Tambuling Batangas Publication February 13-19, 2019 Issue

Tatag at dedikasyon, susi sa pag-unlad ng isang nangarap magtagumpay ... p.5 LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Pasinaya ng CCP nilahukan ng mga Batangas City artists.p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) KWF PHP600,000 Grant sa Lingguwistikong Etnograpiya: Itanghal ang katutubong wika mo! p. 5 Yellow corn sufficiency program patuloy ang paglago p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLII No. 7 February 13-19, 2019 P6.00 SSS nagpapautang sa mga pensyonado sa mababang interes BATANGAS CITY-Sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS), maaari kayong mangutang sa SSS kung bigla kayong mangailangan ng pera at ito ay mababayaran ninyo sa mababang interes. Sa naging panayam ng local radio program na PIO ang Lingkod Nyo sa 95.9 ALFM Radyo Totoo kay Jessica Agbay, branch head ng SSS Batangas, sinabi niya na ang Pension Loan Program (PLP) na inilunsad ng SSS noong September 2018 ay nagpapautang sa mga kuwalipikadong retired pensioners. Ito ay bilang tulong ng ahensya sa mga pensyonado upang hindi na sila mangutang sa mga lending agencies na mataas ang sinisingil na interest. Ang pinakamalaking halaga na pwedeng utangin sa PLP ay P32,000 at ito ay pwedeng bayaran ng automatic deduction sa pension sa loob ng tatlo hanggang anim o 12 buwan depende sa kakayahan ng pensioner na magbayad. Ayon pa rin kay Agbay mas marami ng retirado ang magkakaroon ng pribilehiyo na makapag loan dahil may 170 na sangay ng SSS ang tumatanggap na ng aplikasyon para sa PLP simula pa noong Oktubre 8, 2018. Sakop ng programa ito ang mga retired pensioners na 80 taon Sundan sa pahina 2.. Proyektong patubig, pinasinayaan sa lungsod ng Batangas By Mamerta De Castro PINASINAYAAN ang ikatlong proyektong patubig sa Brgy. Catandala sa lungsod na ito kamakailan. May 175 kabahayan ang inaasahang makikinabang sa naturang proyekto na nagkakahalaga ng P5.2M at naglalaman ng 8,000 galon ng tubig. Layon nitong matugunan ang pangangailangan sa tubig ng mga residente lalo na ang mga may-ari ng babuyan na siyang pangunahing pinagkikitaan ng mga residente ng naturang barangay. Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, may kabuoang 70 waterworks project na ang naipatupad sa may 52 barangay mula noong 1988 nang ipatupad ito ng pamahalaang lungsod. Sa mensahe ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, sinabi nito na dapat ay maisaayos ang pamamahala ng proyekto upang mas matagal na mapakinabangan ng mga benepisaryo nito. “Ang akin pong tanging pakiusap ay pakamahalin ninyo ang proyektong ito at pangalagaan sana ang kapaligiran Sundan sa pahina 2.. local radio program na PIO ang Lingkod Nyo sa 95.9 ALFM Radyo Totoo kay Jessica Agbay DENR-PENRO Quezon to implement garden competition in Lucena City By Ruel Orinday (PIA)- The Department of Environment and Natural Resources-Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR- PENRO) Quezon will soon implement a garden competition in Lucena City. This initiative is in partnership with the Lucena City Homeowners’ Association and City Government of Lucena and will be implemented in line with the ‘Tayo ang Kalikasan’ (TAK) program of the DENR which aims to protect the environment. Galo Martinez, Chief of the Management Services Division of DENR-PENRO Quezon disclosed that prior to the full implementation of the project in the middle part of 2019, a memorandum of Agreement (MOA), which will be the basis and guide in the implementation, is being finalized by their office. Martinez was interviewed during the “Balikatan Unlimited with PIA” aired over DWLC-Radyo Pilipinas Lucena City on January 17. He urged local residents, associations such as people’s organization, and other groups in Lucena City and Quezon province to join and support the garden competition program. “The criteria for judging is also being finalized where winners in different categories such as group and individual category will be receiving a cash award or project,” Galo said. This will also generate jobs and develop new entrepreneurs, improve aesthetic value of surroundings, promote garden tourism, and distribute economic and livelihood opportunities, he added. According to DENR- PENRO Quezon, the garden completion with fabulous awards is a component of SRAC for cleaner environment which will start in July 2019. The competition will focus on exhibition of ornamental plants mixed with herbs and vegetables arranged in a manner that will Sundan sa pahina 2.. Paglilinis ng karagatan regular na gawain na sa 13 coastal barangay Mayor Beverley Dimacuha sa isinagawang education/information campaign ng cluster teams ng mga city government employees na tinatawag na KA- BRAD o Katuwang ang Barangay Responsable, Aktibo, Disiplinado ANG regular na paglilinis ng kanilang karagatan ang isa sa mga naging positibong pagbabago sa may 13 coastal barangay sa Batangas City bunga ng isinagawang education/ information campaign ng cluster teams ng mga city government employees na tinatawag na KA-BRAD o Katuwang ang Barangay Responsable, Aktibo, Disiplinado. Iprenisenta ng 13 coastal barangay ang kanilang mga programa at gawain kaugnay ng istriktong implementasyon ng RA 9003 o Solid Waste Management Act of 2000 sa Solid Baybay Cluster General Assembly noong February 7, sa barangay Ilijan. Sa pamamagitan ng audio visual presentation (AVP) ay iniulat ng mga punong barangay at barangay leaders ang naging pagsisikap nila at ng mga residente para maisaayos ang solid waste management ng kanilang barangay at ang malaking pagbabago nito Sundan sa pahina 3..