Tambuling Batangas Publication February 20-26, 2019 Issue | Page 8

Damned Dengvaxia lies... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 8 February 20-26, 2019 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Showcasing Rich Batangas as Investment Haven NAKATAKDANG magtungo sa United States of America si Batangas Governor Dodo Mandanas upang maging Tagapagsalita at Bisitang Pandangal sa “Trade and Investment Forum” na gaganapin sa Los Angeles, California sa ika- 18 ng Pebrero 2019 at sa Houston, Texas sa ika-22 ng Pebrero 2019. Ayon sa forum organizer na Asian Journal Publications, isang Filipino-American Community newspaper, napili nilang anyayahan si Gov. Mandanas sa pagtitipon upang personal niyang maibahagi ang development program ng pamahalaan, partikular sa larangan ng imprastraktura, upang makahikayat ng mga mamumuhunan. Layunin ng Forum na maitanghal ang investment and trade opportunities sa Pilipinas, kabilang ang sa Lalawigan ng Batangas. Photo: JJ Pascua / Batangas Capitol PIO Basura at pangangalaga sa karagatan tinututukan sa Isla Verde HINDI naging mahirap ang pagpapatupad ng ecological solid waste management sa Isla Verde kayat madali silang nakatalima sa pagtatayo ng Materials Recovery Facility (MRF) at pagkakaroon ng compost pit sa bawat sitio. Ito ang iniulat ng mga pangulo ng anim na barangay sa Isla Verde sa isinagawang General Assembly na ipinatawag ng Batangas City Solid Waste Management Board, February 15, sa San Agapito bilang assessment at evaluation ng resulta ng information/education drive na isinagawa ng Solid Baybay Cluster ng KA-BRAD o Katuwang ng Barangay: Responsable, Aktibo, Disiplinado. Inilahad ng mga punong barangay ng San Agustin Kanluran, San Agustin Silangan, Liponpon, San Andres, San Antonio at San Agapito ang mga programang kanilang sinimulang ipatupad kaugnay ng istriktong implementasyon ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at Environment Code (E-code) of Batangas City. Naiisagawa nila ang waste segregation sa kanilang MRF at ginagawang organic fertilizer naman ang mga nabubulok na basura na itinatapon sa compost pit. Personal na ginastusan ng mga barangay officials ang pagpapatayo ng kanilang MRF upang maging madali ang pagtalima sa batas. Binigyang diin ng mga punong barangay na bukod sa pangangasiwa ng basura, tinututukan din nila ang pangangalalaga at proteksyon sa mayamang marine resources ng Isla Verde, kagaya ng tama at ligal na paraan hg pangingisda, hindi pangingisda sa mga marine protected areas, regular na paglilinis ng karagatan at baybayin nito at iba pa. Nagsimula ang Information and Education Campaign (IEC) ng Ka-Brad coordinators sa Isla Verde noong Nobyembre 2018. Kasunod nito ay ang monitoring sa anim na barangay. Nakatakdang magsagawa muli ng monitoring at evaluation sa Isla ang Ka-BRAD coordinators sa Abril ng taong ito. (PIO Batangas City) Batangas Governor Dodo Mandanas Photo: JJ Pascua / Batangas Capitol PIO Free Spaying and Neutering Program patuloy na isinasagawa sa buong Lalawigan ng Batangas SA layuning magkaroon ng isang Rabies Free Philippines sa taong 2020, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV), ay patuloy na nagsasagawa ng mga programa na tumutugon sa mithiing mapigilan at tuluyang matuldukan ang kaso ng rabies sa lalawigan. Kaugnay nito, ang programang free spaying and neutering o libreng pagkakapon at paglalaygit sa mga alagang hayop, tulad ng aso at pusa, ang isa sa mga ginagawang aksiyon ng OPV upang tuluyang mawala ang nakakamamatay na rabies. Ang programa ay isang proseso ng operasyon kung saan ang testicles ng lalaki (neutering) at obaryo ng babae (spaying) ay tinatanggal. Sa pamamagitan nito, makokontrol ang pagdami ng populasyon ng mga galang aso o pusa sa mga lansangan. Sa ulat ni Dr. Romelito Marasigan, Provincial Veterinarian, noong ika-21 ng Enero 2019, ipinahayag niya base sa Biological Theoretical Maximum Reproduction ng mga aso at pusa, ang mahigit dalawang libong populasyon ng pusa at mahigit tatlong libo sa aso, sa loob ng anim na taon, ay maaaring lumobo sa labindalawa hanggang labinlimang milyon kung pababayaan lamang ang mga ito sa kanilang natural na kalagayan. Ayon naman sa huling datos ng tanggapan, nakapagtala na ito ngayong taon, mula ika-28 ng Enero hanggang ika-11 ng Pebrero, ng dalawampung mga alagang hayop na sumailalim sa free spaying and neutering. Ang mga ito ay nagmula sa Lungsod ng Batangas at mga bayan ng Mataas na Kahoy, San Pascual, San Jose, Rosario at Cuenca. Bukod sa tuloy-tuloy na pagtungo ng mga kawani ng Office of the Provincial Veterinarian sa iba’t-ibang barangay sa buong probinsya, tumatanggap din ang OPV sa mismong tanggapan nito sa may Bolbok, Batangas City, tuwing araw ng Lunes, ng mga walk-in clients na nagnanais na ipakapon at ipalaygit ang kanilang mga alagang hayop. – Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Para makontrol ang populasyon ng aso at pusa sa lalawigan. Patuloy na nagsasagawa ang mga kawani ng Office of the Provincial Veterinarian, sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, ng libreng spaying and neutering sa mga alagang hayop tulad ng aso at pusa, sa iba’t-ibang bayan ng Lalawigan ng Batangas. ? Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo: Batangas OPV