sa pagsasanay sa basic life support upang magkaroon sila ng dagdag kaalaman tungkol sa pagligtas ng buhay. (PIO Batangas City.) Simultaneous Earthquake Drill sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) VP Robredo, nanguna sa selebrasyon ng 2018 Araw Groups call for justice for killed priests Part of groundwork for tyranny? Church historically played ng Kalayaan sa Maynila The a role in the people’s struggle MAYNILA-- Sa kabila ng buhos ng ulan, pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang selebrasyon ng ika 120 taon anibersaryo ng Proklamasyon ng Araw ng Kalayaan kahapon na ginanap sa Rizal Park, Maynila. Kasama si Executive Director Ludovico Badoy ng National Historical Commission of the Philippines, pinangunahan ni Robredo ang pagtataas ng watawat gayundin ang pag aalay ng bulaklak sa Bantayog ni Jose Rizal. Sa opisyal na pahayag ng Pangalawang Pangulo, sinabi nito na bagama’t matagal na nating nakamtan ang ating kalayaan, marami pang pagsubok ang naranasan ng ating bansa. “Nakamtan natin ang kalayaan sa araw na iyon noong 1898, ngunit marami pang pagsubok na hinarap ang ating bansa – ang patuloy na pananakop ng dayuhan, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ang malagim na pagsasailalim ng bansa sa Batas Militar. Sa mga yugtong ito ng ating kasaysayan, paulit-ulit na sinubukang agawin ang kalayaang natamasa natin. Ngunit paulit-ulit din nating ipinamalas bilang mga Pilipino ang tapang at tibay ng loob sa pagtiyak na sa dulo ng lahat, mananatili tayong malaya,” pahayag ni Robredo. Ayon pa kay Robredo, mahlaga ang pagkakaisa ng sambayanang Pilipino upang makamit ang mapayapa at maunlad na bansa. “Nangangarap tayong lahat ng isang mapayapa at maunlad na bansa kung saan matiwasay at may dangal ang buhay ng bawat Pilipino. Walang ibang makapagpapatotoo ng pangarap na ito kung hindi ang nagkakaisang sambayanang Pilipino. Tiwala akong taglay natin ang kapangyarihang iahon ang ating mga kababayan mula sa kahirapan, ang tapang na idiin ang paggalang sa ating mga karapatan, at ang kakayahang ipagtanggol ang kalayaan ng ating bansa mula sa samu’t saring banta,” dagdag pa ni Robredo. Sa pagwawakas ng kaniyang opisyal na pahayag, nag-iwan ng hamon si Robredo sa bawat Plipino. “Sa pagdiriwang natin ng kalayaan sa araw na ito, nawa’y magkaroon ng panibagong lakas ang bawat isa sa atin na isabuhay ang diwa ng ipinaglaban ng ating mga bayani – ang pag-aasam sa at pagtataguyod ng isang bansang tunay na nagpapalakas sa kalayaan ng bawat Pilipino,” ani Robredo. (PIA-NCR) against tyranny and dictatorship By MARYA SALAMAT MANILA – “Killing a man of the cloth inside the church highlights the unfettered disregard for life under the current administration.” The Promotion of Church People’s Response (PCPR), in a statement, strongly condemned the killing of Fr. Richmond Nilo of the Diocese of Cabanatuan. Fr. Nilo was killed around 5 p.m. June 10 in the chapel of Maymot village in Zaragoza, Nueva Ecija. He was preparing to officiate a mass. He was the fourth church people killed under the watch of President Rodrigo Duterte. Different from other presidents, Duterte has been delivering tirades against the Church. In the week that Fr. Nilo was murdered, he had just renewed his tirades against the church after some brief period of silence. “President Duterte’s words that attack the church as well as individuals whom he does not agree with expose them to possible harm rather than protect their democratic rights. These induce and encourage extremist and rightist forces to Photo from cbcpnews.net kill even church personnel,” Rev. Irma Balaba of PCPR said. “They are killing our flock. They are killing us the shepherds. They are killing our faith. They are cursing our Church. They are killing God as they did in Cavalry,” said Archbishop Socrates Villegas, speaking on behalf of the Archdiocese of Lingayen- Pangasinan.“They kill in the streets. They kill inside homes. They kill in tricycles and jeeps. They kill in the malls. They kill in the chapels.” Part of groundwork for tyranny? The Church has historically played a role in the people’s struggle against tyranny and dictatorship. At the start of the Duterte administration, the Church has been vocal in calling attention Sundan sa pahina 6..