Tambuling Batangas Publication January 09-15, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Philippine rum keeps London’s spirits high... p.5
Batangas City Bureau of Fire
Protection safety awareness
campaign.p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Filipino nurse from
Mindanao honoured
with Order of the British
Empire Award p. 5
Fluvial
procession
ng
Sto. Nino sa mata ng mga
photographersY p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 2
January 9-15, 2019
P6.00
Fluvial procession pagpapakita ng debosyon
sa Sto. Niño
MULING ipinakita ng mga
taga Batangas City ang kanilang
malakas na debosyon sa Mahal
na Patrong Sto. Niño sa idinaos
na fluvial procession kung saan
hindi lamang pasasalamat sa
mga biyayang natatanggap ang
kanilang panalangin kundi ang
patuloy na tulong at gabay sa
kanilang buhay.
Ang taunang fluvial
procession ng Sto. Niño sa
Calumpang River ay idinadaos
tuwing simula ng nobena ng
kanyang kapistahan sa ika-16 ng
Enero.
Ang
Calumpang
River ay isang makasaysayang
ilog sa lungsod kung saan
pinaniniwalaan na nakita ang
imahe ng Sto. Niño habang ito
ay nasa ibabaw ng lumulutang na
troso.
Ilan sa mga debotong
lumahok sa prusisyon ang
pamilya ni Erlyn Buenabao, 57
taong gulang na residente ng
barangay Gulod Labac. “Deboto
ako ng Sto Niño since birth dahil
ito ay nakagisnan ko na sa mga
magulang ko at ipinagpapatuloy
naming ng aking asawa at mga
anak hanggang sa kasalukuyan.
Ginagabayan kami ng Sto
Niño, binigyan niya kami ng
magandang buhay. Government
employee ako habang OFW
naman ang aking asawa na taga
Tondo, Manila, meron kaming
Sundan sa pahina 2..
Kahulugan ng Sto. Nino
sa mga bata ipinakikita sa
Children’s Art Competition
BATANGAS CITY-Sa mata ng
mga bata, ang Sto. Nino ay may
espesyal na kahulugan base sa
kanilang pananaw at values sa
buhay at ito ay makikita sa taunang
Children’s Art Competition ng
itinataguyod ng pamahalaang
lungsod sa pangangasiwa ng
Cultural Affairs Committee at
sa pakikipagtuwang ng SM City
Batangas.
Ang likha ng 12 taong
gulang na si Kristine Garcia,
grade 6 student ng Sta Rita
Elementary School, ang nagwagi
ng unang pwesto sa patimpalak
na ito na ginanap sa Teachers
Conference Center ngayong ika-9
ng Enero.
Ang pagmamahalan sa
pamilya ang mensahe ng winning
piece ni Garcia na akma sa temang
“Higit pa sa ginto ang maibibigay
ko sa Sto Nino”. Tumanggap siya
ng cash prize na P5,000 at gold
medal.
Nagsilbing coach/trainor
ni Garcia ang kanyang gurong si
G. Efren Guinoban.
Ikalawang
pwesto
naman ang nakamit ni Elysa
Macaraig ng St Bridget College,
at 3rd prize si Empress Elerie
Delgado mula sa Alangilan
Sundan sa pahina 2..
Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Marino at iba pang mga deboto ng fluvial procession ng Sto. Niño sa
Calumpang River
Ilang coastal barangay may best
practices sa pangangasiwa ng basura
NAGING positibo ang resulta
ng pangalawang bahagi ng
monitoring
ng
KA-BRAD
Team Solid Baybay cluster
coordinators o composite team ng
mga empleyado ng pamahalaang
lungsod
sa
pinalakas
na
information/education campaign
sa waste segregation at plastic
ban sa 13 coastal barangay.
Ang naturang kampanya
ay bilang pagtalima sa Ecological
Solid Waste Management Act
of 2000 sa pangangasiwa ng
City ENRO at City Solid Waste
Management Board.
Sa kanilang paglilibot,
nakita ng monitoring team na
karamihan sa mga barangay
ay naghukay ng compost pit
at nagtayo ng mga Materials
Recovery Facility o MRF sa
bawat sitio habang ang ilang
households ay nagtayo nito sa
kanilang mga bakuran.
Napag-alaman din nila
ang best practices ng ilang mga
barangay kung saan nakapagbuo
sila ng kanilang epektibong
sistema ng pamamahala ng
basura.
Sa management plan
ng barangay Ambulong, ipinag-
uutos ng barangay chairman ang
paggawa ng MRF at paghukay
ng compost pit sa bakuran ng
lahat ng barangay officials at ng
kanilang staff sa barangay hall.
Number coding naman
sa basurahan ang stratehiya
ng barangay Ilijan kung saan
merong number bawat basurahan
na nakatalaga sa bawat household
upang madaling malaman kung
sino ang hindi segregated o
hindi nakabukod ang basura sa
nabubulok at hindi nabubulok.
Sa Pulot Itaas, lahat ng
tindahan ay hindi na gumagamit
ng plastic bilang pambalot ng
Sundan sa pahina 3..
Sto. Niño pinarangalan
ng mga kabataan sa
kapistahan nito
IPINAKITA ng mga estudyante
mula sa iba’t ibang paaralan
ang kanilang papuri sa Mahal
na Patron ng Batangas City sa
pamamagitan ng musika, awit,
sayaw at iba pang pagtatanghal
sa Alay sa Sto Niño Cultural
Presentations
na
ginanap
ngayong January 7 sa Batangas
City Convention Center.
Sinimulan ang naturang
okasyon sa pamamagitan ng pag-
awit ng dalit bilang pagsalubong
sa pagdating ng Mahal na Patron
sa motorcade nito mula sa Basilica
of the Immaculate Conception
kung saan ito ay sinundo nina
Mayor Beverley Rose Dimacuha,
Congressman Marvey Mariño
at mga kinatawan ng simbahan.
Ang dalit ay isang awit ng papuri
sa ating patron upang parangalan
siya at hingin ang patuloy niyang
patnubay.
Unang nagtanghal ang
Batangas National High School
Symphony Orchestra na sinundan
ng makabagong balagtasan ng
mga mag-aaral ng Lyceum of the
Philippines University-Batangas.
Isang
katutubong
sayaw naman ang handog ng
Batangas State University habang
Sundan sa pahina 3..