Tambuling Batangas Publication February 06-12, 2019 Issue | Page 4
OPINYON
February 6-12, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Delusional and deceptive
TELEVISED interviews of politicians are either a waste of time because
the interviewee’s sole objective is to dupe the audience into thinking that
if he is seen on TV, he is probably important. Such interviews are likewise
indications of the state of mind of the politician.
Take the TV interview last Tuesday of Sen. Francis “Kiko”
Pangilinan, the head of the Liberal Party (LP). In his typical condescending
countenance and holier-than-thou attitude, Pangilinan unwittingly revealed
that the LP was so desperate to get votes for its senatorial ticket for the May
2019 elections that the party will not hesitate to use misleading information
to deceive the electorate.
When asked why the LP and its anti-administration allies fielded
only eight candidates in a race for 12 seats in the Senate, Pangilinan said
it was a strategic move on their part, i.e. since voters often do not vote for
all the candidates of a particular political party, fielding eight candidates
eliminates the possibility of having one-third of their senatorial ticket ending
up in defeat.
Pangilinan obviously thinks voters are gullible.
When the LP was in power in 2013, it fielded a full ticket for the
Senate confident that its unlimited access to government resources will
deliver the votes. Now that the LP is the object of political scorn and public
disdain, it is unable to attract enough credible and qualified candidates to
complete a 12-man slate. That’s the real score, one far different from the
statistical double talk Pangilinan did on TV.
The composition of the senatorial lineup endorsed by the LP also
underscores the lack of credible and qualified candidates willing to run under
this moribund, publicly disgraced political party.
Manuel “Mar” Roxas II, who leads what Pangilinan called the
“Ocho Diretso” ticket, is doing rather poorly in the surveys, despite his being
an ex-senator.
Roxas seems to be the only viable candidate of the LP and he may
possibly make it to number 11 or 12, not because he has popular support, but
because three non-LP senatorial candidates doing fairly well in the surveys,
namely, Grace Poe, Sergio Osmeña III and Aquilino Pimentel III, face
possible disqualification even if they win.
Poe’s citizenship issue has not been authoritatively resolved by the
Supreme Court. The 2013 SC ruling in her favor is not doctrinal jurisprudence
because it does not have the support of a majority vote among the justices.
Only natural-born Filipinos may run for the Senate.
Osmeña failed to submit the requisite campaign expenditure
documents for the last two elections he participated in, which is a ground for
disqualification.
Pimentel is running for a third consecutive term in the Senate,
which is explicitly prohibited by the Constitution.
If any or all three are eventually disqualified, Roxas may have a
statistical chance of landing among the winning 12.
Paolo Benigno “Bam” Aquino, the first cousin of ex-President
Benigno Aquino III (who may be sued soon for his incompetent handling of
the Mamasapano mission), has not done anything substantial in the Senate
other than ride on the populist bills of other senators. In his obvious desire to
exploit his relationship to Ninoy Aquino, Bam Aquino always dresses up to
look like his famous uncle. This member of the Aquino family dynasty has
not been doing very well in the surveys, too.
The other LP-endorsed candidates have no chance of winning.
Voters see Gary Alejano as an ex-military mutineer who violated
his oath to defend the Constitution when he and the soon-to-be ex-Sen.
Antonio Trillanes IV launched a coup attempt against then President Gloria
Macapagal-Arroyo.
Alejano’s inclusion in the LP senatorial ticket underscores the LP’s
contempt for the Constitution.
Two other candidates, one of whom is left-leaning, think they
will win simply because they are descendants of ex-senators. Another was
a government lawyer who twisted the Constitution to accommodate an alien
elected to the Senate in 2013 but defeated in the presidential polls of 2016.
Perhaps their only hope of winning is that the automated voting
machines will malfunction in their favor on election day.
Obviously, Pangilinan, who is not a candidate this year, will do
everything just to fool the voters in preparation for May 2019. Just imagine
what he will do to fool the voters in May 2022 when he will be a candidate.
Ni Teo S. Marasigan
Larawan ng Limang B
Blogger, bakti (tibak), barkada.
(1)
Matagal na siyang nagba-blog,
tuluy-tuloy.
Napakaraming
materyal, mayroon na siyang
mahabang listahan. Ano pa kaya
ang posibleng magmulat sa
kanila? Kapag walang ginagawa,
kapag naantig ng napanood o
nabasa, nagsusulat siya – sa wika
at estilo na kasing-karaniwan ng
Times New Roman, tulad ng isang
gurong egalitaryan. Pero mapag-
alsa ang mga ideya, ang tono, ang
lipad ng imahinasyon. Mapahanga
man lang sila sa pilosopiyang
kayang iugnay ang marami, ang
lahat, sa rebolusyon. Kabisado
niya sa puso, bagamat hindi niya
siguro alam, ang sabi ni Bertolt
Brecht. Ang pagsisisigaw laban
sa pang-aapi ay nakakapaos. Ang
kailangan ay magpaliwanag nang
matyaga, matalino, nagpapatawa.
Kaya ganito ang larawan niya.
Tumatawa nang nakapanyo,
parang may nakakaaliw na
kausap. Laban sa mga istiryutipo,
heto ang pino at malumanay
na aktibista – masarap tumawa
pero bakal ang gulugod. Nitong
huli’y marami siyang tangka sa
pagteteorya. Sana magustuhan
ng mga tao. Dangan lang kasi sa
Motime, mahirap magkomento.
