Tambuling Batangas Publication June 05-11, 2019 Issue
Game of Thrones Review: The Ending we deserve... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
MMDA ensures safe and
orderly opening of classes in
NCR p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Universal Health Care
Orientation, isinagawa
sa lalawigan ng
Batangas
p.5
DENR, MPIC ink pact to
rehabilitate
Manila’s
20
dirtiest esteros p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 23 June 05-11, 2019
P6.00
Associations at Enumerators ng
OCVAS, tumanggap ng honorarium
PINANGUNAHAN ni Mayor
Beverley
Dimacuha
ang
pamamahagi ng honorarium sa
mga enumerators at mga kasapi ng
iba’t ibang samahan na katuwang
at nasa ilalim ng pangangasiwa
ng Office of the City Veterinary
and Agricultural Services sa
implementasyon ng kanilang
mga programa. Ang honorarium
distribution ay ginanap kaninang
umaga, May 30, sa nabanggit na
tanggapan.
Kabilang dito ay ang
36 na miyembro ng Barangay
Livestock
and
Agricultural
Technician
(BLATS)
na
tumanggap ng tig P9,000.00 para
sa buwan ng Enero hanggang
Marso ng taong kasalukuyan.
Ang
BLATS
ang
katulong
ng
OCVAS
sa
pagbabakuna ng mga baboy,
baka at iba pang alagang hayop
sa mga barangay. Sumailalim
Sundan sa pahina 2..
Mga mag-aaral sa Taal Volcano
Island, tinututukan ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas
PATULOY ang pagpapatupad
ng Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas ng iba’t ibang
proyekto para mapataas ang
antas ng edukasyon ng mga
Batangueño. Bukod sa mga
pangunahing proyektong pang-
edukasyon, gaya ng pagtustos
sa mga pangangailangan ng
mga pampublikong paaralan
sa lalawigan, walang patid din
ang pagsisikap nito na gawing
malawakan ang pagtulong sa
mga mag-aaral na Batangueño,
kabilang ang mga naninirahan sa
Taal Volcano Island.
Kaugnay nito, idinaos
ang isang pagpupulong, sa
pangunguna ng pamunuan ng
Provincial School Board (PSB),
noong ika-27 ng Mayo 2019
sa People’s Mansion, Capitol
Compund, Batangas City, kung
saan isa sa pinagtalakayan ang
pagbibigay ayuda sa mga mag-
aaral sa isla.
Ipinanukala ni Gov.
DoDo Mandanas na baguhin ang
kasalukuyang ginagawang ayuda
sa mga estudyante sa Volcano
Island, na nakatuon sa paglalaan
ng pondo para sa pagbabayad sa
mga bangka, na naghahatid sa mga
mag-aaral papunta at sumusundo
mula sa mainland.
Sa halip, iminungkahi
sa lupon na ilaan na lamang ang
pondo sa transportasyon para sa
boarding house at pagkain ng mga
mag-aaral. Sa ganitong sistema,
inaasahang malaki ang ginhawang
maihahatid nito sa mga mag-aaral,
sa halip na araw-araw na natawid
sa lawa.
Makakatulong
rin
umano ito sa mga pagpapanatag
ng kalooban ng mga magulang
ng mga estudyante sa isla dahil
sa mga panganib na kaakibat
ng pagsakay sa bangka, lalo na
tuwing hindi maganda ang lagay
ng panahon.
Samantala, patuloy na
sasailalim ang nasabing programa
sa masusing pag-aaral, sa
pakikipatulungan ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas at
Department of Education (DepEd),
nang sa gayon ay maisakatuparan
ito sa lalong madaling panahon
at maipaabot ang tulong para sa
pagpapabuti ng estado ng mga
mag-aaral sa isla ng Taal Volcano.
– Marinela Jade Maneja, Batangas
PIO
Nanguna si Mayor Beverley Dimacuha sa pagbibigay ng honorarium sa mga enumerators at mga kasapi ng iba’t ibang samahan na
katuwang at nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services
Cash for Work Pay out, isinagawa
BATANGAS CITY Tinanggap
na ng 330 Climate Change
Adaptation
and
Mitigation
(CCAM) Risk Resiliency – Cash
for Work project beneficiaries ang
kanilang sweldo mula sa sampung
araw nilang pagtatrabaho mula
ika-8 hanggang ika-22 ng Mayo.
Ang mga ito ay
kinabibilangan ng mga solo parent,
senior citizen, out of school youth,
person with disability, surrenderer
at pantawid pamilyang pilipino
program o 4P’s beneficiaries at
yaong naapektuhan ng kalamidad
partikular ng lindol noong 2017
sa labingwalong barangay sa
lungsod.
Ayon kay City Social
Welfare
and
Development
Officer Mila Espanola, layunin
Pag-asa ng Bayan. Naging panauhing pandangal sina Gov. DoDo Mandanas at Atty. Gina Reyes – Mandanas sa isinagawang ‘Youth Development
Seminar and Capability Teambuilding’ para sa elected Sangguniang Kabataan (SK) officials sa Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni SK Provincial
Federation President (SKPF) at ex-officio Board Member Hannah Beatriz Cabral at ng Provincial Assistance for Community Development Office, noong
May 18-19, 2019 sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO
ng nasabing proyektong ito na
nasa ilalim ng Batangas City
Socio-Economic
Enhancement
and Environment Protection
Program na matulungan ang mga
nabibilang sa pamilyang higit na
nangangailangan na mabigyan ng
karagdagang pagkakakitaan.
Naglaan ang Department
of Social Welfare and Development
Office (DSWD) ng P 937,200,000
para sa implementasyon ng
proyektong ito na isinagawa sa
ikalawang pagkakataon.
Bawat beneficiary ay
tumanggap ng halagang P 2,480 o
75% ng prevailing daily wage rate.
Idinagdag pa ni Espanola
na Enero pa lang ay nagsimula
na ang CSWD na mag identify
ng mga beneficiaries at bago
magsimula ay nagkaroon ng
orientation sa mga ito kasama
ang mga kinatawan ng City
Environment Office, City Disaster
Risk Reduction Management
Office (CDRRMO) at Office of the
City Veterinarian and Agricultural
Services (OCVAS).
Sa loob ng sampung araw, naglinis
ng kapaligiran at nagtanim ang
Sundan sa pahina 2..
Elected SK Officials sa Batangas,
sumailalim sa Youth Development,
Capability Seminar
MATAGUMPAY na isinagawa
ang ‘Youth Development Seminar
and Capability Teambuilding’
para sa elected Sangguniang
Kabataan (SK) officials sa
Lalawigan ng Batangas, na
inisyatibo ni SK Provincial
Federation President (SKPF) at
ex-officio Board Member Hannah
Beatriz Cabral, noong May 18-
19, 2019 sa Batangas Country
Club, Bolbok, Batangas City.
May kabuuang 150
ang SK officials na nakilahok
sa 2-day event, mula sa 31
munisipalidad at 3 lungsod sa
Batangas Province, kung saan
nagsilbing panauhing pandangal
sina Gov. DoDo Mandanas at
Atty. Gina Reyes – Mandanas,
na ipinahayag ang galak at
paghanga sa mga pagsisikap ng
buong Sangguniang Kabataan
na gampanan ng may malinis na
hangarin at kahanga-hangang
determinasyon ang kanilang mga
tungkulin.
Layunin ng nasabing
pagtitipon,
na
naisagawa
katuwang
ang
Provincial
Assistance
for
Community
Sundan sa pahina 3..