Tambuling Batangas Publication January 30-February 05, 2019 | Page 8
Mission critical: Reviving agriculture... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLII
No. 5
January 30-February 5, 2019
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
Income ng Batangas City tumaas
noong 2018
INIULAT ng City Treasurer’s Office
(CTO) na tumaas ang koleksyon ng
Batangas City noong 2018 kung saan
ito ay umabot sa P2.1 bilyon kumpara
sa P2 bilyon noong 2017 o pagtaas
ng P152.8 milyon . Nahigitan din ng
koleksyong ito ang 2018 city budget
na P1.8 bilyon.
Dahilan sa dumami ang
mga bagong negosyo at nag renew ng
kanilang businesss permit mula 9,152
business establishments noong 2017
hanggang 10,180 noong 2018, lumaki
rin ang business taxes mula P578
milyon hanggang P715.4 milyon o
pagtaas ng P137.3 milyon.
Umabot naman sa P901.9
milyon ang real property tax
collection noong isang taon.
Bumaba ang tax delinquency na
nagkakahalaga ng P131.6 milyon
kumpara sa P209.2 milyon noong
2017. Nakapagpadala ang CTO ng
32,052 Notices of Delinquency at
may 10,921 bahay ang nabisita sa
house-to-house campaign.
Patuloy na pinaigting ang
tax collection campaign hindi lamang
sa pagpunta ng tauhan ng CTO sa
mga barangay kundi sa malawakang
information drive sa pamamagitan
ng mga ipinamimigay na pamphlets
, pagpupulong , at tulong ng mass
at social media. Nakakatulong din
ang teknolohiya kagaya ng global
positioning satellite sa paghahanap
ng mga tirahan ng mga taxpayers.
Ang mga tauhan ng
Business Permit and Licensing Office
ay pumupunta rin sa mga barangay
upang malaman kung nag ooperate
ng may business permit ang mga
negosyo habang ang examination
team ng CTO ay tinitingnan ang book
of accounts at pertinent records ng
mga negosyo alinsunod sa Sec. 171
ng Local Government Code of 1991.
Dahil sa trabaho ng examination
team, nakapagkolekta ng P832,611
noong 2018.
Samantala, iniulat ng Office
of the City Market Administrator
na bagamat naging mahina ang
benta ng palengke noong isang taon
dahilan sa sobrang pagtaas ng bilihin,
bahagyang tumaas pa rin ang kita ng
tatlong palengke, na nagkakahalaga
ng P45.5 milyon.
Ika-20 Malasakit Center
sa bansa, Pinasinayaan sa
Batangas Provincial Hospital
Pinasinayaan ng mga opisyal ng
Malacañang at ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas ang ika-20
Malasakit Center sa buong Pilipinas
sa Batangas Provincial Hospital, sa
bayan ng Lemery noong ika- 8 ng
Enero 2019.
Ang pagbubukas ng One Stop Shop
for Health Services ay pinamunuan
nina Presidential Assistant for the
Visayas, Sec. Michael Diño, at dating
Special Assistant to the President
Christopher Lawrence “Bong” Go.
Kasama nila ang mga lokal na opisyal
ng Batangas na pinangunahan nina
Batangas Provincial Administrator
Levi Dimaunahan, bilang kinatawan
ni Governor Dodo Mandanas; Lemery
Mayor Larry Alilio; Provincial Health
Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta;
Batangas Provincial Hospital Chief,
Dr. Danilo Aguilera; at, Provincial
Social Welfare and Development
Officer Joy Montalbo.
Ang Malasakit Center ay magsisislbing
one stop shop ng mga ordinaryong
mamamayan na nangangailangan ng
tulong pinansiyal para sa kanilang
mga gastusing medikal.
Layunin nitong mabawasan ang
mga inaayos na mga papeles at
dokumento na kailangang isumite
sa mga pagamutan para makakuha
ng serbisyong medical, tulad ng
libreng pagpapagamot, operasyon at
pagpapalabas ng mga pasyente.
Kasama sa serbiyong hatid ng
Malasakit Center ang tulong mula sa
Philippine Charity Sweepstakes Office
(PCSO), Philippine Amusement and
Gaming Corporation (PAGCOR) at
Department of Social Welfare and
Development.
Ito ay may tuloy-tuloy na pondo mula
sa pamahalaang nasyunal, sa ilalim ng
Office of the President (OP), upang
makapagbigay ng tulong sa mga
Pilipino. Hindi na rin umano kailangan
ang iba’t ibang identification cards sa
pagtungo sa mga Malasakit Centers,
na mayroon ding fast lane para sa mga
senior citizens.
