Tambuling Batangas Publication February 27-March 05, 2019 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Overcoming thyroid gland diseases ... p.5 Halos 2,000 runners lumahok sa PATIKARUN 2019 p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Pukpuklo seaweed, an anti-cancer agent we need p. 5 Bagong ordinansa pinaparelocate ang mga poste sa kalsada p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 9 February 27-March 05, 2019 P6.00 Armas isinuko ng city government sa pulis alinsunod sa gun ban BATANGAS CITY- May 62 ibat- ibang klase ng baril kasama na ang 12 units na nacondemned na ang pansamantalang isinurender ng city government sa Batangas City Police, February 22, sa Batangas City Warehouse kaugnay ng gun ban na ipnatutupad ng Comelec ngayong campaign period at upang ma check na rin kung maayos pa ang mga ito kasama na ang kanilang mga lisensya at iba pang dokumento. . Ang mga baril na nabanggit ay yuong naka isyu sa City Mayor’s Office, Office of the City Veterinary and Agricultural Services, Defense and Security Services at City Market Office na nasa pangalan ni Mayor Beverly Dimacuha at Joyce Cantre, hepe ng General Services Department. Ayon kay P/SUPT. Sancho Celedio, hepe ng Batangas City PNP, ang mga isinurender na baril ay pansamantalang nasa pangangalaga ng Batangas City Police habang inaayos ang mga kaukulang dokumento nito. Ang mga condemned na baril naman ay dadalhin sa crime lab para sa ballistic exam upang tingnan kung ito ay may ka match sa anumang record na sangkot sa krimen, kung wala namang record ay isusuko ang mga baril sa firearm & explosive unit for deletion and destruction. Sinabi naman ni General Services Department Officer Joyce Cantre na ilan sa mga baril Sundan sa pahina 2.. Batangueño student kinilala sa kanyang artikulo sa climate change GINAWARAN ng pagkilala ng Sangguniang Panglungsod sa session nito, February 26, ang estudyante ng isang unibersidad sa Batangas City sa karangalang kaniyang natanggap bilang Best Position Paper Awardee dahilan sa kanyang tinalakay sa paglaban sa climate change sa isang international forum- ang Asia World Model United Nations (AWMUN) na ginanap sa Bangkok, Thailand kamakailan. Sa pamamagitan ng resolusyon na akda ni Konsehal Nestor Dimacuha, binigyan ng certificate of recognition si Deignielle Bert D. Arellano, BS Medical Laboratory student ng Lyceum of the Philippines University Batangas Sa 1,300 delegado mula sa buong mundo, napili bilang Best Position Paper ang ginawa ni Arellano. Ayon sa resolusyon, tinalakay sa kaniyang position paper ang mga issues ng climate change na isang napapanahong usapin. Inihayag ni Arellano na ang paglaban sa climate change ay isang tuloy-tuloy na tungkulin at obligasyon ng lahat. Ito ay 62 ibat-ibang klase ng baril kasama na ang 12 units na nacondemned na ang pansamantalang isinurender ng city government sa Batangas City Police EBD Health Card awtomatiko na ang renewal MAY upgraded features ang bagong EBD Health card ID kung saan awtomatiko na ang renewal nito upang hindi na kailangang i-renew ng cardholder taun-taon at magamit nang tuloy- tuloy ang mga benepisyo nito. Ang bagong EBD Health card ID ay gawa sa PVC type-laminated ID na mas matibay, hindi natutupi at hindi rin nababasa. Ito ay may QR code na naglalaman ng personal information ng isang cardholder kagaya ng pangalan, address, dependents ng card at iba. Ito ay madaling ma-check ng mga accredited hospitals at maging ng mismong cardholders gamit ang cellphones. Ito ay bahagi pa rin ng pagpapa-unlad ng serbisyo ng EBD Health Card Program at mapaalwan ang proseso ng paggamit ng card para sa mga cardholders. Ayon kay City Health Officer Rosanna Barrion, wala ng expiry ang EBD Health card, matitigil lamang ang gamit ng card kung ito ay ibabalik ng isang cardholder dahil naging maganda ang estado ng kanilang buhay tulad halimbawa kung nakapag abroad ang cardholder o ang miyembro ng pamilya at nagkaroon ng magandang kita. Muling ipinaalala ni Barrion ang ilang alintuntunin sa mas pinalawak na programa ng EBD Health Card na sinimulang ipinatupad noong 2017. Ang mga pagpapa check up ng emergency cases lamang tulad ng asthma, high blood at iba pang karamdamang nangangailangan ng agarang lunas ang covered ng card. “Kung hindi naman po emergency cases ay maari po kayong magpa konsulta sa mga doktor sa City Health Office (CHO), libre po Sundan sa pahina 2.. Resorts iniinspeksyon kung ligtas at tumutupad sa business permit requirements Business Permit and Licensing Office (BPLO ) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) team. NAGSASAGAWA ngayon ng inspection ng mga resorts sa Batangas City ang teams ng Business Permit and Licensing Office (BPLO ) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang ma check kung ang mga ito ay sumusunod sa mga kondisyong nakasaad sa kanilang business permit at safety requirements sa kanilang operasyon. Tinitingnan ng BPLO ang business permit ng mga resort, maging ang pasilidad nito kagaya ng bilang ng swimming pool, cottages, restaurants at iba pang amenities upang matiyak na ang permit nito ay naaayon sa serbisyong kanilang ipinagkakaloob. Ininspeksyon naman ng CDRRMO kung may kaukulang rescue at safety equipment ang mga resort kagaya ng fire extinguisher, first aid kit, boya, at trained and certified life guard kung saan ang bilang ng mga ito ay depende sa laki o lawak ng resort at mga pasilidad nito. Ayon kay CDRRM Officer Rod dela Roca, taun taon Sundan sa pahina 3..