Tambuling Batangas Publication February 14-20, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. PAGHARANG SA TRAIN... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Ilang mga paaralan sa Batangas City lumahok sa Pasinaya Festival p. 2 OWWA’s Balik–Pinas, BalikHanapbuhay assists distressed OFWs to start over p.5 Jewelry shop nanakawan sa pamamagitan ng paghuhukay ng underground manhole p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 08 Pebrero 14-20, 2018 P6.00 Batangas City Tanduay Athletics win over Bataan Defenders in 2nd game of the MPBL Anta Rajah Cup NAVOTAS and Batangas claimed back-to-back victories Saturday night against their respective rivals for a share of the lead in the Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup at the Batangas City Coliseum. The Athletics rode on their third quarter explosion to dictate the tempo of the match and turn back Gary David- led Defenders, 88-73, to the delight of their home crowd. Batangas turned a tight 37-36 contest at halftime into an 11-point advantage heading into the payoff period thanks to a 29-point third quarter spurt for their second win in as many outings. The Athletics had seven players in double figures with Val Acuna scoring 13 points to lead the home team. Adrian Santos, Moncrief Rogado and Paul Varilla had 11 each while Jhaymo Eguilos finished with a double-double with 10 points and 11 rebounds while Lester Alvarez and Teytey Teodoro each chipped in with 10 sundan sa pahina 2 Mas magandang serbisyo ng EBD health card tinalakay NAGKAROON ng pakikipagpulong ang EBD Health Card Program committee sa mga katuwang na ospital nito noong February 6 upang talakayin ang mga bagong benepisyo ng programa at mga issues at concerns sa mga partner hospitals upang higit na maisaayos ang serbisyong medikal na ipinagkakaloob sa mga cardholders. Ayon kay City Health Officer Dr. Rosanna Barrion, ang bagong benepisyo ng city health card para sa holder nito ay babayaran na rin ang gastos ng pasyente kung siya ay gagamutin sa emergency room (ER) ng ospital ng hindi ng kailangang i-confine. Sasagutin din ng programa ang gastos sa CT Scan, 2D Echo, EEG, MRI o anumang procedure na kailangang gawin bago i-confine ang pasyente, kailangan lamang na kumuha muna ng referral o approval sa City Health Office (CHO). Tiniyak naman ng mga opisyal ng mga ospital na bibigyang aksyon ang reklamo ng ilang pasyente ukol sa mga supladang mga nurses at hospital staff. sundan sa pahina 2 The Athletics rode on their third quarter explosion to dictate the tempo of the match and turn back Gary David- led Defenders, 88-73, to the delight of their home crowd. Police outpost sa Isla Verde itinalaga NAGLAGAY ng police outpost ang Batangas City PNP sa Isla Verde para sa seguridad ng anim na barangay dito at upang maging mas mabilis ang pagresponde sa anumang peace and order problem. Ayon kay Batangas City PNP Chief PSupt Wildemar Tiu, ang tatlong pulis na itinalaga dito ay magpapatrolya sa mga barangay ng Isla Verde at magru ruta din sa mga paaralan. “Maganda na may nakikitang mga pulis ang mga residente dito, partikular ay ang mga kabataan para maiwasan silang gumawa ng di maganda,” sabi ni Tiu. Idinagdag pa niya na layunin ng city PNP na palakasin at pagtibayin ang mga programa nila at maiparating sa Isla Verde ang lahat ng proyektong ipinatutupad ng kapulisan sa bayan. “Sila ang extension ng himpilan ng pulisya sa bayan, kaya’t sana ay maipaalam nyo sa kanila lahat ng inyong concerns,” ayon pa rin sa hepe. Aniya, nakipag ugnayan na rin sila sa mga non- government organizations para sa mga tulong na posibleng maibigay ng mga ito, tulad ng tubig at iba pa. N a k i k i p a g ugnayan na rin siya sa mga brgy. chairmen ng Isla Verde para sa Sundan sa pahina 3.. Ginagawang city library modernong pasilidad Nasa 30-40% na ang konstruksyon ng 1st phase nito na inaasahang matatapos sa taong ito. Tinatayang matatapos ang kabuuan ng proyekto sa susunod na taon. Ang proyektong ito ay isa sa mga partnership projects nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha. KAPAG natapos na ang konstruksyon ng City Public Library and Information Center, isang modernong disenyo ng gusali at mga pasilidad ang magbibigay ng magandang serbisyo sa mga estudyante at iba pang library users na pupunta rito. Ang library na ito ay may tatlong palapag at open roof deck. Sa first floor nito ay magkakaroon ng lobby at commercial spaces. Ang 2nd at 3rd floors ang library area, kung saan sa 2nd floor magiging ay mayroon ding exhibit hall, nursery at children section, discussion rooms, hub tech for education kung saan may mga computers dito para malaman o maka access sa mga government services (e-government services), tanggapan ng city librarian at pantry. Sa 3rd floor naman ay ang study area, audio- visual room at electronic library na maglalaman ng 18 computers na magagamit para sa mas mabilis na pagsasaklisik at pag- aaral ng mga estudyante sundan sa pahina 2