Tambuling Batangas Publication February 07-13, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Parents, DOH has you covered... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Batangas City PNP pinalalakas
ang crime prevention campaign
sa barangay p. 2
Report cases of
police abuse, Año
tells public
p.5
First Gen namigay ng flyers
tungkol sa paghahanda sa
kalamidad p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 07
Pebrero 07-13, 2018
P6.00
2018 1st Quarter Meeting ng Batangueña
Women’s Councils, Isinagawa
PINANGUNAHAN
ni
Atty. Gina Reyes Mandanas,
pangulo
ng
Provincial
Women Coordinating Council
Batangas Inc. (PWCCBI), ang
pagpupulong ng mga miyembro
ng samahan para sa 1st Quarter
ng 2018 noong ika-31 ng Enero
ng 2018 sa People’s Mansion,
Capitol Compound, Batangas
City.
Dumalo sa meeting ang
mga department heads ng mga
Municipal Social Welfare and
Development Offices at women
leaders ng iba’t ibang bayan
sa lalawigan upang talakayin
ang mga magiging aktibidad
sa selebrasyon ng Buwan ng
Kababaihan sa Marso 2018.
Pinag-usapan
sa
pagpupulong ang gagawing
Search
for
Outstanding
GAD Implementer at Search
for
Outstanding
District,
City at Municipal Women
Coordinating
Council
alinsunod sa selebrasyon ng
buwan ng kababaihan sa Marso.
Ang mananalo ay makakakuha
ng 200 libong piso at Plaque of
Recognition.
Nagbahagi din ang
mga kasapi ng iba’t ibang
munisipyo ng kani-kanilang
mga proyekto at programa para
sa mga kababaihan. Ilan sa mga
nabanggit ay ang pagkakaroon
ng patimpalak sa sayaw,
sundan sa pahina 2
Pagbalangkas ng Taal Lake
Protective Landscape Fishery
Law Enforcement Isinagawa
Nagtipon
ang mga kasapi
ng Taal Volcano Protective
Landscape
–Protected Area
Management Board bilang tugon
sa rekomendasyon ng Fisheries
Sub Committee na magpasa
ng Resolusyon
na lilikha
ng TVPL Law Enforcement
Sector, na aatasan na magmasid
at
magpatupad
ng
mga
environmental laws sa kabuuan
ng Taal Lake.
Naganap
ang
pagpupulong noong ika-30 ng
Enero 2018 sa Taal Volcano
Protective Landscape Eco-Lodge
sa Brgy. Pansipit sa bayan ng
Agoncillo.
Ang pagpupulong ay
pinangunahan ng mga miyembro
ng Office of the Protected
Area Superintendent on Taal
Volcano Protected Landscpe,
na pinamumunuan ni Protected
Area Superintendent Jasmin
Villanueva-Andaya;
mga
kasapi ng Tanggol Kalikasan;
Protected Area Superintendent
Environmental
Law
Enforcement (PASu-ELE) Group
na kinakatawan ni Atty. Asis
Perez; Agoncillo Mayor Dan
Reyes; Municipal Environmental
and Natural Resources Officer
Rodrigo Reyes; at mga opisyal
sundan sa pahina 2
Batangueña Women’s Councils. Nagbigay ng mensahe si Gov. Dodo Mandanas sa 2018 1st Quarter Joint Meeting ng Provincial
Women Coordinating Council Batangas Inc. at Municipal Women Coordinating Council Batangas, Inc., na pinangunahan ni
Atty. Gina Reyes Mandanas, noong ika-31 ng Enero ng 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Kimzel
Joy T. Delen at Almira M. Eje / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
DOH launches ‘Train Wrap’ campaign to boost
health awareness
MANILA -- The Department
of Health (DOH) has launched
“Train Wrap” in LRT Line 2
that contains postings of health
reminders and tips for its
passengers.
According to Health
Secretary Francisco Duque III,
the move would help inform
LRT’s millions of passengers
and the public in general about
the importance of their health.
“This is a very good
medium by which we can bring
to the consciousness of the
riding public and the public in
general. This is an important
public health campaign of the
DOH and in view of bringing
health closer to our people,”
Duque said.
Posted inside and
outside of the LRT train coaches
is the information about the
programs of DOH.
Inside the train are the
various health tips like the proper
washing of hands, covering of
nose and mouth when coughing,
the benefits of blood donation,
and the agency’s immunization
programs including information
on anti-dengue vaccines.
The DOH Train Wrap
is the first ever program of the
agency in coordination with the
LRTA that pushes for health
innovation using technology to
reach ordinary Filipinos.
Meanwhile,
Director
Mar Wynn Bello, chief of the
Agency’s Health Promotions and
Communication Services said the
program is a good way to inform
Filipinos who are busy on a daily
basis and seem to forget about
various health information.
“If we intensify this
program to reveal information
about health, at least, 50%-
Sundan sa pahina 3..
Kita ng lungsod ng Batangas sa taong 2017
umabot ng P2 bilyon collections noong 2016.
Ang ilan sa mga Tax payer ng Batangas City
LUNGSOD NG BATANGAS
-- Tumaas ang koleksyon
ng
pamahalaang
lungsod
noong 2017 kung saan
umabot ito sa P2 bilyon.
Ayon sa ulat ng City
Treasurer’s Office (CTO),
noong 2016 ay umabot
lamang
sa
P1.8
bilyon
ang
kanilang
koleksyon.
Umabot ang real property
collections sa P923.6 milyon,
mataas ng P26.5 milyon sa
collections noong 2016 na
umabot lamang sa P897.1
milyon habang ang business
tax collections ay umabot sa
P578 milyon, mataas ng P16.3
milyon sa P561.6 milyon
Ayon pa sa CTO, ang
paglaking ito ng kita ng lungsod
ay hindi lamang dahil sa mga
pumasok
na
investments,
charges, at fees kundi dahil na
rin sa patuloy na intensified
tax
collection
campaign
kung saan pinupursige ang
mga delinquent taxpayers
na magbayad ng buwis.
May
kabuuang
P209.2
milyon
ang
kabuuang “delinquency” ng
may 27,451 real property
owners na napadalhan ng
Notice
of
Delinquency.
Nakapagbisita na rin ng 4,382
bahay para sa real property
sundan sa pahina 2