Tambuling Batangas Publication December 12-18, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. Kung dati ay armas, ngayon ay tsinelas... p.5 Suporta sa People’s Initiative Patuloy na Lumalakas p. 2 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) Gov’t agencies form task force vs environmental crime p. 5 DICT nagsagawa ng libreng training para sa online jobs p. 3 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 50 December 12-18, 2018 P6.00 Retirees ng Kapitolyo, Pinarangalan PINAPURIHAN ni Governor Dodo Mandanas ang ipinamalas na dedikasyon ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na nakatakda nang mag- retiro sa ginanap na Retirees’ Day Celebration sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong ika-3 ng Disyembre 2018. Sa ibinahaging mensahe ng gobernador, taos-puso ang kanyang pasasalamat sa 79 na mga kapwa lingkod bayan na nag-serbisyo at nag-ambag ng kanilang galing at talino para sa lalawigan. Hindi dito aniya nagwawakas ang pagtulong sa kapwa ng mga retirees, bagkus ay isa lamang itong panibagong kabanata ng kanilang buhay. Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), sa ilalim ng pamumuno ni Bb. Rhiza B. De Zosa. Sa mga retirees na nakatanggap ng pagkilala sa kanilang pagseserbisyo sa pamahalaang panlalawigan, pinakamatagal na naglingkod sina Honorata S. Dawis ng Provincial Veterinary Office at Romeo M. Espina ng Batangas Provincial Jail na kapwa naging provincial government employees ng 42 taon. Naging highlight ng programa ang paggagawad ng Plake ng Pagkilala para sa kanilang hindi matatawarang pagbibigay ng serbisyo sa publiko. Samantala, para naman sa kasiyahan ng mga retirees ay nagdaos ang PHRMO ng mga palaro, raffle draws at pagbabahaginan ng mga kuwento kung saan nagsalaysay ng kani- kanilang mga naging karanasan sa Kapitolyo ang mga kawaning retirado. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig and Shelly Umali / Photo by: Eric Arellano — Batangas Capitol PIO Provincial Solid Waste Management Board Meeting, Idinaos UPANG mas lalo pang mapagbuti at matalakay ang katatayuan ng waste management sa Lalawigan ng Batangas, idinaos ang 4th Quarter Provincial Solid Waste Management Board Meeting noong ika-5 ng Disyembre 2018 sa PG- ENRO Conference Room, Capitol Compound, Batangas City. Ang nasabing pagpupulong ay pinangasiwaan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), sa pangunguna ni PG-ENRO Department Head Luis Awitan, at dinaluhan ng mga kinatawan ng mga local government units sa lalawigan at mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan. Sa nasabing board meeting, binigyang-pansin ang mga kaukulang alalahanin at suliranin na kinahaharap ng mga Municipal Environment and Natural Resources Officers (MENRO) pagdating sa solid waste management sa kani- kanilang bayan at distrito. Kaugnay nito, naglahad ng update ang mga kinatawan ng Environmental Managment Bureau (EMB) Region IV-A patungkol sa progreso ng mga Sundan sa pahina 2.. Pasasalamat sa Capitol Retirees. Kasama nina Gov. Dodo Mandanas at Chief of Staff Abel Bejasa si Nora Cantos, Administrative Officer IV sa Office of the Provincial Governor, na nakatakda nang magretiro matapos ang mahigit 41 taon ng paglilingkod sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas. Nagpasalamat ang gobernador sa lahat ng mga magreretirong empleyado ng Kapitolyo na naging katuwang ng pamahalaang lokal sa paglilingkod sa lalawigan 18-Day Campaign to End Violence Against Women Sinumalan na sa Batangas PORMAL na sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) noong ika-5 ng Disyembre 2018 sa Kapitolyo sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang VAW Forum na dinaluhan ng mga kalahok na kalalakihan mula sa mga pamahalaang lokal, iba’t-ibang departamento at ahensya ng pamahalaang nasyunal at akademya sa lalawigan. Sa pagsusulong ng anti- violence program sa mga kababaihan, hangad ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) Batangas, na mabigyan ng malalim na kaalaman at pag- unawa sa mga batas ang mga kalalakihan, partikular sa Republic Act 9262 o ang Act defining Violence Against Women and their Children. Sa gabay ng temang “VAW-Free Community Starts with Me,” nagkaroon ng mga pagbabahagi sa forum, kung saan isang video presentation ng mga uri ng karahasan sa mga kababaihan at sa mga lugar na lubhang mataas ang bilang ng kaganapan nito, na pinamagatang Unspoken Words at ibinahagi ni G. Jansen San Juan, ang inihanda at ipinalabas ng Provincial Women’s Coordinating Council (PWCC), Samahang Batangueña, at PSWDO; ang talk tungkol sa Spiritual Essence of being a Man ni G. Gilbert Manalo, St. Bridget Colleges Professor; at, Legal Implications ng VAW na tinalakay ni Atty. Lourdez Zapanta, ang Batangas Provincial Prosecutor. Sundan sa pahina 2.. Lodlod National High School, Wagi sa CALABARZON Tanghalang Pangmamimili 2018 CALABARZON Regional Tanghalang Pangmamimili 2018 na isinagawa sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong Nobyembre 29, 2018. ITINANGHAL ang Lodlod Integrated National High School ng Lungsod ng Lipa, Batangas na kampeon sa CALABARZON Regional Tanghalang Pangmamimili 2018 na isinagawa sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong Nobyembre 29, 2018. Ang Regional Tanghalang Pangmamimili, sa pangunguna ng Department of Trade and Industry, ay taunang paligsahang isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang skit o stage play ng mga mag-aaral mula sa iba’t- ibang paaralan na idinesenyo upang maitaas ang kamalayan ng mga tao sa CALABARZON patungkol sa consumerism o makapagbahagi ng consumer education and information. Nagwagi ang mga Batangueñong mag-aaral ng premyong nagkakahalaga ng PhP25,000 at plaque matapos maungusan ang Lead School for the Arts ng Lalawigan ng Rizal, na nagkamit ng ikalawang puwesto, PhP20,000 at plaque; at San Jose National High School ng Sundan sa pahina 3..