Tambuling Batangas Publication December 26, 2018-January 01, 2019 | Page 3

BALITA December 26, 2018-January 1, 2019 Lemery, San Juan, Tanauan, Kampeon sa 2018 Gov. Mandanas Inter-LGU Sports Competition Galing ng Batangueño sa sports. Ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Juan ang kampeon sa women’s volleyball at 2nd place sa men’s volleyball sa 2018 Gov. Mandanas Inter – LGU Sports Competition. Gold medallists ang Lemery sa basketball at Tanauan City sa men’s volleyball. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO 2018... na Provincial Winner sa 1st to 3rd Class Municipalities Category, habang nanguna ang Sangguniang Bayan ng Agoncillo, sa liderato ni Vice Mayor Danny T. Anuran, sa 4th to 6th Class Municipalities Category. Ang Local Legislative Award ng DILG ay nabuo katuwang ang Philippine mula sa pahina 1 Councilors’ League (PCL) noong taong 2006. Dito ay kinikilala ang mahusay na pagganap ng mga lokal na lehislatura sa mga lungsod at munisipyo tungo sa makabuluhang lokal na pamamahala, kabutihan ng mga mamamayan at pag- unlad ng kani-kanilang lugar na pinamumunuan. Samantala, ang tatlong Sanggunian, na binigyan ng natatanging parangal, ang magiging kinatawan ng lalawigan sa 2018 CALABARZON Regional Local Legislative Awards. ✎Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO World AIDS Day, ginunita sa Batangas City By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Enero 3 (PIA)-Pinangunahan ng City Health Office (CHO) at mga katuwang nito ang paggunita sa World AIDS Day sa pamamagitan ng isang HIV/AIDS awareness campaign sa Batangas National High School kamakailan. Ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod. Kaagapay rin ng pamahalaang lungsod ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation at ang Silbi LGBTQA. May temang “Know your status” ang ika-30 taong paggunita sa World AIDS Day kung saan hinihikayat ang lahat na alamin kung meron o walang human immunodeficiency virus infection (HIV) ang isang tao sa pamamagitan ng pagsailalim sa testing upang ito ay mapigilang lumala at makahawa sa ibang tao. Ayon kay Dr. Allen Santos, STI/HIV/AIDS program Manager ng City Health Office, isinusulong nilang makamit ang “90 90 90” advocacy ng World Health Organization kung saan 90% ay kailangang ma-test ang status, 90% ang dapat magkaroon ng prevention, treatment at care services at 90% ang viral load suppression. Ayon kay BNHS Principal Lorna Ochoa, isang magandang programa ito at avenue para sa mga kabataan na maging aware sa hindi magandang maidudulot ng HIV/AIDS sa isang tao. Sa pamamagitan nito ay makapagbibigay sila ng kaalaman lalo na sa mga kabataan na isa sa prone sa naturang sakit dulot ng makabagong panahon. Sinabi naman ni Dar Guamos, External Relations Manager ng PSPC, ang kaalaman ukol sa AIDS/HIV ay mahalaga at patuloy na magiging katuwang sila ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga ganitong programa para sa kapakanan ng mga kabataan. Nagkaroon din ng mga patimpalak na nilahukan ng mga estudyante at pinarangalan ang mga nanalo sa mga aktibidad na isinagawa gaya ng mga sumusunod: Quiz bee, Pinoy Henyo, Beki Taktakan, Draw me a Picture, Pass the Message, Ms. Q and A, Leaflets Making Contest at Poster Making Contest. Ang HIV ay nagpapahina ng immune system ng isang tao kung kaya’t nagiging mahina ang resistensiya sa infection at cancer. Ito ay nauuwi sa Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) na nagiging dahilan ng pagkamatay ng pasyente. Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang lumalaki ang bilang ng may HIV kung saan marami rito ang mga kabataan edad 15-24, partikular ang mga high-risk group kagaya ng mga males having sex with males. Malimit ding nabibiktima ang overseas Filipino workers. Pwede kang makakuha ng sakit na ito kung wala kang proteksyon sa pakikipagtalik kagaya ng condom, kung nasalinan ng dugo na may HIV/AIDS infection, exposure sa contaminated needles at pagkahawa ng ina sa kanyang anak habang nagbubuntis. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas with reports from PIO Batangas City) 13 Batanguena kabilang sa Chief Girl Scout Awardees 2018 By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Enero 3 (PIA)-Pinarangalan ang 13 Batanguenong girl scout na ksama sa 713 national awardees na tumanggap ng Chief Girl Scout Medal Scheme (CGSMS) 2018 mula sa Girl Scout of the Philippines National Headquarters sa Philippine International Convention Center kamakailan. Ang CGSMS ang maituturing na pinakamataas at prestihiyosong karangalan na iginagawad sa isang girl scout na nagpamalas ng natatanging serbisyo, pagsisigasig, dedikasyon kaugnay ng community development at nation building. Ito ay inilunsad noong 1976 at nagpapatuloy bawat taon upang kilalanin ang mga natatanging contributor dito. Kabilang sa 13 na nabigyan ng pagkilala sina Hannah Joy Acorda at Ma. Theres Lynne Arellano ng NAVERA National High School; Kristine Goot, Rhea Hermedilla at Aubrey Valencia ng Pinamucan National High School; Khristine Mae Asi at Nicole Reonal ng Conde Labac National High School; Brianna Sofia Perez, Adelaida Pulpulaan at Danna Lee Guno ng Paharang National High School; Kate Margaret Villafuerte at Aimee Magdalene Mendoza mula sa Batangas State University at Julie Ann Fe