Ayon kay Sec. Michael Diño at former
SAP Bong Go, sa tulong ng mga
Malasakit Centers sa buong bansa,
maibabalik ni Pangulong Rodrigo
Duterte ang kapakinabangan sa
mga tax payers at mga ordinaryong
mamamayan.
Ang Malasakit Center sa Batangas
Provincial Hospital ang ika-7 sa Luzon
na handang magbigay ng medikal na
atensyon sa mga Batangueño./ Edwin
V. Zabarte –PIOBatangas/
City Treasurer’s Office (CTO)
BDS 2019 Nakatuon sa Pagkamit at
Pagpapanatili ng Kaunlaran sa Lalawigan
Siva Prasad Reddy; Nestle gobernador, marami pa ang dapat
ng Batangas Mr.
Lipa Factory Manager, Mr. gawin at tuloy-tuloy lamang ang
MULING
nagsama-sama
ang mga kilala at respetadong
personalidad
sa
iba’t-ibang
larangan mula sa pribado at
pampublikong sektor ng negosyo
at pamumuhunan, akademya at
lokal na pamahalaan sa ginanap
na 11th Batangas Development
Summit (BDS) upang magbahagi
ng mahahalagang pananaw sa
pagkamit, paglikha, at paglinang
ng kaunlaran sa Lalawigan ng
Batangas.
Ang nasabing pagtitipon
ay isinagawa noong ika-25 ng
Enero 2019 sa Lima Park Hotel,
Lipa-Malvar, Batangas.
Sa gabay ng temang
“Live, Study, Work, and Have
Fun in Rich Batangas”, ang
usapin sa negosyo, turismo,
ekonomiya, at panlipunang pag-
unlad ng probinsya ang naging
sentro ng pagpupulong.
Tampok sa programa
ang paggagawad ng Key to the
Province of Batangas ni Governor
Dodo Mandanas sa mga sa mga
piling dayuhan at Pilipinong lider
na nagtatrabaho at nag-aambag
sa Lalawigan. Ang parangal
ay simbolo sa pagkakaroon ng
suporta, mabuting pakikisama at
pagpapahalaga sa paglago at pag-
unlad ng Batangas.
Ang mga pinarangalan
ngayong taon ay sina EPSON
Precision Philippines President
Mr. Takei Akifumi; Sohbi Kohgei
Vice President, Mr. Toshihiro
Matsuura; Littelfuse Incorporated
Director of Philippine Operation,
Volker Hoeller; ARTNATURE
Incorporated President, Mr.
Hisayuki
Kawazoe;
Cargill
Joy Poultry Meats Production
Country Director, Mr. Juan Jose
Gomez; at Solar Philippines
Chief Executive Officer, Mr.
Leandro Leviste.
Sa naging mensahe
ni Governor Mandanas lubos
ang kaniyang pasasalamat sa
mga business leaders, industry
stakeholders, mga government
executives at miyembro ng
academic community na naging
daan umano sa pagyabong at
pagkakaroon ng mas higit pang
mayamang probinsya.
Dagdag
pa
ng
ginagawang hakbang o aksyon
ng Pamahalaang Panlalawigan
para mabigyang katuparan ang
mga layunin at ambisyon para
sa ikauunlad hindi lamang ng
Batangas kundi pati na rin ang
rehiyon ng CALABARZON at
ng buong bansa.
Ang
Batangas
Development Summit, sa ika-
labing isang taon nito, ay muling
inorganisa ng First Asia Institute
of Technology and Humanities
(FAITH) Colleges. Ito ay unang
isinagawa noong taong 2002
bilang isang biennial event at
nakilala bilang North Batangas
Summit. ✎ Mark Jonathan M.
Macaraig – Batangas Capitol PIO
Supporting the growth and development of the Province of Batangas. Kinilala at
ginawaran ni Governor Dodo Mandanas ng Keys to the Province of Batangas ang ilang
mga foreign investors sa kanilang ipinakitang suporta at malaking ambag sa pagtaguyod
ng kaunlaran ng probinsya sa ginanap na 11th Batangas Development Summit noong
ika-25 ng Enero 2019 sa Lima Park Hotel, Lipa-Malvar, Batangas. ✎Mark Jonathan M.
Macaraig / Photo by: JhayJhay Pascua – Batangas Capitol PIO