(2)
Para siyang nag-aalaga ng
kaktus sa pagba-blog niya.
Napakaraming gawain. May
pinapaunlad
pang
bagong
relasyon.
Magandang
pag-
abante sa dati? Dalaga rin siyang
maraming kaibigan, aktibista
at hindi. Kaya mas masaya
siyang kumuha ng larawan –
mas madaling gawin sa masigla
at malikot na buhay, nag-iiwan
ng paalala ng napakaraming
memorableng
pinuntahan,
sinalihan at ginawa. Kung
mayroon kaya ang ibang blogger
ng kahit kalahating mayroon
siya, magba-blogpa kaya sila?
Marami nang naisulat tungkol
sa kung anu-ano – at ang dapat
pa niyang isulat ay kailangang
matamang alamin, saliksikin.
At kung makakasulat ng
pinaghirapan, bakit sa blog pa at
hindi sa pahayagan? Totoo, kung
nasamainstream siya, nakilala
na siguro siya sa maraming
tahanan, at hindi lang dahil sa
bukod-tangi niyang pangalan.
Pero ano naman? Hindi iyun ang
mahalaga sa kanya, kundi ang
mga nasa laylayan, ang sinusupil
pero sumusulong nilang kilusan.
Anong saya, karangalan at
pananagutan ang maging sundalo
nila sa pahayagan.
(3)
Sekretarya siya ng tortyur at
kamatayan,
mamamahayag
ng sinusupil na katotohanan.
Siguro’y sa ganoon din tumatatag
ang pagiging progresibo at
lumalabas ang pagiging tao.
Ang titigan ang mga paglabag
sa karapatang pantao at ang
makita ang sariling nakikiramay,
bumibigat
ang
kalooban,
nasusuklam. Siya rin si Ginoong
Fundador. Sa isang pelikula nina
Tito, Vic and Joey, may guro
sila sa Pilipino, si Binibining
Fundador – malalim managalog,
istrikto sa klase, konserbatibo
ang moralidad. Laking gulat
nila, minsang dinalaw nila sa
bahay, nakasuot ito ng hapit na
damit na tiger print, mahalay na
umiinom ng Fundador sa gobleta
at nagi-Ingles nang mapang-
akit. Seryosong pamamahayag
sa wikang Filipino ang gawain
niya, pero may ibang mundo sa
blog: mga artistang Amerikano,
panitikan, kulturang popular at
pulitikang progresibo, madulas
na Ingles, minsan palatawa at
minsan mapagmuni, bagamat
may mga sumpong ng modang
palaban. Patunay ng masaklaw na
talino at napakaraming talentong
ipinaglilingkod niya sa bayan.
(4)
Kung pwede lang ilagay ang
napakaraming
memorandum,
samu’t saring praymer, ang
walang katapusang pagtatasa,
pagpaplano, pagpapartikularisa
ng balangkas at pagharap sa
nagsusulputang usapin – mas
madalas sanang may bagong
entri ang blog niya. Bukod sa
mapanganib sa mata ng Estado
– at iyun ang pangunahin – hindi
ito ang talino, o intelektwalidad,
na inilalagay at kinikilala sablog.
Pag-aaral sa totoo at praktikal
na buhay, higit sa mga libro.
Nagkolehiyo siya sa mga klase
sa labas ng maraming paaralan,
sa mga komunidad at bahay-
pulungan. Tiyak, masaya si Nanay.
Ngumingiti sa kabilang buhay?
Hindi na niya ginagawang entri
ang humuhusay na mga talumpati
sa kalsada – bagamat tiyak nang
kumintal at kumapit sila sa isipan
ng marami. Pangangaral sa choir
at kongregasyon? Tumataas ang
diwang palaban nila sa ganoon.
Sa ibang entri, sumasangkot siya
sa lipunan, halos sariling mundo,
na hinuhubog ng komunikasyon
at midya. Hindi padadaig at hindi
pakakahon, mandirigma siya ng
kanyang panahon.
(5)
Kapag
sinisipag,
mayroon.
Kapag hindi, kung kailan lang
maisip o kapag may haharaping
kontradiksyon.
Napakarami
niyang ginagawa. May aklatang
sa espesyalisasyon niya ay panis
ang sa Unibersidad. Mamahaling
restawran siyang bukas sa lahat ng
gustong kumain: kapwa-gurong
kailangan ng matinong kausap,
estudyanteng gustong matuto
higit sa klase, kapwa-aktibistang
pinaghahalawan at binibigyan ng
lakas. “Mamahalin” – gusto man
niya o hindi, nahahatak niya ang
may ibubuga o may kaloobang
dalisay at rebelde. Iyung wala,
natatakot at posible talagang hindi
nakakasabay. Sa hapon, gabi,
tumatakbo siya – mahalagang
bahagi ng mapagmuning buhay
ng pilosopo, sabi ni Martha
Nussbaum. Hindi siya papahuli
sa kulturang popular. Hinuhuli
niya ang mahika nito. Nasa gitna
pa siya ngayon ng kontrobersya,
resulta
ng
pakapa-kapang
metodolohiyang ala-tsamba ng
mga sosyologong kontra-Kaliwa.
May mundo higit sa teorya, pero
hindi mauunawaan nang wala
ang huli. Matapat dito ang mga
sulatin niya. Akma sa bukod-
tangi niyang pagkatao – mga
sulating may sariling estetika at
uniberso. 03 Marso 2009