Gutla ng Batangas Christian School. Napiling itampok sa naturang awarding ang Massage Theraphy Training ng 15 anyos na si Kristine Goot kasama ang dalawang proyekto mula sa Lucena at Mindanao. Ayon kay Girlie Marquez, district field adviser ng District II at GSP Coordinator ng Pinamucan NHS, sa pamamagitan ng tulong ni Troupe Leader Dolores Briones na nagsanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na siyang nagbahagi ng kaalaman kay Goot, sa loob ng isang taon, may 20 mga nanay na walang trabaho ang sumailalim sa paghsasanay sa pagmamasahe tuwing araw ng Sabado sa Brgy. Pinamucan Proper. PA G K ATA P O S ng lahat ng aksyon at tagisan ng galing sa 2018 Gov. Mandanas Inter – LGU Sports Competition, nagkampeon ang Municipal Government of Lemery sa men’s basketball, ang Municipal Government of San Juan sa women’s volleyball at City Government of Tanauan sa men’s volleyball. 18 local government units ang lumahok sa sports com- petitions na nagsimula noong ika-24 ng Oktubre 2018 at nagta- pos noong ika-13 ng Disyembre 2018. Ito ay hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng tanggapan ng Provincial Assistance for Com- munity Development (PACD), na pinamumunuan ni Dr. Amante Moog. Sa men’s basketball, tinalo ng Lemery ang San Pas- cual sa best of 3 finals na umabot ng winnier take all Game 3 na ginanap sa bayan ng Cuenca. 3rd placer ang City Government of Lipa, na kampeon noong 2016 at 2017 editions ng liga, at 4th placer ang Municipal Government of Rosario. Naging back to back champions naman ang San Juan sa sa women’s volleyball, matapos nilang maungusan ang Municipal Government of San Pascual. 3rd placer ang Tanauan City at 4th placer ang Municipal Government Best... of Talisay. Tinanghal na Most Valuable Player si Ericka Jane Tenoria ng San Juan, samanta- lang Mythical Six sina Tenoria at Lenilyn De Ocampo ng San Juan; Elsie Borja at Imee Capacia ng Tanauan City; Nahura Abdul ng San Pascual; at Ma. Jubie Ilagan ng Talisay. Sa volleyball men’s di- vision, nanaig ang champion Tanauan City kontra sa nag 2nd place na San Juan, 3rd placer ang Municipal Government of Balayan at 4th placer ang Mu- nicipal Government of Lemery. MVP si Renz Francis Villanueva ng Tanauan at naging bahagi ng Mythical Six sina Villanueva at Ronald Castillo ng Tanauan City; Alvin John Samonte ng San Juan; Resty Tolosa at Francis Ogerio ng Lemery; at Michael Marquez ng Balayan. Nakatanggap ng tro- phy, medals at cash ang mga top 4 finishers. Ang champions ay may cash prize P100,000.00; P75,000.00 ang sa 2nd placer; P50,000.00 ang sa 3rd placer; at, P25,000.00 ang sa 4th placer. Layon ng palaro na mapagkila-kilala at mapalakas ang samahan ng mga kawani ng gobyerno sa iba’t ibang munisi- palidad at lungsod sa lalawigan sa larangan ng palakasan at pantay na kompetisyon. ✎ Shelly Umali – Batangas Capitol mula sa pahina 1 Conservation Park, “Ang Pulo,” ang titulong Outstanding Mangrove Protected Area, na sinundan ng Lagadlarin Mangrove Forest Conservation Area ng Lobo (2nd place) at Calatagan Mangrove and Nursery Rehabilitation Area (3rd place). Sa larangan ng Outstanding Marine Protected Areas, ang Malabrigo Fish Sanctuary and Refuge sa bayan ng Lobo ang nanguna, habang 2nd Placer ang San Pablo de Bauan Marine Protected Area at 3rd Placer ang Kayreyna Marine Protected Area ng Lian. Ang mga pagkilala ay pormal na iginawad ni Governor Dodo Mandanas, katuwang sina First Gen Inc. Vice President for External Affairs and Security, Mr. Ramon J. Araneta, at Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Anton Hernandez. Ang nasabing paggagawad ng environmental awards ay inilunsad noong taong 2013 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, katuwang ang First Gen at Conservation International- Philippines, na may layuning mapanatili ang interes ng mga tagapamahala ng Marine Protected Areas (MPA), lalo na ng mga focal persons sa mga lungsod at munisipalidad; malutas ang mga pagwawalang-bahala ng mga LGUs; at makakuha ng suporta mula sa iba’t-ibang institusyon. Samantala, bukod sa tanggapan ng PG-ENRO, naging bahagi rin ng BRAVO Awards ang mga evaluators, na binubuo ng mga biophysical, socio-economic at institutional specialists mula sa Batangas State University, De La Salle Lipa, University of Batangas, Conservation International at Malampaya Foundation, na naging susi upang mahirang ang mga nagsipagwagi. Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO Sa tulong nito, nagklaroon sila ng kaalaman at kasanayan sa massage theraphy na maaari nilang magamit upang pagkakitaan. Sinabi naman ni Goot, na malaki ang kanyang pasasalamat at kasiyahan sa pagkakapili ng kanyang proyekto at nangakong kahit sa kanyang murang isipan ay ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga kababaihan sa kanilang barangay. Ayon kay Teofista Rodriguez, Guidance Coordinator ng Pinamucan NHS, ipinagmamalaki nila ang kanilang mga mag-aaral na bagamat nasa pampublikong paaralan ay hindi magpapahuli sa mga mag-aaral sa pribado. Malaki rin ang naibibigay na tulong ng pamahalaang lungsod sa lahat ng pangangailangan ng kanilang paaralan. Umabot na sa 230 girl scouts sa lungsod ng Batangas ang nabigyang parangal ng GSP simula taong 2009. (Bhaby P. De Castro- PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)