Tambuling Batangas Publication January 17-23, 2018
ANG
MAIKLI’T MABUTING HALIMBAWA NI JO LAPIRA... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
1st Regular Session ng
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Sangguniang Panlalawigan ng
Batangas for Calendar Year
2018 p. 2
Modernong sports
complex itatayo
sa lungsod ng
Tanauan
Kumintang Ilaya beauty ang
Bb. Lungsod ng Batangas
2018 p. 3
p.5
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 04
Enero 17-23, 2018
P6.00
MOA para sa Provincial Satellite Office,
Nilagdaan ng Batangas Capitol at COA
LUMAGDA
sa
isang
Memorandum of Agreement
ang
Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas at
Commission on Audit (COA)
para sa pagpapagawa ng COA
Batangas Provincial Satellite
Auditing Office sa Batangas
Provincial Sports Complex,
Bolbok, Batangas City noong
ika-15 ng Enero 2018.
Kinatawan
ang
Batangas Capitol ni Gov.
Dodo Mandanas, samantalang
si
Chairperson
Michael
Aguinaldo naman ang sa COA
sa pagpirma sa kasunduang
ginanap sa People’s Mansion,
Capitol Compound, Batangas
City, na sinaksihan nina
Provincial Administrato Levi
Dimaunahan, Provincial Legal
Officer Cesar Castor, Sr., COA
IV-A Regional Director Mario
Lipana at Acting Batangas
Provincial Auditor
Elena
Luarca.
Nakapaloob sa MOA
na binibigyang pahintulot ng
pamahalaang
panlalawigan
ang COA na gamitin ang
3,000 square meter na bahagi
ng Provincial Sports Complex
para sa pagpapagawa ng
kanilang tanggapan.
Lubos
ang
pasasalamat ni Chairman
Aguinaldo sa tulong at suporta
ng
Batangas
Provincial
sundan sa pahina 2
DENR Compliant Sanitary Landfill,
nakatakdang itayo sa Lungsod ng
nakatakdang ipatayo upang
Tanauan
LUNGSOD NG TANAUAN,
Batangas-- Isinusulong ng
pamahalaang lungsod ng
Tanauan ang pagkakaroon ng
sariling sanitary landfill bilang
pang matagalang solusyon sa
problema sa basura.
Ito ay bilang tugon
sa
naranasang
problema
noong nakaraang buwan ng
Disyembre matapos hindi
makapaghakot ng basura ang
kanilang hauler at limitahan
ang pagtatapon nito sa isang
dumpsite sa Calamba City,
Laguna.
Ayon kay Mayor Antonio
Halili,
isang
DENR-
compliant sanitary landfill ang
hindi magdulot ng anumang
polusyon o banta sa kalusugan
ng mga Tanaueno.
Aniya,
batid
ng
kanilang tanggapan na may
abiso na ukol sa pagsasara ng
dumpsite sa Laguna sa loob
ng dalawa hanggang tatlong
taon ngunit labis na ikinagulat
ng pamahalaang lungsod
ang hakbang ng Filinvest
Land,Inc. sa pagbabawas
ng mga trak ng basura na
makapagtatapon sa lugar.
Ipinarating
din
niya na noong nakaraang
taon ay nakapaglaan na ng
70 milyong pisong budget
sundan sa pahina 2
Kasunduan para sa Batangas Provincial COA Office – Lumagda si Batangas Gov. Dodo Mandanas at Commission on Audit
(COA) Chairperson Michael Aguinaldo sa Memorandum of Agreement para sa pagpapagawa ng COA Batangas Provincial
Satellite Auditing Office sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City noong ika-15 ng Enero 2018.
Sinaksihan ito nina Provincial Administrato Levi Dimaunahan, Provincial Legal Officer Cesar Castor, Sr., COA IV-A Regional
Director Mario Lipana, Acting Batangas Provincial Auditor Elena Luarca at iba pang mga opisyal ng Kapitolyo at COA.
Jenny Asilo Aguilera / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Dayalogo sa Mabini at Taysan, isinagawa
ng Pamahalaang Panlalawigan
LUNGSOD NG BATANGAS
-- Naganap ang isang dayalogo
sa pagitan ng pamahalaang
panlalawigan
ng
Batangas
na pinangunahan ni Gov.
Hermilando Mandanas at mga
opisyal mula sa mga bayan ng
Mabini at Taysan sa Peoples
Mansion, Provincial Capitol sa
lungsod na ito noong 4 Enero
2017.
Nanguna sina Mayor
Noel Luistro at Vice Mayor June
Villanueva sa pagtalakay sa
mga usapin sa bayan ng Mabini.
Napag-usapan dito ang mga
proyektong nakalaan para sa
pagpapagawa ng mga evacuation
centers sa Brgy. San Teodoro at
Estrella gayundin ang kahilingan
para sa pagkakaroon ng isang
sea ambulance na magagamit ng
mga residente at pagpapagawa
ng Mabini Community Hospital.
Sa panig naman ng mga opisyal
ng bayan ng Taysan personal na
nakipagdayalogo ang mga ito
kay Governor Mandanas upang
pagtalakayan ang mga proyekto
at layunin para sa kanilang
nasasakupan.
Ilan sa mga napag-
usapan ang mga programang
may kinalaman sa pagpapaunlad
ng agrikultura at turismo;
pagsasaayos ng mga tulay at
daan upang mas mapabilis ang
kalakalan; at pagpapanatili ng
kaayusan at seguridad upang
mas maraming investors ang
pumasok sa kanilang bayan.
Binigyan diin din nito
ang kahalagahan ng pagkakaisa
at pagtutulungan ng bawat
Sundan sa pahina 3..
Investment Promotion, Ikinasa sa
Regional
Development
Council
CALABARZON Meeting
Investment Promotion ng CALABARZON sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas
PINANGUNAHAN
ni
Batangas
Gov.
Dodo
Mandanas,
bilang
Chairperson ng Regional
Development
Council
(RDC) ng Region IV-A,
ang talakayan patungkol
sa Investment Promotion
sa buong CALABARZON
sa
RDC
Executive
Committee meeting noong
ika-17 ng Enero 2018 sa
Paseo
Premiere
Hotel,
Sta. Rosa Business Park,
Sta. Rosa City, Laguna.
Kabilang sa mga
dumalo
sa
naturang
pagtitipon
sina
Director Luis Banua ng
National Economic and
Development
Authority
(NEDA), mga kinatawan
ng Department of Trade and
Industry (DTI) Regional
Office,
Investment
Planning Group (IPG),
State
Universities
and
Colleges (SUCs), Batangas
State University (BatSU),
Laguna State Polytechnic
University
(LSPU),
University of Rizal System
(RSU) at Southern Luzon
sundan sa pahina 2