Tambuling Batangas Publication January 23-29, 2019 Issue | Page 8

Dumb and Dumber’s death toll... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 4 January 23-29, 2019 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Laguna villages join bayanihan for Manila Bay By Joy Gabrido CALAMBA CITY, Laguna, (PIA) – Various barangays in the Province of Laguna conducted simultaneous clean-up drive, in support to the rehabilitation of Manila Bay, that kicked off Sunday. Tagged as #ManilaBayanihanSaLaguna, the instantaneous cleaning up initiatives in various barangays in the cities and municipalities of the province is in time for the Zero Waste Month celebration and a way of joining the nationwide launch of the Manila Bay Rehabilitation Project. The Department of Environment and Natural Resources Region 4A (DENR 4A) led a clean- up program at the Saran River in Barangays of Anos and Malinta, Los Banos. Other localities which also joined in the simultaneous clean- up activity include barangays in the towns of Bay, Nagcarlan, Pakil, and Rizal and in the cities of Binan and San Pablo, among others. The Sangguniang Barangay of Dila in Bay also implemented their Clean and Green Project synchronized with the Manila Bay cleaning. Barangay and Sangguniang Kabataan officials and volunteers worked together to clear up their streets. Barangay Chief Leo Quirino said it is their aim to keep their barangay clean. ”Dahil sayang po ang kagandahan nito kung natatakluban ng basura at kalat.” Brgy. Dila is known as the Garden Capital of Laguna, thus, Quirino pointed out that the beauty of the village will be put to waste if it will only be covered with wastes. Meanwhile, a similar activity was also held ashore Sampaloc Lake, which is one of the popular Seven Lakes of San Pablo City. “It is our sacred responsibility bilang commitment natin na isang mamamayang Pilipino na hindi na ako magdudumi at magkakalat, at sisikapin ko na ako mismo ay magiging isang halimbawa sa pagmamahal sa ating kapaligiran,” Department of Interior and Local Government (DILG) Cluster A Head Maria Lorilyn Manrique said during the program. She emphasized that it is everyone’s commitment as Filipinos to take responsibility in disposing our wastes properly and striving to be good examples in protecting the environment. DILG Memorandum Circular 2019-09 dated January 24, 2019, has directed 178 Local Government Units and 5,714 barangays covering the Manila Bay area to hold weekly clean-ups and follow existing environmental laws in their respective terrains starting on the Manila Bay Rehabilitation Project’s launch date. (Joy Gabrido, PIA4A) Income ng Batangas City tumaas noong 2018 Iniulat ng City Treasurer’s Office (CTO) na tumaas ang koleksyon ng Batangas City noong 2018 kung saan ito ay umabot sa P2.1 bilyon kumpara sa P2 bilyon noong 2017 o pagtaas ng P152.8 milyon . Nahigitan din ng koleksyong ito ang 2018 city budget na P1.8 bilyon. Dahilan sa dumami ang mga bagong negosyo at nag renew ng kanilang businesss permit mula 9,152 business establishments noong 2017 hanggang 10,180 noong 2018, lumaki rin ang business taxes mula P578 milyon hanggang P715.4 milyon o pagtaas ng P137.3 milyon. Umabot naman sa P901.9 milyon ang real property tax collection noong isang taon. Bumaba ang tax delinquency na nagkakahalaga ng P131.6 milyon kumpara sa P209.2 milyon noong 2017. Nakapagpadala ang CTO ng 32,052 Notices of Delinquency at may 10,921 bahay ang nabisita sa house-to-house campaign. Patuloy na pinaigting ang tax collection campaign hindi lamang sa pagpunta ng tauhan ng CTO sa mga barangay kundi sa malawakang information drive sa pamamagitan ng mga ipinamimigay na pamphlets , pagpupulong , at tulong ng