Tambuling Batangas Publication February 07-13, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
Pebrero 07-13, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Crowdsourcing
Cha-cha
LISTEN to what the people have to say.
That’s what Senate President Pro
Tempore Ralph Recto suggests to the
members of the consultative committee
created by President Rodrigo Duterte to
revise 1987 Constitution.
It’s a sound suggestion. That view
had earlier been aired by former Senate
President Aquilino Pimentel Jr., who said
that the people should be actively involved
in the entire Charter change process, and
not just when they cast their vote during a
referendum-plebiscite to approve a draft
constitution.
The fundamental law, after all, is the
framework that governs the affairs of the
nation for many years and even decades to
come, as it lays down the basic principles
and the structure that the government
must follow as well as the rights and
responsibilities of the citizenry.
Drawing the widest possible
participation by the people in Cha-cha
guarantees that the citizenry will be
sufficiently educated on how government
works, and more important, that they
themselves realize that they have a stake
in the future of this nation.
Teo S. Marasigan
Magkano ang Buhay ng Aktibista?
HINDI NA maikakailang
pambansa, sistematiko at
tuluy-tuloy ang pamamaslang
sa mga aktibista sa ilalim ng
rehimen ni Gloria Macapagal-
Arroyo. Sinasabing kulang-
kulang anim na daang (600)
aktibista – kasapi at lider
ng mga organisasyon, taong
simbahan, abogado at iba
pa – ang pinaslang simula
noong 2001. Kadalasang ang
gumagawa ay iilang armado
– tinatawag na ngang “death
squads” – na may tiyak na
impormasyon kung nasaan
ang kanilang target. Para sa
mga sumusubaybay sa isyu,
usap-usapan na kung sino
ang huling pinatay kanina,
kahapon, noong isang araw o
linggo, at saan.
Taliwas sa naunang
akusasyon
ng
gobyerno,
partikular ni National Security
Adviser
Sec.
Norberto
Gonzales, ang mga layuning
mababakas sa mga pagpatay
ay nagtuturong ang gobyerno
ang nasa likod nito, hindi
ang Kaliwa o ang Partido
Komunista ng Pilipinas. Sa
publiko, naghahasik ng takot
ang pamamaslang – para
huwag sumali o tumulong sa
mga aktibistang organisasyong
kinabilangan ng mga pinatay.
Sa organisasyon ng mga
aktibista, nanggugulo ang
pamamaslang,
bagamat
maaaring panandalian lamang.
Sa ganitong mga paraan din
tinatamaan ang kilusan para sa
pagpapatalsik kay Arroyo.
“Internal
na
pagpupurga” ang tawag ni
Gonzales sa akusasyon niyang
ang PKP, sa pasimuno ni Jose
Ma. Sison, ang gumagawa ng
pamamaslang. Pinagdugtong
niya ang bansag na “terorista”
kay Sison at ang pagpatay ng
PKP sa mga kasapi nito noong
unang bahagi ng dekada
1980. Pero hindi PKP, o mga
aktibistang
organisasyon,
ang makikinabang sa mga
layuning nasa itaas. Bukod
pa rito, sinumang nag-aral
ng kasaysayan ng PKP ang
makakapagsabing puspusang
tinuligsa ng PKP mismo ang
pagkakamali nito. Noong
rumaragasa ang trahedyang
ito, si Sison ay nasa bartolina.
Sa
ganitong
pagtingin,
malaking
kasinungalingan
at tusong pakana ng rehimen
ang pagsasabing ang PKP o
mga aktibistang organisasyon
ang salarin sa mga pagpatay.
Gayundin ang pagsasabing
ang
mga
anti-Arroyong
elemento sa militar – na
diumano’y
nakipag-alyado
sa Kaliwa para patalsikin
si Arroyo – ang nasa likod
ng pamamaslang. Gustong
sagarin ng rehimen ang
pakinabang sa pamamaslang at
pasamain sa opinyong publiko
– at sa gayon ay ihiwalay
para lalong birahin – ang
nangungunang mga kalaban
nito. Pero hindi niyayakap
ng opinyong publiko ang
ganitong mga paningin.
Kaya
grabeng
kasamaan ang ipinakita ng
rehimen sa pagpatay kay
Sotero Llamas. May partikular
na motibo ang pagpatay
sa kanya: Ang palabasing
totoo ang kasinungalingan
ng rehimen. Paano, kilala
si Llamas na dating lider
ng PKP na nitong huli ay
tumakbong
gobernador
ng Albay – na, sa mata ng
publiko, ay pagdistansya sa
PKP. Sa pagpatay kay Llamas,
gustong palabasin ng rehimen
na pinapatay ng PKP ang mga
lumalayo rito, na hindi nito
matanggap ang pagsalungat
ng opinyon, na wala itong
sinasanto, at – sang-ayon sa
akusasyon ng rehimen – gusto
nitong patayin si Arroyo at iba
pang pulitiko.
Grabeng
kasamaan
ito.
Hindi
pagtigil
sa
pamamaslang ang naging
tugon ng rehimen sa paglakas
ng opinyong publiko laban
dito, kundi pagsasamantala at
pagsisinungaling: Pagbira sa
kalaban, at pagsasabing ang
mga biktimang organisasyon
ang salarin. Para bigyan ng
buhay ng katotohanan ang
kasinungalingan, pinag-alayan
ito ng bagong dugo. Malaon
nang ipinakita ng rehimen
na wala itong pagpapahalaga
sa katotohanan. Ngayon,
ipinapakita rin nitong wala
itong anumang pagpapahalaga
sa buhay. Tanging interes na
magkapit-tuko sa yaman at
kapangyarihan ang nananaig
dito ngayon.
Sa duwag at patraydor
na pagpatay ng rehimen,
gayunman, lumulutang ang
matapang at prinsipyadong
buhay ng mga pinatay.
Karaniwang tao silang inilaan
ang buhay, lakas at talino
para sa hindi karaniwang
pagbabagong kailangan ng
ating lipunan. Sa pagpatay
sa kanila, dapat managot
ang mga kriminal. Higit pa
rito, gayunman, sa halaga ng
buhay nila, dapat baguhin
ang sistemang nagluluwal at
bumubuhay sa mga kriminal.
Ayon nga sa makatang si
June Jordan, “Itinutulak ng
kasaysayan ang mga dinahas
sa karahasan at, isa sa mga
araw na ito, ang karahasan
ay literal na maghuhudyat ng
katapusan ng karahasan bilang
paraan”.
Magkano
ang
buhay ng aktibista? Mahal.
Kabulukan ng lipunan ang
isinasakdal.
11 Hunyo 2006