Tambuling Batangas Publication January 31-February 06, 2018
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
BUHAY-BULKAN... p.5
Mga Batangueño, namayagpag
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
sa 2018 BOSS 13th Ironman
Motorcycle Challengep. 2
Batangas City
team kalahok sa
1st Maharlilka
Philippine
Basketball League
Duterte
opens
bank
dedicated to the needs of
overseas Filipinos p. 3
p.5
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 06
Enero 31-Pebrero 06, 2018
P6.00
Gov. Dodo, Keynote Speaker sa
Batangas Development Summit 2018
DUMALO si Gov. Dodo I.
Mandanas bilang Keynote
Speaker
sa
Batangas
Development Summit, isang
taunang
pagpupulong
na
inorganisa ng First Asia
Institute of Technology and
Humanities (FAITH) Colleges
upang bigyang pansin ang
negosyo, turismo, ekonomiya
at panlipunang pang-unlad sa
Lalawigan ng Batangas, noong
ika-26 ng Enero, 2018, sa Lima
Park Hotel, Malvar, Batangas.
May apat na bahagi
ang
pagtitipon:
Batangas,
an
Industry
Perpesctive;
Increasing
Competitiveness
of Batangas; Leisure and
Tourism
Development
in
Batangas; Corporate Social
Responsibility; at, Key to the
Province of Batangas.
Ang Key to the
Province of Batangas ay isang
parangal na iginagawad ng
Gobernador ng Lalawigan
ng Batangas sa mga dayuhan
at piling Pilipinong lider na
nagtatrabaho at may malaking
kontribusyon sa lalawigan.
Ito ay simbolo ng mabuting
pakikisama at pagpapahalaga
sa suporta nila sa paglago at
pag-unlad ng Batangas.
Ang mga pinarangalan
ngayong taon ay sina Mr.
Hiroyuki Nagai, Presidente
ng Taisei Electronics Inc, Mr.
sundan sa pahina 2
Income ng Batangas City tumaas
ang paglaking ito ng income
noong 2017
INIULAT ng City Treasurer’s
Office na tumaas ang revenue
collections ng Batangas City
noong 2017 sa halagang P2
bilyon, malaki ng P142 milyon
sa naging collections noong
2016 na umabot lamang sa
P1.8 bilyon.
Umabot ang real
property collections sa P923.6
milyon, mataas ng P26.5
milyon sa collections noong
2016 na umabot lamang sa
P897.1 milyon habang ang
business tax collections ay
umabot sa P578 milyon,
mataas ng P16.3 milyon sa
P561.6 milyon collections
noong 2016.
Ayon pa rin sa ulat,
na lungsod ay hindi lamang
dahilan sa mga pumasok
na
investments,
charges
at fees kundi dahilan sa
patuloy na intensified tax
collection campaign kung
saan pinupursige ang mga
delinquent
taxpayers
na
magbayad ng buwis.
May
27,451
Notices of Delinquency na
may total delinquency na
nagkakahalaga ng P209.2
milyon ang naipadala sa
mga real property owners at
4,382 bahay ang nabisita sa
ginawang real property tax
house-to-house
campaign
sa lahat ng barangay ng
lungsod. Pinadalhan din ng
sundan sa pahina 2
Development towards a Rich Batangas. Ginawaran ng Keys to the Province of Batangas ang ilang mga foreign investors na
may malaking kontribusyon sa paglago at pag-unlad ng probinsiya sa ginanap na Batangas Development Summit noong ika-
26 ng Enero 2018 sa Lima Park Hotel, Malvar, Batangas. Pinangunahan ito nina Gov. Dodo Mandanas, FAITH President
Saturnino Belen at Provincial Tourism Council President Juan Lozano. Vince Altar / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol
PIO
Development ng phase 1 ng STAR Tollway-
Pinamucan By-pass Road patuloy na isinasagawa
TULOY-TULOY
ang
development ng Phase 1 ng
STAR Tollway- Pinamucan By-
pass Road na sinimulan noong
Nobyembre ng nakaraang taon
at inaasahang matatapos sa loob
ng dalawang taon.
Ayon
kay
Pastor
Ramos, foreman ng proyekto,
humigit-kumulang
sa
1.5
kilometro na ang kanilang
napatag na karsada. Kasama na
aniya rito ang pagbubutas ng
karsada sa Barangay Tinga Itaas
at pagtatambak ng lupa upang
maging pantay-pantay ito.
“Hindi pa po kami
nakakapag-buhos ng semento
sapagkat medyo nagkaroon
tayo ng delay dahil sa sama ng
panahon.Pero tingin ko naman
on-schedule pa rin po ang
project,” ani Ramos.
Bukod dito, kasama rin
aniya sa Phase 1 ang paggawa
ng tulay na tatawid sa ilog ng
Calumpang at magdudugtong
sa Tingga at mga barangay ng
San Pedro, Dalig, Dumantay,
Sampaga, Dumuclay, Sirang
Lupa, at Libjo. Ang tulay ay may
haba na 179 metro samantalang
ang buong Phase 1 ay may
habang 10.3 kilometers.
Ang Phase 2 naman
ng proyekto ay mula sa
Sundan sa pahina 3..
Lalawigan ng Batangas ginawaran ng
parangal sa ika-67 Anibersaryo ng DSWD
Region IV-A
na
pinangungunahan
ng
Best Province sa Social Service. Ginawaran ng Salamat Po! Award at “Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon
sa Bayan” o PaNata Award ang Lalawigan ng Batangas sa selebrasyon ng ika-67 anibersaryo ng Department of
Social Welfare and Development Region IV-A na ginanap sa General Trias, Cavite noong ika-25 ng Enero 2018.
Naging kinatawan ng Batangas sina PSWDO Dept. Head Joy Montalbo at Provincial Disaster Risk Reduction
and Management Office Joselito Castro. Kimzel Joy T. Delen / Photo: Batangas PDRRMO – Batangas Capitol
PIO
BILANG
bahagi
ng
selebrasyon
ng
ika-67
anibersaryo ng Department
of
Social
Welfare
and
Development ng Region IV-
A, na may temang “Walang
puwang sa katiwalian ang
paglilingkod ng tapat sa
bayan,” ginawaran ng Salamat
Po! Award at “Pagkilala sa
Natatanging
Kontribusyon
sa Bayan” o PaNata Award
ang Lalawigan ng Batangas
sa General Trias, Cavite
noong ika-25 ng Enero 2018.
Nakuha ng Batangas
Provincial Social Welfare
and Development Office,
Department Head na si
Jocelyn R. Montalbo, isang
Registered Social Worker,
ang Salamat Po! Award.
Ang
Salamat
po!
Award ay ibinibigay sa mga
katuwang na ahensya na
nagbibigay ng suporta at tulong
sa implementasyon ng mga
programa at serbisyo na may
kinalaman sa social protection.
Samantala, iginawad din sa
Probinsya ng Batangas ang
PaNata Award bilang Best
Province pagdating sa disaster
response at social pension
for indigent senior citizens
sundan sa pahina 2