Tambuling Batangas Publication December 26, 2018-January 01, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
What not to give this Christmas... p.5
Mga Batangueño sa Larangan
ng Kultura at Sining, Kinilala
p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Panawagan sa
Paglahok sa Ulirang
Guro sa Filipino 2019
p. 5
Lemery, San Juan, Tanauan,
Kampeon sa 2018 Gov.
Mandanas Inter-LGU Sports
Competition p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 53
December 26, 2018-January 1, 2019
P6.00
Best Marine / Mangrove Protected
Areas, Kinilala ng Batangas Capitol
ISINAGAWA
sa
ikatlong
pagkakataon
ang
Batangas
Recognition Awards for Verde
Passage’s Outstanding (BRAVO)
Marine/Mangrove
Protected
Areas and Bantay Dagat kung
saan ginawaran ng parangal ang
mga natatanging munisipalidad
na patuloy ang ginagawang
pagkilos upang mapangalagaan
at mabigyan ng proteksiyon ang
yamang dagat ng Lalawigan ng
Batangas.
Ang nasabing programa,
sa pangunguna ng Provincial
Government – Environment and
Natural Resources Office (PG-
ENRO), na pinamumunuan ni
Mr. Luis Awitan, ay ginanap
kaalinsabay ng pagdiriwang
ng ika-437 taong pagkakatatag
ng lalawigan noong ika-8 ng
Disyembre 2018 sa The Outlets
at Lipa, Lima Technology Center,
Lipa-Malvar, Batangas.
Kinilala ang Bantay
Dagat ng Calatagan, Batangas
bilang
Outstanding
Bantay
Dagat, na sinundan ng Fishery
Law Enforcement Assistance
Team (FLEAT) Sigwada Team ng
Balayan bilang 2nd Place; habang
kapwa nakamit ng Calaca Bantay
Dagat at Bantay Dagat Network
ng San Juan ang ikatlong pwesto.
Nasungkit naman ng
Calatagan Mangrove Forest
Sundan sa pahina 3..
Health and Wellness Forum
para sa mga Kababaihang
Senior Citizens, Isinagawa
ALINSUNOD sa adikhain ng
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas na mas mapagtuunan ng
pansin ang aspeto ng kalusugan ng
mga mamamayang Batangueño,
nagsagawa ng Health and
Wellness Forum na nakatuon sa
pagpapahalaga sa kalusugan ng
mga Batangueña senior citizens.
Sa
pangunguna
ng
Provincial Office of Senior
Citizens’ Affairs at Provincial
Social Welfare and Development
Office (PSWDO), ginanap ang
nasabing forum noong ika-13
ng Disyembre 2018 sa Batangas
Provincial Tourism and Cultural
Affairs
Office
(PTCAO)
Conference
Room,
Capitol
Compound, Batangas City, na
dinaluhan ng mga kinatawan
mula sa iba’t ibang bayan at
lungsod sa lalawigan.
Tinalakay sa pagtitipon
ang kahalagahan ng tamang
pagkain at araw-araw na pag-
eehersisyo para sa mga senior
citizens, lalo pa at tumataas ang
panganib sa kalusugan habang
tumatanda.
Binanggit
din
dito
ang mga pagkain na dapat
bawasan upang makaiwas sa
Sundan sa pahina 2..
Batangas Province’s Best Protected Mangrove Areas. Tinanggap ni Lobo Mayor Jurly Manalo, bilang kinatawan ng Lagadlarin
Mangrove Forest Conservation Area, ang award bilang 2nd Placer sa kategoriyang Outstanding Mangrove Protected Areas sa
isinagawang Batangas Recognition Awards for Verde Passage’s Outstanding (BRAVO) Marine/Mangrove Protected Areas noong ika-8
ng Disyembre 2018 sa The Outlets at Lipa, Lima Technology Center, Lipa-Malvar, Batangas. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol
PIO
Mga Batangueño Student-writers, Pinarangalan
Kaugnay ng 437th Batangas Province Foundation
KAUGNAY sa layuning lalong
maitaas, hindi lamang ang antas
ng edukasyon sa lalawigan,
kundi pati na rin malinang
ang mga katangiang tatak
Batangueño, binigyang pagkilala
ng Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas, sa pakikipag-ugnayan
sa Department of Education
(DepEd) Batangas Province, ang
mga Batangueñong mag-aaral na
nagpamalas ng husay sa larangan
ng pagsusulat ng lathalain.
