Tambuling Batangas Publication July 04-10, 2018 Issue | Seite 4
OPINYON
Hulyo 04-10, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Road Warriors
THE Metro Manila Development Authority Task Force
Special Operations has the most unenviable job in
government. The team’s mission, which is to remove
sidewalk obstructions and apprehend traffic regulation
violators, is an endless undertaking with the many
recidivist vendors, irresponsible car owners and colorum
drivers infesting city streets.
That is not to mention defiant violators who confront
members of the Task Force who are merely doing their
job. Facebook is replete with video posts of Task Force
operations where they have to take a stand against insults
and rants of arrogant motorists.
The daily stress of facing angry car owners whose vehicles
are towed away for illegal parking and vendors who fight
against confiscation of their carts and goods or demolition
of their makeshift stalls is compounded by the fact that
there are also erring traffic enforcers, police impostors and
fake towing services that prey on unsuspecting drivers or
car owners.
More than the expletives the Task Force has to endure,
there is also the risk of actual harm from violent motorists
or vendors particularly if they are armed during the
confrontation.
Despite the risks and the demands of their job, what
is admirable is that they strive to conduct themselves
professionally, extending courtesy to compliant motorists
but being uncompromising for violators.
In short, they get the job done: traffic violation tickets are
issued for illegally parked vehicles or the offending car is
impounded if not removed within the five-minute deadline.
Stalls illegally occupying sidewalks are demolished.
It’s a wonder why many people can’t understand that
the Task Force is performing a public service. The Task
Force’s critics are actually doing a disservice to motorists
and pedestrians who have the right to the safe and
unhampered use of roads and walkways.
Theirs may be considered a thankless job, but it’s
heartening to see that the Task Force perseveres in the
performance of its mission. Surely there are silent fans
cheering for them when they clear sidewalks of obstruction
and roads from traffic offenders.
Metro Manila is in a big mess and the job of fixing it can
be likened to those of soldiers battling anti-government
forces. They have to take on the role of warriors.
Metro Manila motorists can actually enjoy a smooth flow
of road traffic and pedestrians can walk on unobstructed
sidewalks without the Task Force’s intervention. But that
can only happen if everyone observed road regulations
and extended courtesy to fellow motorists.
For now, we still need these gallant road warriors.
Ni Teo S. Marasigan
Paano Babasahin ng Time ang NPA?
WALANG iniwan sa isang
magilas na kuwentong tigib
ng
pakikipagsapalaran.
Kuntodo detalye pa ng kasal ng
magkarelasyong rebelde at ng
kamangha-manghang buhay-
mag-asawa ng isa pang pares ng
rebelde. Ang artikulong ukol sa
NPA (New People’s Army) ay
makatawag-pansin, palibhasa’y
cover story ng magasing
internasyunal na Time. May ibig
ba itong sabihin?
Noong
unang
bahagi ng dekada 80, lalo na
pagkatapos paslangin si Ninoy
Aquino noong 1983, naging
mapanuligsa ang Time sa
rehimeng Marcos – na noo’y
tuluy-tuloy na bumabaho sa
mga mamamayan. Ilang taon
pa, inianunsiyo nito ang bagong
taktikang pandaigdig ng US:
palitan ang mga diktadurang
sinusuportahan nito ng mas
“demokratikong” mga rehimen,
tulad ng kay Cory Aquino. Noon
namang 2000, nang ilantad at
banatan ng Time ang kabulukan
ng rehimeng Estrada, marami
ang nakasigurong bilang na ang
maliligayang araw ng pangulo
sa Malakanyang.
Sa ganitong diwa
makabuluhang basahin ang
paglabas nitong Pebrero 5
ng “The War with No End”,
sanaysay ni Andrew Marshall
sa Time. Kasama ang mga
larawang kuha ni Philip
Blenkinsop, pumuno ito ng
anim na pahina ng magasin, at
siya rin ngang naging pabalat ng
isyu. Nalathala ito sa panahong
tumitindi ang pampulitikang
panunupil ng rehimeng Arroyo,
gayundin ang pagkondena’t
paglaban dito sa loob at labas ng
bansa.
