Tambuling Batangas Publication February 28-March 06, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Annual genreral assembly ng mga growers... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
SMB frustrates Alaska, 109-
96 p. 2
TIBAY NG HANAY
p.5
Illegal fishing nakakasira sa
marine protected areas sa
Isla Verde p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 10
Pebrero 28- Marso 06, 2018
P6.00
De la Paz Pulot Itaas kaunaunahang
drug-free barangay sa lungsod
BATANGAS
CITY.
Idineklara ng Batangas
City Police ang De la
Paz Pulot Itaas bilang
kaunaunahang
drug-
free barangay sa lungsod
matapos itong sumunod sa
mga batayan na itinakda
ng
Dangerous
Drugs
Board (DDB) .
Ang Cetificate of
Drug- Cleared Barangay
ay iginawad kaninang
umaga (Februray 23) sa
De la Paz Pulot Itaas ni
Batangas City PNP Chief,
PSupt Wildemar Tiu, Idel
Perez, kinatawan ni Mayor
Beverley Dimacuha at
ilang miyembro ng PNP
Advisory Council.
Ang barangay ay
dumaan din sa clearing
process na isinagawa ng
Provincial at City Police
Station, at ng Philippine
Drug
Enforcement
Agency (PDEA) kung
saan may 27 drug
surrenderers dito noong
2016.
Ang mga ito ay
sumalim sa iba’t ibang
gawaing itinaguyod ng
PNP at PDEA upang
tulungan silang magbago
tulad
ng
community
service,
counseling
sa kanila at kanilang
pamilya,
at
spiritual
transformation activities.
sundan sa pahina 2
City government employees nag
seminar sa sexual harassment
NAGSAGAWA
ng
seminar tungkol sa Sexual
Harassment ang Human
Resource
Management
and
Development
Office(HRMDO)
para
sa mga empleyado ng
pamahalaang
lungsod
upang maging aware sila
na ang sexual harassment
sa workplace ay dapat
labanan
at
ireklamo
sapagkat may batas na
nagpoprotekta sa mga
nagiging biktima nito.
Ayon kay Aurea
Castillo, head ng HRMD
ng pamahalaang lungsod,
suportado
ni
Mayor
Beverley
Dimacuha
ang ganitong seminar
upang maiwasan ang
problemang
ito
na
nakakaapekto sa trabaho
at personal na buhay
ng isang empleyado.
“Kung maiiwasan ang
mga ganitong kaso, mas
makakapagbigay
ng
epektibong serbisyo ang
mga empleyado,” dagdag
pa ni Castillo.
Sinabi rin niya
na ang nasabing seminar
ay isa mga proyektong
pumapatak sa Gender
and
Development
(GAD)
budget
ng
lungsod at isinagawa
sundan sa pahina 2
Isusulong din ani Magsaysay na madagdagan ang social fund upang makapagbigay ng P1000 pension kada buwan
para sa lahat ng 60 taong gulang pataas na senior citizen kahit hindi nabibilang sa pamilyang higit na nangangailangan
maliban na lamang sa mga tumatanggap na ng pension.
BFP magdaraos ng fun run sa March 10
INAANYAYAHAN
ang
lahat na lumahok sa
“Takbo Laban sa Sunog”
fun run ng Bureau of Fire
Protection(BFP) sa March
10, 5:00 ng umaga sa SM
City Batangas parking area
bilang kick-off activity
sa pagdiriwang ng Fire
Prevention
Month
sa
Marso.
Ang pagdiriwang
ay may temang “Ligtas na
Pilipinas ang ating hangad,
pag-iingat sa sunog, sa
sarili ipatupad”.
Layunin ng fun run
na ito na mapalawak ang
kamalayan ng mga tao sa
kahalagahan ng pag-iingat
at pagiging ligtas sa sunog
bilang responsibilidad ng
bawat isa.
Sinabi ni Fire
Marshal Glenn Salazar
ng BFP Batangas City na
ang pag-iwas sa sunog
ay kailangang magsimula
sa pamilya na syang
“basic unit of society”
kung kayat kinakailangan
itong paigtingin sa loob
ng tahanan. “Kung ito
ay
makakasanayan
o
makakaugalian, madadala
ito kahit saan,” dagdag pa ni
Salazar.
Ang 5.2 km.- fun run
ay may registration fee na P
250.00 upang makalikom
ng pondo na gagamitin sa
improvement ng serbisyo ng
BFP. Mayroong kategorya
para sa matanda at bata
gayundin sa mga babae
at lalaki. Sixty percent ng
kikitain dito ay gagamitin
ng Provincial BFP upang
mapalakas ang pagresponde
nito sa sunog habang ang
Sundan sa pahina 3..
Isa na namang kilalang shopping
mall itatayo sa lungsod
Pinangunahan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang ground- breaking ceremony ng Walter Mart
shopping mall sa dating lugar ng National Lumber sa brgy. Calicanto.
BATANGAS
CITY-
Pinangunahan
nina
Congressman
Marvey
Mariño at Mayor Beverley
Dimacuha ang ground-
breaking ceremony ng
Walter Mart shopping
mall sa dating lugar
ng
National
Lumber
sa
brgy.
Calicanto.
Ito
ang
pang
24 na Walter Mart sa
bansa
at
pang-apat
naman sa lalawigan ng
Batangas, kung saan
mayroon nito sa Tanauan,
Balayan at Nasugbu.
Nakatakdang
magtayo pa ng branches
nito sa anim pang probinsya
sa bansa. Ang mall na
nakatakdang buksan sa
Mayo 2019 ay isang
3-storey building na may
multi-leveled parking area
na kayang maglaman ng
mahigit sa 200 sasakyan.
M a y r o o n
ditong Abenzon Home
Appliances,
Ace
Hardware, Home Plus at
Supermarket Ayon kay VP
and General Manager for
Walter Mart Community,
Jojo Guzman, mas inuna
nila ang konstruksyon ng
mall sa Batangas City kaysa
anim pang lalawigan dahil