Tambuling Batangas Publication January 03-09, 2018

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Bad new times... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) DILG warns public against the use of illegal firecrackers/ pyrotechnics EBD Scholarship Distributions p. 2 PHLPost’s Christmas stamps feature artworks of children with cancer p. 3 p.5 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 02 Enero 03-09, 2018 P6.00 Batangas City isa sa mga best sa PPP NAPILI ang Grand Terminal ng Batangas City bilang isa sa Top 10 Best Public Private Partnership (PPP) projects sa buong bansa. Tumanggap ng award ang Batangas City dahil sa kontribusyon nito sa pagsusulong ng “ local economic development” sa pamamagitan ng PPP nito sa Batangas Ventures Properties and Management Corporation (BVPMC) sa implementasyon ng Multi-purpose Transport Terminal. Layunin ng naturang award na nasa ilalim ng PPP for the People Initiative for Local Governments (LGU P4) ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bigyang pagkilala ang mga LGUs na pinalalakas ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pagbibigay ng basic services sa publiko. Ang parangal ay personal na tinanggap nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa Selah Garden Hotel sa Pasay City noong ika-8 ng Disyembre. Noong Agosto 2014 ng pumasok sa isang PPP ang pamahalaang lungsod sundan sa pahina 2 2018 Bb. Lungsod ng Batangas candidates ipinakilala sa kanilang unang public appearance IPINAKILALA sa publiko ang 20 naggagandahang Bb. Lungsod ng Batangas 2018 candidates sa kanilang motorcade sa loob ng poblacion ngayong araw na ito. Ito ay sinundan ng press conference sa Batangas City Convention Center kung saan tinanong sila sa kanilang opinion sa iba’t ibang issues. Marami sa mga kandidata ang ayaw sa pre- marital sex subalit pabor naman sa same sex marriage dahilan sa naniniwala sila sa equal rights ng isang tao maging anoman ang kanyang gender. Sumasangayon din sila sa war on drugs ni Pangulong Duterte. Nagkaisa naman ang mga ito sa pagsasabing ang kanilang iniidolo at itinuturing na role model ay si Ms Universe 2015 Pia Wurtzbach. Naniniwala din sila na mas dapat sundin ang payo ng mga magulang kaysa sa mga nababasa at nauuso sa social media. Ilan naman sa kanilang magiging advocacy kung sakaling papalaring manalo ay sundan sa pahina 2 NAPILI ang Grand Terminal ng Batangas City bilang isa sa Top 10 Best Public Private Partnership (PPP) projects sa buong bansa. Batas na nagbabawal sa pagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar mahigpit na ipinatutupad SIMULA pa noong January 1 ng taong ito, mahigpit ng ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungsod ng Batangas alinsunod sa istriktong pagpapatupad ng Anti- Smoking Ordinance at ng Executive Order No. 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, ito ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang tumataas na bilang ng mga nagkakasakit ng cancer, hypertension at iba dahil ng paninigarilyo at mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan. B i n i g y a n g diin ni Dr. Barrion na bukod sa mga kalye, parke, palengke at iba pang pampublikong lugar ay mahigpit na ipinagbabawal rin ang paninigarilyo sa mga pampasaherong sasakyan, kagaya ng jeep, tricycle, bus at iba pa at labas ng kanilang tahanan o sa may gate. “Tanging sa loob lamang ng kanilang bahay or within the 4 corners of their home lang talaga sila maaring manigarilyo, ngunit delikado rin ito sa kalusugan ng kanilang pamilya dahil sa exposure nila sa usok kung kaya’t better quit smoking,” ayon pa rin kay Dr. Barrion. Nilinaw niya na walang itinalagang smoking area sa City Hall para sa mga empleyado nito at mga taong pumupunta rito. Ang mga may ari ng mga private places na pinupuntahan ng publiko ay pwedeng maglaan ng designated smoking area na naayon sa ordinansa at executive Sundan sa pahina 3.. Expert architect/urban planner to shape Batangas City’s development The signing of the contract between Mayor Beverley Dimacuha representing the city government and world - renowned architect and urban planner Felino “June”Palafox for Palafox Associates BATANGAS CITY-The signing of the contract between Mayor Beverley Dimacuha representing the city government and world - renowned architect and urban planner Felino “June”Palafox for Palafox Associates to undertake consultancy services for the review and updating of Batangas City’s Comprehensive Land Use Plan, Integrated Zoning Ordinance, Comprehensive Development Plan and Local Development Investment Program signifies the innovative thrust of the current administration to build a new and better city, one that is progressive, s u s t a i n a b l e and resilient. Palafox has worked wonders in the growth and development of other countries , one shining example of which is his masterpiece in Dubai. His involvement in Batangas City’s sundan sa pahina 2