Pumasok ang pangkat
ng Time sa kampo ng mga
NPA sa Compostela Valley sa
Mindanao. Sa pamamagitan ng
mga kuwento at pahayag nina
Ka Giegie, Victor, Joven, Jorex,
Wendy at Lenlen, inilarawan
ng may-akda ang iba’t ibang
aspekto
ng
buhay-NPA.
Pahapyaw niyang inilahad
ang kasaysayan ng NPA, mga
grupong armado sa Mindanao,
ang “kahirapan, katiwalian at
kawalang trabaho” sa bansa,
ang trato ng rehimeng Arroyo
sa NPA, ilang paniniwala ng
NPA, ang peligrosong katayuan
ng rehimeng Arroyo, at ang
kawalan nito ng kakayahang
durugin ang NPA.
Dahil kilalang maka-
US ang Time at ang NPA
naman ay kilalang lumalaban
sa imperyalismong US, hindi
kataka-takang sa sanaysay ay
maraming atake sa NPA – sa
mga gawi at paniniwala nito.
Dahil sa pakikipamuhay ng
may-akda sa mga rebelde,
gayunman, hindi napigilang
mapasama sa artikulo ang
ikatutuwa ng mga taong may
simpatya sa NPA. Tinukoy sa
artikulo na kahirapan at iba
pang kabulukan ng sistema
ang ugat ng paghihimagsik.
Inamin ng isang eksperto na
mahirap sugpuin ang NPA dahil
nakakalat ito sa buong bansa,
sang-ayon na rin sa estratehiya
ng mga nagtatag nito. Naidiing
hindi mapapawi ng militar ang
NPA, at hindi rin ito kusang
mamamatay. Lumalalim pa nga
ang kaalaman ng mga NPA sa
pakikidigmang gerilya.
Sinabi rin ng awtor na
si Gloria ang numero unong
tagapagrekluta ng NPA at
pinagtibay niya ang tiwalang
aalpasan at mapagtatagumpayan
ng NPA ang rehimeng ito.
Hindi natin tiyak
kung nasaan ang simpatiya
ng mga mambabasa ng Time,
na karamihan ay petiburgis at
iba pang nakatataas na mga
uri sa Pilipinas at ibang bansa.
Maaaring sa ibang anggulo nila
iintindihin ang artikulo: Grabe
ang paghubog sa utak ng mga
kasapi ng NPA kaya matatag
sa sakripisyo’t kamatayan –
maging sa pagpatay. Katulad
ng paniniwala ng mga terorista
sa pundamentalistang Islam,
makitid na’y sarado pa ang
isipan ng mga NPA sa ibang
kaisipan. Parang kulto ang
grupo, na ang ideolohiya ay
matagal nang namatay, gaya ng
disco.
Kung ang NPA ay hindi
masusugpo, ayon sa Time, hindi
rin naman ito magtatagumpay.
Ang
artikulo,
samakatwid, ay bahagi ng
tinatawag ni Neferti Xina
M.
Tadiar,
progresibong
intelektuwal, na pagpapamanhid
sa panlipunang pandama (social
feeling) ng nakatataas na mga
uri sa bansa. Aniya, para sa
mga uring ito, ang giyera sa
kanayunan ay “kailangang
hawiin at isantabi sa anumang
paraan upang protektahan
ang ‘kalayaan’ ng paglulubos
ng sarili (self-realization) sa
pamamagitan ng pagpapayaman
sa sarili.” Hindi umano kataka-
takang “Oplan Bantay-Laya”
ang
programang
kontra-
insurhensiya ng rehimen dahil
parte ito ng pagbabantay sa
layang magsamantala — na
tinataguriang karapatan at
pribilehiyo ng iilang may-kaya.
Sa
Marso
29,
ipagdiriwang ng NPA ang ika-
38 anibersaryo ng pagkakatatag
nito. Aminin man o hindi ng
Time, patuloy ang paglakas
ng pakikibaka nito, at hindi na
maisasantabi. Ngayon, bilang
pangangatwiran sa angkin nitong
katatagan, tinatawag itong
“digmang walang katapusan”
dahil “walang pinatutunguhan.”
Bukas-makalawa,
kailangan
na naman nilang gumawa ng
panibagong paliwanag kung
bakit hindi ito mapuksa-puksa.
27 Marso 2007, nalathala sa
Pinoy Weekly