mass at social media. Nakakatulong din ang teknolohiya kagaya ng global positioning satellite sa paghahanap ng mga tirahan ng mga taxpayers. Ang mga tauhan ng Business Permit and Licensing Office ay pumupunta rin sa mga barangay upang malaman kung nag ooperate ng may business permit ang mga negosyo habang ang examination team ng CTO ay tinitingnan ang book of accounts at pertinent records ng mga negosyo alinsunod sa Sec. 171 ng Local Government Code of 1991. Dahil sa trabaho ng examination team, nakapagkolekta ng P832,611 noong 2018. Samantala, iniulat ng Office of the City Market Administrator na bagamat naging mahina ang benta ng palengke noong isang taon dahilan sa sobrang pagtaas ng bilihin, bahagyang tumaas pa rin ang kita ng tatlong palengke, na nagkakahalaga ng P45.5 milyon. Volunteer residents and officials cleaning up areas along Sampaloc Lake in San Pablo City in support to the Manila Bay Rehabilitation Project. (Photo Credit to Sangguniang Brgy. of San Lucas Uno) Laguna nakiisa sa ‘Battle for Manila Bay’ By John Paul Soriano LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, (PIA) – “Ano po ba ang koneksyon ng Laguna sa Manila Bay?” Ito ang bungad ni Forester Melvin A. Lalican, focal person ng Manila Bay Site Coordinating Management Office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isinagawang Saran River cleanup sa Los Baños, Laguna, noong Linggo bilang bahagi ng paglulunsad ng Manila Bay rehabilitation program. “Ang Laguna po kasi ay isa sa kontributor ng polusyon papuntang Manila Bay,” pagpapatuloy ni Lalican. Aniya ang Laguna ay binubuo ng 14 na tributaries na siyang bumabagsak sa Laguna Lake na siyang dumadaloy papunta sa Pasig River na tumutuloy naman sa Manila Bay. Base sa inspeksyon, ang coliform level sa Manila Bay ay aabot na sa 330 million most probable number (mpn) na ayon sa general effluent standards ay 100 mpn/100mL lamang dapat para maaaring gamitin sa recreational activities. Ilan sa mga nakadadagdag sa polusyon na ito ay ang dumi ng tao at hayop at iba pang wastes na dumidiretso sa ilog. Bilang pakikiisa ng Laguna, mahigit sa 400 na katao na binubuo ng mga kawani ng DENR, Philippine Army at Coast Guard, lokal na pamahalaan, at mga residente ang nagtulong-tulong upang linisin ang solid wastes sa Saran River. Bumuo ang mga kalahok ng apat na grupo na nagpunta sa iba’t ibang bahagi ng nasabing ilog. Sako-sakong basura ang nakolekta mula dito, kung saan karamihan ay mga plastic na basura. Kapuna-puna rin ang pagkakuha ng mga lampin, gulong, bote at lata dito. Bukod sa paglilinis, minabuti rin ng grupo na mapaalalahan ang mga residente tungkol sa responsibilidad ng bawat isa sa kalinisan at pagaalaga ng kalikasan para maabot ang pangmatagalang solusyon sa polusyon. Bagama’t hindi agarang mawawakasan ang suliraning ito, sinisiguro naman ng pamahalaan na simula lamang ito ng marami pang cleanup drives at mga programang may kaugnayan dito. “Hindi po dito natatapos ang paglilinis, may instruction po for the [DILG] na patuloy itong lilinisin,” ani ni Lalican. “Ito po ay laban hindi lang po sa atin sa kasalukuyan kundi para sa susunod na henerasyon,” dagdag nito. Ipinadama naman ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagsuporta sa layunin ng aktibidad. Kapwa ipinaalala ni Laguna Governor Ramil L. Hernandez at Los Baños Mayor Caesar P. Perez na hindi lamang nakasalalay ang pagaalaga ng kapaligiran sa pamahalaan nguni’t tungkulin din ng bawat isa. (JPSoriano, PIA4A) Ang Saran River ay isa sa mga tributaries ng Laguna Lake, ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Dumadaloy ang tubig nito sa Napindan Channel patungo sa Pasig River na siya namang tumutuloy sa Manila Bay. (JPSoriano, PIA4A)