Tambuling Batangas Publication February 27-March 05, 2019 Issue | Page 8

Wasteful yellow holiday... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 9 February 27-March 05, 2019 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Estudyante ng Scuola Maria, nasungkit ang Best Scout Senior Crew Leader BATANGAS CITY—“For God and for the better” ang panuntunan ng nahirang na Best Scout Senior Crew Leader sa 14th Batangas City Councilwide Jamborette at 44th Founding Anniversary na naganap sa El Sitio Filipino sa barangay Dumuclay, February 21. Siya ay ang 16 na taong gulang na si Vincent Paulo B. Macuha, Grade 10 student ng Scuola Maria. Kinilala siya sa kanyang leadership quality at mga natatanging nagawa sa scouting movement. Si Macuha ay nakatanggap ng scholarship at makakasama sa Philippine National Police Academy visit. Aniya, “worth it” lahat ng pagod niya at ng mga kasama niyang boy scouts. Elementary pa lamang ay boy scout na si Macuha, ngunit mas naging aktibo raw siya nang tumungtong siya ng Grade 8. Kwento niya, naging eagle scout din siya pagkatapos niyang makamit lahat ng merit badges na kinakailangan para maabot niya ang ranggong ito. Naging tuloy- tuloy na ang kanyang pagiging magandang ehemplo sa kapwa niyang mag-aaral. Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa scouting, ang pagiging “tunay na disiplinado” ang kanyang sinagot. Lagi ring nasa puso at isipan niya ang sinasabing ang boy scout ay laging handa. Inaasahan niya na ang Jamborette ngayong taon ay maging isang “stepping stone” ng mga nagsisimula pa lamang at nag-aasam na maging magaling na scout. Mahalaga ang Jamborette para sa kaniya dahil dito masusukat ang galing ng mga scouts. (Danica Muñoz, OJT/PIO Batangas) Vincent Paulo B. Macuha, Grade 10 student ng Scuola Maria Mayor Dimacuha at Pamilyang ligtas sa sunog palakasin Cong. Mariño nagdala - BFP sa pagdiriwang ng Fire ng tulong sa mga Prevention Month nasunugan BUMISITA at nagbigay ng karagdagang tulong sina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha sa 13 pamilyang nasunugan sa Sitio Talon, barangay Kumintang Ilaya noong February 27, 3:00 ng hapon kasunod ng agarang pagtalima ng City Social Welfare and Development Office (CDWSO) at the City Disaster Risk Reductipn and Management Office (CDRRMO). Bukod sa food assistance, tents na matutulugan at iba pang gamit na kaagad ay dinala ng CSWDO at CDRRMO ay ipinamahagi nina Mayor at Congressman ang mga rechargeable electric fans na may ilaw para magamit ng mga biktima sa kanilang mga tents. Namahagi rin ng mga tsinelas, kumot, pinggan, kutsara, tinidor, mga gamit sa pagluluto kagaya ng kaldero , kawali at iba pa. Hiniling nila sa mga barangay officials, CSWDO, CDRRMO at City Engineers Office (CEO) na magkaroon ng koordinasyon para sa iba pang assistance na maaring ipagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa mga biktima kagaya ng mga constructions materials o supplies. Inatasan rin nila ang mga nabanggit na ahensya na bilisan ang pagpo-proseso ng mga kinakailangang dokumento para matulungan ang mga nasunugan na mapabilis ang pagpapagawa ng kanilang bahay. Nagsagawa ng assessment interview sa mga biktima ang CSWDO at nagtalaga ito ng day care worker para magsagawa ng child development session araw-araw habang hindi pa nakakapasok sa eskwelahan ang mga bata. Nag inspeksyon naman ang CEO para sa pagsasaayos ng lugar at pagtatayuan ng pansamantalang palikuran. Nagsagawa rin ng medical check-up ang health workers ng City Health Office (CEO). Naghatid din ng tulong sa mga apektadong pamilya si Konsehal Aileen Montalbo. “LIGTAS Na Pilipinas ating kamtin, bawat pamilya ay sanayin, kaalaman sa sunog ay palawakin”. Ito ang tema ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag obserba ng Fire Protection Month ngayong Marso na pagpasok ng tag-init kung saan tumataas ang bilang ng mga sunog. Ayon kay Batangas City Fire Marshal Elaine Evagelista, ang pamilya bilang basic unit of society ang nangungunang dapat magkaroon ng kamalayan at kaalaman sa pagiging ligtas ng tahanan sa sunog. Ito ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation kung saan ang barangay Libjo ang magiging pilot barangay. Bilang kick-off activity, nagkaroon ng motorcade noong March 1, kung saan lumahok ang humigit kumulang sa 50 establisyimento, industriya, ospital, paaralan at mga ahensya sa lungsod. Ilan ding fire safety awareness campaign ang isasagawa ng City BFP kagaya ng “Grand Zumba” sa March 3, sa ganap na alas 5:00 ng umaga sa Provincial Sports Complex, na lalahukan ng mga BFP personnel mula sa ibat-ibang sangay sa rehiyon. Iniimbitahan ang lahat na lumahok sa gawaing ito. Ang zumba dancing ay isa ring fund- raising project kung saan ang proceeds nito ay gagamitin para sa improvement ng serbisyo ng BFP partikular sa pagbili ng mga karagdagang kagamitan. Ngayong Marso din nakatakdang magsagawa ng Urban Fire Olympics kung saan magsasama sama ang mga volunteer fire brigades ng mga barangay at industriya upang mahasa sa ibat-ibang fire- fighting skills at drills. Inaasahan nila ang paglahok ng mga senior high schools sa naturang gawain. Magkakaroon din ng Junior Fire Marshall Camp sa pakikipagtuwang sa University of Batangas. Isang exhibit naman ang makikita sa kanilang tanggapan kung saan mayroong fire and disaster prevention and simulation center. Mayroong smoke evacuation simulation corner upang malaman ang dapat gawin kapag may sunog. Tampok din dito ang ibat-ibang fire and rescue equipment. Ito ay bukas sa publiko at tinatagubilinan naman ang mga paaralan na magpa schedule ng pagbisita dito. Una rito ay nagdaos ng patimpalak ang BFP Batangas City para sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elemntarya at high school noong February 26 kaugnay pa din ng Sundan sa pahina 2..