Tambuling Batangas Publication July 24-31, 2018 Issue
M e t r o
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
M a n i l a f i g h t s b a c k m a l n u t r i t i o n ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Apolinario Mabini pinarangalan
ng mga Batangueño sa
pamamagitan ng awit at sayaw
p. 2
SONA sana p. 5
Gusali ng Boy Scouts at PWDs
pinasinayaan p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 31
Hulyo 25-31, 2018
P6.00
Action Center ng BSU para sa
disaster preparedness inilunsad
BATANGAS
CITY-
Isang
malaking suporta sa disaster
preparedness
at
response
capability
ng
mga
local
government
units
ang
pinasinayaang Action Center
ng Batangas State University,
na isang national center for
disaster
risk
management
education and training sa bansa.
Bahagi rin ng center na ito ang
Disaster Resiliency Education
for Adaptation and Mitigation
(DREAM)
Academy
na
magkakaloob ng 36-unit Master
in Disaster Management at 18-
unit Diploma in Disaster Risk
Management.
Layunin ng masteral
course na makapag establish
ng pool of managers at policy
makers na mahusay sa disaster
risk management (DRM) at
disaster risk reduction habang
ang Diploma in Disaster Risk
Management na bukas sa mga
high school students ay upang
magkaroon ng kapasidad ang
mga graduates sa basic at working
knowledge sa DRM,
Ayon kay BSU President
Dr Tirso Ronquillo, ang naturang
pasilidad ay isang hybrid
academy and research for disaster
risk
management.
Layunin
aniya nilang magdevelop ng
maraming disaster risk managers
and planners bilang suporta
sa pamahalaang lungsod. “We
see ourselves as a university
and therefore we should do
Sundan sa pahina 2..
Maiingay na motor
ipagbabawal na
BILANG na ang oras ng
maiingay na motor sa lungsod. Ito
ay matapos na maghain ng isang
ordinansa hinggil sa mga modified
o altered na exhaust pipes ng
motor si Councilor Karlos
Buted sa lingguhang sesyon ng
Sangguniang Panglungsod noong
ika-24 ng Hulyo.
Ang ordinansa na may
pamagat na “An Ordinance
Prohibiting the Driving of
Motorcycles and Motorized
Vehicles Within Batangas City
without the Original Installed
Silencer Components at the
Exhaust Pipe of the Motorcycle
Engines,” ay ipinasa para sa first
reading at nakatakdang dumaan
sa committee hearing sa ilalim ng
Committee on Laws, Rules and
Regulations.
Ang
ordinansa
ay
naaayon sa Project-CDROM
(City’s Desire to Reduce Open
Mufflers) ng Batangas City
PNP at RA 4136 o ang Land
Transportation and Traffic Code.
Ayon
kay
Buted,
marami sa mga may-ari ng
motor ang nagpapaganda ng
kanilang sasakyan kasama na rito
ang modification o pagpapalit
Disaster Resiliency Education for Adaptation and Mitigation (DREAM) Academy
Higit na patalbugan sa modern dance
competition ipinakita ng mga kabataan
NAG level up ang modern
dance
competition
ng
pamahalaang
lungsod
ngayong taon bilang isa sa
mga gawain sa pagdiriwang
ng
49th
foundation
anniversary ng Batangas City
dahilan sa mas magagaling
ang mga lumahok ayon
sa mga naging hurado ng
contest.
Nag
champion
muli
sa
pang
tatlong
magkakasunod na taon ang
Kazaokatu
ng
Batangas
City sa Pakitang Gilas sa
Makabagong Sayaw (modern
dance) seniors division na
idinaos noong nakaraang
linggo.
Pitong
grupo
ang naglaban laban sa
kategoryang ito, kung saan
naging 2nd place winner ang
Danzgen Project mula sa
brgy. Malitam at 3rd place
ang Salute de Familia ng San
Pascual, Batangas.
Sampung
grupo
ang nagtunggali sa junior
division ng kumpetisyon.
Champion ang Disthink mula
sa Bauan, Batangas, 2nd
place ang Jr. Hyperbones ng
brgy. Calicanto at 3rd place
ang Junior Danzgen , Brgy.
Malitam.
Ang mga nanalo ay
tumanggap ng P20,000.00;
P15,000.00,
P10,000
at
tropeo ayon sa pagkakasunod
sunod.
Pinuri ng mga hurado
na sina Melvin Martinez, Art
Endaya at Gerald Mercado
na kapwa mga kinikilala at
propesyunal sa iba’t ibang
larangan ng pagsasayaw
ang competition sa taong
ito. Anila naipakita ng mga
kalahok ang mga inaasahan
Sundan sa pahina 3..
Sundan sa pahina 2..
SM City Batangas, 1st place sa Sublian Float
Parade 2018
Ikalawang gantimpala
Tampok din ang karosa
Best Float entry ng SM City Batangas sa taunang float competition ng pamahalaang
lungsod ng Batangas kaugnay ng pagdiriwang ng Batangas City Day
TINANGHAL na Best Float
ang entry ng SM City Batangas
sa taunang float competition
ng
pamahalaang
lungsod
ng Batangas kaugnay ng
pagdiriwang ng Batangas City
Day nitong July 23.
Ang kanilang float
ay may disensyo ng basilica
at city hall na napapalibutan
ng bulaklak at nakita ng mga
judges na pinaka akma sa tema
ng kompetisiyon na “Sublian
Festival: Ipagdiwang Lungsod
ng Batangas”. Tumanggap ang
SM ng trophy at cash prize na
P200,000.
ang float ng Malampaya at third
prize naman ang Saint Patrick’s
Hospital and Medical Center
(SPHMC).
Labing anim na floats
ang lumahok kung saan sila
ay nag pagalingan sa artistic
creativity gamit ang mga
indigenous materials at mga
naggagandahang bulaklak.
Nagsilbing mga hurado
sa Sublian Float Parade sina
Josie Guillen, Barge Ramos,
Elizabeth Norma Baldovino,
Chinggay Bernardo, Lordinio
Vergara, Gener Caringal at Dr
Raffy Lopez.
ni Ms Batangas City Foundation
Day 2018 Bb. Mary Angeline De
Loyola Portugal at ang kanyang
konsorte.
Nauna rito ay ipinakilala
siya sa publiko pagkatapos ng
Misa Pasasalamat sa Basilica of
the Immaculate Conception.
Dahilan sa patuloy na
pag-ulan, kanselado ang pang
umagang gawain sa labas kagaya
ng arrival of honors para kay
Mayor Beverley Rose Dimacuha
at Congressman Marvey Marino,
flag raising at floral offering sa
Plaza Mabini at street dancing.
(PIO Batangas City)