Ang
nasabing
patimpalak ay ginanap kaugnay
sa idinaos na 437th Foundation
Day ng Batangas Province noong
ika-8 ng Disyembre 2018. Ang
awarding ceremony ay idinaos
sa The Outlets at Lipa, Lima
Technology Center, Lipa-Malvar,
Batangas.
Ang mga kalahok ay
nagpaligsahan sa larangan ng
pagsusulat ng lathalain o essay
writing sa wikang Filipino na
nakasentro sa limang katangiang
Batangueño na katapangan,
kagitingan,
katalinuhan,
kasipagan at kagandahan.
Pagdating
sa
pagpapamalas ng Katapangan,
nanguna ang Bauan Technical
High School, na kinabibilangan
ng mga mag-aaral na sina Ronn
Michael
Azucena,
Coleen
Claire Nacion, at Timothy Dale
Mendoza, kasama ang kanilang
coach na si Mr. John Jordan
Agito.
Nakamit naman ng
Maabud National High School
mula sa bayan ng San Nicolas
ang parangal sa Kagitingan, na
binubuo nina Angelou Benamer,
Kristina Cassandra Biscocho,
Angelou Garcia at coach na si
Ms. Cecile Desepeda.
Samantala,
nasungkit
nina Nathaniel Canobas, Kuhleen
Ann Andal, Zhiena Rose De
Chavez at coach na si Mr. John
Ronnel Popa Gladiola Delim ng
Sundan sa pahina 2..
2018 Batangas Province
Local Legislative Awards,
Ginanap
Good governance through local legislation. Binigyang-daan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of the Interior and Local
Government (DILG) ang pagbibigay parangal sa mga natatanging Sanggunian sa Lalawigan ng Batangas sa ginanap na 2018 Local Legislative Awards
noong ika-8 ng Disyembre 2018. Makikita sa larawan sina Governor Dodo Mandanas, DILG Provincial Director Adelma Mauleon at DSWD Assistant
Secretary Anton Hernandez na personal na iginawad ang Plake ng Pagkilala sa Sangguniang Bayan ng Agoncillo, sa pangunguna nina Vice Mayor Danny
T. Anuran (may hawak ng plake) at mga konsehal ng nasabing bayan, sa Provincial Winner sa 4th to 6th Class Municipalities Category. Mark Jonathan M.
Macaraig/Photo by: JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO
PINARANGALAN ang mga
Munisipalidad ng Bauan at
Agoncillo at Lungsod ng Batangas
sa isinagawang 2018 Local
Legislative Awards na iginawad
ng Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas at Department of the
Interior and Local Government
(DILG) – Batangas Province.
Ginanap ang pagbibigay
ng parangal kasabay ng 437th
Foundation Day celebration ng
Lalawigan ng Batangas noong
ika-8 Disyembre 2018 sa The
Outlets at Lipa, Lima Technology
Center, Lipa-Malvar, Batangas.
Pinangunahan
nina
Gov. Dodo Mandanas, DILG
Batangas Provincial Director
Adelma Mauleon at Department
of
Social
Welfare
and
Development Assistant Secretary
Anton Hernandez ang awarding
ceremony.
Kinilala
ang
Sangguniang Panlungsod ng
Batangas, sa pangunguna ni
Vice Mayor Emilio Francisco
A. Berberabe, bilang Provincial
winner sa kategoryang Component
City. Ang Sangguniang Bayan
ng Bauan naman, sa ilalim
ng pamumuno ni Vice Mayor
Ronald E. Cruzat, ang hinirang
Sundan sa pahina 3..