Tambuling Batangas Publication December 12-18, 2018 Issue | Page 8

DepEd’s doppelganger ... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 50 December 12-18, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com State university at child development center tumutulong sa disaster preparedness BILANG isa sa mga leading engineering schools sa bansa, ginagamit din ng Batangas State University (BSU) ang technical resources nito sa pagpapalakas ng disaster risk reduction and management ng bansa sa pamamagitan ng naimbento nitong Solar Powered Isotropic Generator of Acoustic Wave (SIGAW) na isang tsunami early warning system. Tumanggap muli ng Special Recognition for Group Category ang Team SIGAW para sa kanilang tsunami early warning system mula sa 20th National Gawad Kalasag ng Office of National Defense nitong December 4 as AFP Theatre, Camp Aguinaldo Quezon City. Ayon kay BSU President Tirso Ronquillo, ang SIGAW ay bahagi ng kanilang DRRM program, kung saan ang mga taong nasa likod ng invention na ito ay siya bilang project leader kasama ang mga miyembro ng faculty na sina Engr. Albertson Amante, Engr. Rojay Flores, Engr Eugene Ereno, Engr Emmanuel Bobis at Mr Carlito Mayo. Ito ay kanilang nedevelop sa loob ng tatlong buwan at nagkakahalaga ng P 250,000. Ang proyektong ito ay pinondohan ng United Nations World Food Programme (WFP) sa halagang P4.2 million kung saan nagdevelop sila ng 17 units at ipinagkaloob sa mga coastal communities sa pakikipag- ugnayan sa Provincial DRRMO na siyang nag-identify ng coastal communities na paglalagyan ng SIGAW. Ilan sa mga lugar na ito ay ang Calatagan, Lian, Nasugbu, San Juan, Mabini, Bauan, Tingloy at iba pa. Ang Department of Science and Technology (DOST) naman ang tumulong upang mabigyan sila ng sensor signal mula sa Advance Science Technolgy Institute (ASTI). “Our vision is to make this available and install all throughout the country specifically in the coastal areas, we target all LGU’s for this project. We are very proud na ilang beses na kaming nanalo sa region at nakarating sa national for excellence in DRM using science and technology. Its overwhelming kasi we are the only university na awardee,” sabi ni Ronquillo. “Our plan is to make the siren louder for it to reach more barrio folks but this will entail some costs kaya sana mapondohan,” dagdag pa niya. Sa kasalukuyan ay kinomisyon sila ng DOST upang magdevelop at maglagay ng 20 SIGAW units sa coastal areas sa lalawigan ng Quezon. Samantala, naging Sundan sa pahina 6.. People’s Initiative, Patuloy na Umaarangkada sa Batangas SA patuloy na kampanya para sa People’s Initiative, na naglalayong palakasin at patibayin ang lokal na awtonomiya ng mga pamahalaang lokal, nakarating ang mga pagpupulong patungkol dito sa Alitagtag, Taysan, San Jose, Ibaan, Laurel, Mabini, Sto. Tomas, Rosario at Batangas City sa unang linggo ng Disyembre 2018. Sa mga nabanggit na bayan, naging mainit ang pagtanggap sa nasabing inisyatibo at nagpahayag ng suporta sa mga nabanggit na adhikain ang mga dumalo sa bawat pagtitipon, kabilang ang mga lokal na opisyal. Sa pamamagitan ng People’s Initiative, inaasahang mas tataas ang kabahagi sa mga buwis na nalilikom ng bawat bayan sa pagtukoy at panuntunan ng mga local government units, , na hindi na kailangang dumaan pa sa mga ahensyang nasyunal; at ang pagpapalawig ng termino ng paglilingkod ng ating mga opisyal ng bayan upang maipatupad ang mga programa patungkol sa serbisyo publiko ng mas maayos at tuloy-tuloy. Isa si Batangas Governor Dodo Mandanas sa nagsusulong ng nasabing pagkilos kung kaya’t hiniling niya ang pakikiisa ng mga Batangueño dahil ang higit na makikinabang dito ay ang mga karaniwang Pilipino. Para umusad ang People’s Initiative, kakailanganin ang pirma ng 12% ng kabuuang bilang ng mga mga botante sa Pilipinas, kabilang ang lagda ng 3% ng kabuuang bilang ng mga botante sa bawat legislative district. ✎ Shelly Umali – Batangas Capitol BSU President Tirso Ronquillo 3rd Calumpang bridge madadaanan na bago mag fiesta sa Enero INAASAHANG bago mag city fiesta sa January 16, 2019 ay magagamit na ang 3rd Calumpang Bridge na ngayon ay 24/7 ginagawa upang mapakinabangan na at maibsan ang masikip na trapiko sa Batangas City. Kahapon, December 11, ipinakita ng Frey-Fil Corporation, ang project contractor, ang paglalagay ng huling box girders sa kaunaunahang box-girder superstructure- design bridge sa bansa. Ang P338-million bridge ay may habang 140 metro, 100metro sa bawat approach at may apat na lanes. Ito ay babagtas mula sa sitio Ferry Kumintang Ibaba papuntang Gulod Labac. Dumalo sa briefing sina Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Marino, city officials, department heads , malalaking negosyante at miyembro ng press. Ayon sa project manager na si Engr. Ronald Litan, 90% complete na ang proyekto kung saan ang paglalagay na lamang ng mga sidewalks at iba pang finishing touches ang gagawin. “ Sisikapin naming madaanan ito bago mag fiesta,” sabi ni Litan. Ipinaliwanag niya ang naging proseso sa paggawa ng tulay na aniya ay matibay sa pinakamalakas na bagyo at lindol. Ito ay kayang mag accomodate ng pinakamataas na level ng tubig base sa Typhoon Ondoy sa elevation nito na 6.085 meters mula sa mean sea level. Ito ay may 55 segmental box girders kung saan 53 ang precast segments na fabricated sa Frey- Fil plant sa Calumpit, Bulacan. Habang ang dalawa ay cast-in- place segments. Dinesenyo ito ng may standard load na MS 18 o 15 tons per axel load. Sinabi ni Frey-fil Corporation President and CEO Joachim Enenkel na “the 55 segments will be finally representing the entire bridge. The bridge will be structurally completed by next week and architecturally ready for occupancy by next year, as promised to you before the city fiesta .” Ayon kay Congressman Marino, ang tulay na ito ay dream project ni dating Mayor Eddie Dimacuha na inasam ang pagtatayo ng ikatlong tulay matapos na masira ang Calumpang Bridge ng bagyong Glenda noong July 2014. Lubhang naapektuhan ang negosyo at higit na nagsikip ang trapiko noon. Sa gitna ng krisis na ito,, naisip niyang magpagawa ng higit na matibay, ligtas at malapad na tulay na kokoneta sa eastern portion ng lungsod, lalo na at nakitang mahina ang Pallocan bridge dahilan sa ito ay nakatayo sa tubig. Binigyang credit din ni Mayor Beverley Dimacuha si Mayor Eddie sa tulay na ito na ayon sa kanya ay “simbolo ng ating pagiging magkakatuwang, mahinahon sa gitna ng pakikibaka at ang ating malinis na pagmamahal at pagmamalakasakit sa ating lungsod at kababayan”. Pinasalamatan niya ang suporta ng lahat upang maisakatupanran ang 3rd bridge na itinuturing niyang simbolo rin ng “sama samang tagumpay”. (PIO Batangas City)