Tambuling Batangas Publication February 13-19, 2019 Issue | Page 8

No rest for the weary... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 7 February 13-19, 2019 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com 80 indibidwal tumanggap ng cattle fattening projects MAY 80 beneficiaries ang tumanggap ng cattle fattening project mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas bilang bahagi ng livelihood program sa mga rural barangay. Ang mga beneficiaries ay mula sa siyam na barangay tulad ng Banaba Center, Haligue Kanluran, Maapaz, Malibayo, Paharang Kanluran, Soro-soro Ibaba, Soro-soro Karsada, Sto. Domingo at Tulo. Sila ay pinili base sa isinagawang background investigation ng City Planning and Development Office (CPDO) kung saan ilan sa naging batayan ay ang lugar na pag-aalagaan ng baka, kaalaman sa pag-aalaga at kakayanang sa magbayad. May laang P25,000.00 ang bawat beneficiary para sa pambili ng baka na kanilang mapipili. Sasamahan sila ng kawani ng CPDO sa pagbili ng baka sa susunod na linggo. Ang pahiram na halaga ay babayaran sa loob ng 3 taon na walang interest. Sumailalim sa orientation-seminar ng cattle fattening project ang mga beneficiaries kasama ang kanilang mga co-makers sa Colegio ng lungsod Batangas (CLB) audio-visual room, February 8. Ang orientation ay isinagawa ng CPDO at Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) na silang nangangasiwa ng proyekto. Dumalo dito si Mayor Beverley Dimacuha kasama ang Team EBD. Ang cattle fattening project ay isa sa sustainable projects ng pamahalaang lungsod na sinimulan ni Mayor Eddie Dimacuha noong 1988 at ipinagpapatuloy ni Mayor Beverley Dimacuha. Sa loob ng 31 taon ng implementasyo nito ay may 2,300 baka na ang naipamahagi ng proyektong ito. (PIO Batangas City) PDIC, magdaraos ng public bidding By Ruel Orinday LUCENA CITY, Quezon, (PIA) - Magdaraos ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ng isang public bidding sa Marso 1, 2019 sa 9th floor ng PDIC training room sa SSS building, Ayala Avenue corner Rufino Street, Makati City. Inaanyayahan ng ahensya ang lahat ng mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon at karatig lugar na interesadong bumili ng mga ari-arian mula sa iba’t-ibang nagsarang bangko na lumahok sa gaganaping public bidding. Sa idinaos na ‘Kapihan sa PIA sa Pacific Mall’ sa Lucena City noong Pebrero 12, sinabi nina Atty. Saddy Rillorta, OIC ng Institutional Relations Department at Ma. Roselle Luz Flores ng PDIC na may 66 na ari-arian ang pwedeng i-bid sa nasabing public bidding. “Sa residential at commercial lot, pito ang nasa lalawigan ng Batangas, isa sa Laguna, 10 sa Metro, 13 sa Palawan, 13 sa Quezon at 6 naman sa lalawigan ng Rizal ang kasama sa public bidding,” sabi pa ni Flores. Kabilang din sa ibi-bidding ang ilang mga kagamitan kagaya ng motor vehicles, generator set at air conditioning unit na nasa lalawigan ng Batangas, Cagayan, Iloilo, Metro Manila, Negros Occidental, Pangasinan at Lalawigan ng Quezon. Ang bawa’t bidder ay bibigyan ng isang white envelop at brown envelope kung saaan dapat iagay sa white envelope ang na fill-up na bid form samantalang sa brown envelope naman ilalagay ang bid deposit na katumbas ng 10 porsyento ng kabuoang halaga ng isinumiteng bid para sa isang property. Ang public bidding ay magsisimula sa ganap na ika 9:00 ng umaga hanggang ika- 1:45 ng hapon. Para sa iba pang mga katanungan ukol sa bidding ng property at iba pang mga dokumentong dapat ihanda , maaaring bisitahin ang website ng PDIC sa www.pdic.gov.ph. (Ruel Orinday, PIA Quezon) Team EBD Cancer pangalawa sa nakamamatay na sakit CANCER ang ikalawa sa 10 nangungunang dahilan ng mortality o kamatayan sa Batangas City at upang matugunan ito, nagkakaloob ang City Health Office (CHO) ng mga serbisyo upang maiwasan o magamot agad ang sakit na ito partikular sa mga kababaihan. Kabilang sa mga screening procedures para sa cancer detection na ginagawa sa mga rural health units sa ilalim ng Cancer Control and Prevention Program ng CHO ay ang visual inspection with acetic acid (VIA), papsmear at breast examination. Noong October at November 2018, nagsagawa ang CHO ng lecture sa breast cancer awareness sa isang samahan ng mga kababaihan- ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), upang mabigyan sila ng kaalaman sa early detection at prevention ng breast cancer na nangungunang uri ng cancer sa mga kababaihan . Sumailalim din sila sa papsmear at breast examination. Nagsagawa rin noong isang taon ng orientation ang CHO sa may walong public elementary schools tungkol sa immunization sa cervical cancer. Ang mga paaralang ito ay ang Batangas City East Elem. School, Batangas City South E/S, Alangilan E/S, Kumintang Ilaya E/S, Libjo E/S, Sta. Rita E/S, Bolbok E/S at Julian A. Pastor Memorial E/S. Ayon sa CHO, sila ay nagbibigay ng libreng bakuna laban sa cervical cancer sa mga Grade 4 students na edad 9-13 taong gulang sa mga public elementary schools. Ang bakuna ay ibinibigay sa dalawang doses sa isang taon na ang ikalawang dose ay sa ika anim na buwan. Samantala, iniulat ng CHO na ang siyam pang nangungunang dahilan ng mortality sa Batangas City noong 2018 ay ang ischemic heart diseases, pneumonia, cardiovascular diseases, other forms of heart diseases, hypertensive cardiovascular disease, diabetes mellitus, glomerular or kidney diseases, accidents at chronic lower respiratory diseases.