Tambuling Batangas Publication December 19-25, 2018 Issue | Page 8

Season for seasoned Sison... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 51 December 19-25, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Mga Batangueno sama-samang bumigkas ng Panatang Makabata By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Disyembre 19 (PIA)- Ipinagdiriwang ang National Childrens’ Month tuwing Nobyembre at sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ay “Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata.” Sama-samang Binigkas ng mg Batangueno ang Panatang Makabata sa Lingguhang Pagpupugay Bandila ng Pilipinas sa buong buwan ng Nobyembre sa Provincial Auditurium dito sa lungsod. Ito ay bilang pagtugon sa Announcement No. 51 0f 2018 ng Civil Service Commission na humihikayat sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na bigkasin ito tuwing flag ceremony sa buong buwan ng Nobyembre. Ang Panatang Makabata ay nagsusulong upang protektahan, igalang at pangalagaan ang karapatan ng bawat bata maging anuman ang kulay, kasarian, lahi, relihiyon, kultura, estado sa buhay may kapansanan man ito o wala. Nakasaad din dito ang mga karapatan ng mga bata na dapat nilang matamasa tulad ng karapatang maisilang, magkaroon ng pangalan at nasyonalidad, tahanan at pamilyang mag-aaruga at maproteksyunan laban sa pang- aabuso, panganib at karahasan. Kaugnay nito, pinangunahan ni Gemma Quitain mula sa Provincial Social Welfare and Development Office ang pagbigkas kasama ang mga mag- aaral mula sa OB Montessori sa loob ng compound ng Kapitolyo. Ang mga batang ito ay anak, apo, kapatid at pamangkin ng mga Sundan sa pahina 6.. Prov’l Economic Accounts ng CALABARZON ibinahagi sa Dissemination Forum By Mamerta De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, Disyembre 21 (PIA)- Ibinahagi sa isinagawang Provincial Dissemination Forum para sa Lalawigan ng Batangas ang Provincial Economic Accounts (PEA) ng CALABARZON sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) Conference Room, sa Provincial Capitol kamakailan dito sa lungsod. Ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng National Economic Development Authority (NEDA) Region IV-A at Provincial Planning and Development Office at dinaluhan ang presentasyon ng iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kasama ang mga kinatawan mula sa Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni 5th District Board Member Bart Blanco. Kinomisyon ng NEDA Region IV-A ang isang pagsasaliksik patungkol sa Provincial Economic Accounts ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon upang matantya ang pang- ekonomiyang pagganap ng bawat isa. Pinangunahan ni Michael Lavadia mula sa NEDA IVA ang presentasyon ukol sa CALABARZON Provincial Growth and Economic Structures 2011-2016: Focus on Batangas, at nina Dr. Arlene Inocencio at Dr. Caesar Cororaton, mga resource persons mula sa Orient Integrated Development Consultants, Inc., isang Philippine-based consulting firm na kilala sa larangan ng rural development, environment and natural resource management, governance, and institutional development. Inaasahang makakatulong ang mga inilabas na datos, na nakatuon sa agrikultura, industriya at serbisyo para sa komprehensibong pagpaplano ng mga local government units upang mas mapalakas ang mga larangan kung saan maayos na ang mga programa, at mapabuti ang mga programa sa mga sektor na mataas ang potensyal subalit hindi napagtutuunan ng pansin. Ilan sa mga naipakita ay ang 2015 economic performance ng Batangas Province kung saan 62% ay mula sa industry sector, 32% sa services sector at 6% lamang sa agrikultura. Sa industry sector, manufacturing ang nangunguna sa lalawigan kung saan pinakamataas ang pagawa ng electronics. Upang mapagtibay ang nasabing pag-aaral, hinihiling din ng NEDA na magpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan upang, sa pamamagitan ng PPDO, ay maipagpatuloy ang pagsasaliksik para makakuha ng mga bago at tumpak na mga datos mula sa mga lungsod at munisipalidad. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas with reports from PIO-Batangas Province) Pinangunahan ni Governor Hermilando Mandanas kasama ang mga miyembro ng pamahalaang panlalawigan at Sangguniang Panlalawigan sa pagbigkas ng Panatang Makabata bilang pagsuporta sa pagtataguyod ng mga karapatan ng kabataan sa pagdiriwang ng National Childrens Month sa buwan ng Nobyembre. (Photo courtesy of PIO Province, caption by Bhaby P. De Castro, PIA Batangas) PCOO strengthens government- media relations Laguna and Quezon Media pose with Communications Secretary Martin Andanar and Philippine Information Agency Calabarzon (PIA 4A) Regional Director Ma. Cristina C. Arzadon. (PIA4A By Joy Gabrido CALAMBA CITY, Laguna, Dec. 20 (PIA) - - As part of the continuing efforts of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) to reach out to media practitioners in the provinces and strengthen media-government relations, Communications Secretary Martin Andanar sat down with Laguna and Quezon media members in San Pablo City on December 16. “I have made it my mission to reach out to our media men especially in the regions to at least assist and even plan to solve some of the challenges that we have in the regions,” Andanar, himself a broadcast journalist before joining the Duterte administration, said. The Communications Secretary expressed his support to the Filipino media practitioners since he had witnessed and heard their concerns as he traveled around the country. He also gave emphasis to the importance of Freedom of Information that strengthens what is prescribed in the Constitution which is the Right to Information. He also pointed out that the Constitution provides for the Freedom of the Press yet it does not guarantee the safety of the press. This then pushed him and Usec. Joel Egco to create a manifesto and proposal to President Rodrigo Roa Duterte that eventually became the Administrative Order (AO) No. 1 creating the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS). He affirmed his commitment to resolve other media issues including health and medical problems, among others. “Making sure that this office that I am holding right now will not go to waste… I will use this position to strengthen even more the relationship between the media and the government and resolve the concerns in the media sector,” Andanar articulated. Andanar said they recently selected 10 media practitioners from different cities all over the country who were severely sick to receive a Noche Buena cash gift solicited from former Special Assistant to the President (SAP) Bong Go. He then asked the Laguna and Quezon media to choose a media practitioner from their provinces to be given the same assistance. The Communications Secretary also informed the media that the standing of the Philippines in the list of Most Dangerous Country for Journalists has gradually improved from being 2nd after the Maguindanao massacre where 32 journalists were killed to being in the 5th spot. “Simula po nang mapirmahan na po itong AO No. 1 noong 2016 ay dalawang taon na hong nag-iimprove iyong ating standing dahil sa Presidential Task Force on Media Security (Our standing have been improving in the past two years because of the Presidential Task Force on Media Security since the AO No.1 was signed),” he announced. He assured the media that the PTFoMS is looking closely to the Maguindanao massacre case. In fact, Sundan sa pahina 6..