Tambuling Batangas Publication February 06-12, 2019 Issue
Wetlands: Nature’s provider, our defense against climate change ... p.5
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Batangas Capitol, Panhua
Group ng China Nagpulong
Tungkol sa Pamumuhunan sa
Lalawigan.p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Single-use, throw-away
plastics hinder progress
toward zero waste p. 5
Medical, Surgical & Dental
Mission 2019, Isinagawa sa
Apacible District Hospital sa
Nasugbu p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 6
February 6-12, 2019
P6.00
“Pagkain, Transportasyon, at Komunikasyon”
Mensahe ni Imee Marcos sa mga Batangueño
SA ginanap na pagdiriwang
ng ika-74 Liberation Day ng
Munisipalidad ng Nasugbu at
Centennial plus Four o ika-
104 na taong pagkakatatag ng
Munisipalidad ng Lian noong
ika-31 ng Enero 2019, naging
bisita si Ilocos Norte Governor
Imee Marcos, na nagbahagi
ng ilang mga ninanais na
programa sa mga usapin
ng pagkain, transportasyon
at komunikasyon na may
kinalaman sa Lalawigan ng
Batangas.
Sa naging panayam
kay Marcos, unang binigyang
pansin nito ang pagkakaroon
ng reporma sa agrikultura
kung saan ang gobyerno ang
bibili ng mga agricultural
commodities at magbebenta sa
mga mamamayan nang walang
tubo. Sa ganitong paraan ay
magkakaroon ng supply ng may
mas mababang presyo o halaga.
Sa
usapin
ng
transportasyon, hindi lamang
daw Maynila ang nakakaranas
ng matinding trapiko kundi
pati na rin ang Batangas, kaya
nais niyang pagtuunan ng
pansin ang pagsasaayos ng
public transport. Kailangan din
daw ang pagbubukas ng ibang
telecommunication companies
upang
magkaroon
ng
competition at makapagbigay
ng magandang serbisyo.
Sundan sa pahina 2..
Pagkalat ng Tigdas sa
Lalawigan, tinutukan ng Prov’l.
Health Office
Batangas Province, 0 Mortality sa
Tigdas
MATAPOS
ideklara
ng
Department of Health (DOH) ang
sunod-sunod na measles outbreak
o pagkalat ng sakit na tigdas
sa iba’t-ibang bahagi ng bansa,
naglabas na ng opisyal na ulat
ang Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas, sa pamamagitan
ng Provincial Health Office
(PHO), sa kasalukuyang estado at
ginagawang aksyon ng Lalawigan
sa harap ng banta ng naturang
sakit.
Kabilang
dito
ang
pagtatatag ng Ligtas Tigdas Task
Force upang matututukan ang
pagkakaroon ng koordinasyon
sa bawat immunization program
coordinators ng bawat munisipyo
at lungsod sa pagbuo ng nararapat
na mga hakbang. Kasama rin dito
ang pamamahagi at pagbibigay-
alam ng wastong impormasyon
at pagsasagawa ng tri-media
campaign
para
maipabatid
sa publiko ang kasalukuyang
sitwasyon.
Batay sa datos ng PHO,
mula buwan ng Enero hanggang
ika-11 ng Perbrero 2019,
nakapagtala na ang lalawigan ng
may kabuuang 130 kaso, anim
dito ang kumpirmadong tinamaan
ng tigdas, na mula sa Lungsod
Sundan sa pahina 2..
Imee Marcos naging bisita Sa ginanap na pagdiriwang ng ika-74 Liberation Day ng Munisipalidad ng Nasugbu at Centennial plus Four o ika-104 na taong
pagkakatatag ng Munisipalidad ng Lian noong ika-31 ng Enero 2019
Tawilis, Taal Lake Patuloy na
Pinangangalagaan
NILINAW ng mga kinatawan
ng Department of Environment
and Natural Resources – Region
IVA na hindi totoo na ang
isdang Tawilis, ang nag-iisang
freshwater sardine sa mundo
na endemic o sa Lawa ng Taal
lamang matatagpuan, ay isa
nang endangered species, taliwas
sa mga naglabasang balita
kamakailan.
Isinagawa
ang
pagbabahagi ng DENR – Region
IVA, kasama ang iba’t ibang
mga ahensiya ng pamahalaan,
kabilang
ang
Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas at mga
bayan na nasa palibot ng Lawa ng
Taal, sa isang press conference na
ginanap sa Green Coral Resort,
Lungsod ng Batangas noong ika-
1 ng Pebrero 2019.
Ayon kay Batangas
Provincial Environment and
Natural
Resources
Office
(PENRO)
Chief
Elmer
Bascos, bago pa man lumabas
ang International Union for
the Conservation of Nature
(IUCN) findings ay naikasa na
ng kanilang tanggapan at ng
Protected Area Management
Board (PAMB) ng Taal Volcano
Protected Landscape ang mga
hakbang upang mapangalagaan
ang Tawilis.
Idinagdag pa niya na
nagpasa ng resolusyon ang PAMB
para sa pagkakaroon ng closed
season sa pangingisda ng Tawilis
tuwing mga buwan ng Marso at
Abril, na magsisimulang ngayong
taong ito. Nagpulong din ang
pang-rehiyon at panlalawigang
mga tanggapan ng DENR at ang
Bureau of Fisheries and Aquatic
Sundan sa pahina 2..
English Computerized Learning
Program sa Lalawigan ng
Batangas, palalawakin
Provincial School Board (PSB) sa Pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas, bilang Chairperson, ang isinagawang pagpupulong kasama ang
mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga kinatawan ng Department of Education (DepEd) Batangas Province noong
ika-12 ng Pebrero 2019 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City
PINANGUNAHAN ni Batangas
Governor Dodo Mandanas, bilang
Chairperson, ang isinagawang
pagpupulong
ng
Provincial
School Board (PSB), kasama
ang mga department heads ng
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas at mga kinatawan
ng Department of Education
(DepEd) Batangas Province
noong ika-12 ng Pebrero 2019
sa People’s Mansion, Capitol
Compound, Batangas City.
Kabilang sa mga naging
paksa ang pagpapalawak ng
English Computerized Learning
Program (ECLP) sa Lalawigan
ng Batangas. Ang ECLP ay
isang makabagong sistema ng
pagtuturo ng wikang Ingles sa
mga mag-aaral ng elementarya,
na dinisenyo upang mas madaling
matuto at masanay ang mga ito
sa pagbabasa, pagbabaybay,
pagsulat, at pagpapalawak ng
bokabularyo. Kaakibat dito ang
pagtuturo at pag-aaral ng wastong
pronounciation ng mga English
words.
Ito ay hango sa isang
modular approach, gamit ang
Sundan sa pahina 3..