Tambuling Batangas Publication December 05-11, 2018 Issue | Page 8

Gastronomaly ... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 48 December 5-11, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Batang Makakalikasan contest nakakalikom ng pondo mula sa recyclable wastes BATANGAS CITY- Pinatutunayan ng Search for Batang Maka Kalikasan ng City Social Welfare and Development Office kung saan kalahok ang mga enrolees sa child development centers (CDC) na may pera sa basura. Sa idinaos na patimpalak , November 27, sa Batangas City Convention Center, nakalikom ng kabubuang halaga na P90,895 sa mga naibentang recyclable materials ng mga bata. Ito ay bahagi rin ng pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang “Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata”. Layunin ng proyektong ito na mapalawak ang awareness ng mga bata sa kahalagahana ng tamang pangangasiwa ng basura bilang bahagi ng pangangalaga ng kapaligiran at makalikom ng pondo upang gamitin sa mga pangangailangan ng mga CDC.. Bukod sa padamihan ng mga naibentang recyclable materials na kinokolekta ng mga pamilya ng mga bata, kalasama din sa search ang pagandahan ng mga costumes na gawa sa mga recyclable indigenous materials. Kabilang sa mga materyales na ginamit sa patimpalak na ito ang cocunot husks, abaca, shells ng tahong, banig, mga dahon at iba pa. Nanalo sa Batang Makakalikasan 2018 ang pair nila Rhyniel Yvhan Perez at Cassandra Marlyn Fajiculay ng San jose Sico CDC; Most Indigenous Pair sina Von Alvin Liwag at Princess Shamara Gamboa ng Alangilan CDC; Most Elegant Pair sina Rhy Levin Macatangay at Daene Zea Papilosa ng Bolbok CDC; Most Simple Pair sina Khrish Jhon Castillo at Cyan Castillo ng Pulot Itaas CDC; at Most Charming Pair sina Jurt Ivan Coliat at Meagan Evaristo ng Concepcion CDC. Samantala, nagdaos din ng basketball competition sa mga lalake at volleyball naman para sa mga babae. Naging basket ball champion ang San Miguel CDC at volleyball champion ang Banaba South CDC. MVP sa basketball si John Lloyd Andal at Shekyna Elleri Mojar sa volleyball.(PIO Batangas City) CLB ipinagdiwang ang business week SA unang pagkakataon, ipinagdiriwang ng mga Business Administration students ng Colegio ng Lungsod ng Batangas ang kauna unahang Business Week nitong December 5-7 sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing naglalayong mapukaw ang interes ng mga estudyante sa pagnenegosyo. Ang unang araw ay sinimulan sa isang Banal na Misa, kasunod ang isang programa kung saan nagbigay ng mensahe sina Dr. Lorna Gappi, College Administraton, at Dr. Feliciana Adarlo, Vice President for Academic Affairs. Pagkatapos ng programa, nagkaroon ng academic competitions tulad ng quiz bee, extemporaneous speech, photo interpretation, malayang pagtula at product concept oral presentation. Sa ikalawang araw naman ang cultural competitions tulad ng Dancesports at Your Face Sounds Familiar Isinagawa naman ang business research seminar at educational plant tour sa 3rd day. Ang Business week celebration ay may temang “Harnessing the Business Administration Students Potential through Academic and Cultural Competition”. (PIO Batangas City) Barangay hall na ipinagawa ng DPWH pinasinayaan BATANGAS CITY- Sa wakas, mayroon ng sariling barangay hall ang Barangay Wawa pagkatapos ng mahabang panahon ng pansamantalang pag-00pisina sa isang day care center sa barangay. Ang P2.8 milion-barangay hall na katabi ng coverd cout ay ipinagawa ng Department of Public Works and Highways sa pakikipag- ugnayan ng pamahalaang lungsod ay pinasinayaan ngayong araw na ito, December 5, sa pangunguna nila Mayor Beverley Rose Dimacuha, Board Member Bart Blanco at mga barangay officials. Nagpasalamat si Pangulong Restituto Roce sa proyektong ito sapagkat matagal na nilang minimithi na magkaroon ng barangay hall kung saan komportable at maayos nilang mapaglilingkuran ang mga residente. (PIO Batangas) Search for Batang Maka Kalikasan ng City Social Welfare and Development Office kung saan kalahok ang mga enrolees sa child development centers (CDC) na may pera sa basura. 13 girl scouts sa Batangas City napiloing Chief Girl Scouts awardees 2018 BATANGAS CITY- Labintatlong girl scouts mula sa Batangas City ang kasama sa 713 national awardees na tumanggap ng Chief Girl Scout Medal Scheme (CGSMS) 2018 mula sa Girl Scout of the Philippines National Headquarters dahil sa kanilang mga natatanging kontribusyon sa kapakanan ng kanilang komunidad sa awarding ceremony na ginanap noong ika- 23 ng Nobyembre sa Philippine International Convention Center. Inilunsad noong 1976, ang CGSMS ang pinakamataas at prestihiyosong award na ipinagkakaloob sa isang girl scout na nagpakita ng natatanging serbisyo, pagsisigasig, dedikasyon at “zeal” sa community development at nation building. Ang 13 awardees ay sina Hannah Joy Acorda at Ma. Therese Lynne Arellano ng NAVERA National Hight School; Kristine Goot, Rhea Hermidilla at Aubrey Valencia ng Pinamucan NHS; Kristine Mae Asi at Nicole Reonal ng Conde Labac NHS; Brianna Sofia Perez, Adelaine Pulpulaan at Danna Lee Guno ng Paharang NHS; Kate Margaret Villafuerte at Aimee Magdalene Mendoza mula sa Batangas State University; at Julie Ann Fe Gutla mula sa Batangas Christian School. Sila ay binigyan ng pagkilala sa kanilang mga proyekto kagaya ng health and wellness, cooking lesson, livelihood, pagtatayo ng waiting shed sa barangay, feeding program at iba pa. Dahil sa karangalang sito, binigyan sila ng plaque of recognition ng pamahalaang lungsod ngayong araw na ito, December 3, sa Plaza Mabini. Ayon kay Girlie Marquez, district field adviser ng District II at tumatayong GSP Coordinator sa Pinamucan NHS, ang Massage Therapy Training ng 15-year old at Grade 10 student ng kanilang paaralan na si Kristine Goot ang napiling itampok sa naturang awarding kasama ang dalawa pang proyekto mula sa Lucena at sa Mindanao. Sa tulong ni Troupe Leader Dolores Briones na nagsanay sa TESDA at syang nagturo kay Goot, sumailalim sa pagsasanay sa pagmamasahe tuwing araw ng Sabado sa loob ng isang taon ang 20 unemployed mothers ng barangay Pinamucan Proper. Ito ay ginaganap sa barangay hall sa tulong at suporta nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino. Sa pamamagitan ng nabanggit na pagsasanay, nagkaroon sila ng kaalaman sa massage therapy na nagagamit nila sa kanilang mga kapamilya at pwede ring maging ekstrang pagkakakitaan. “Sobrang saya ko po at thankful po ako na napili yung project ko. Ipagpapatuloy ko po ang pagkakaloob ng kasanayan sa mga kababaihan sa aming barangay,”sabi ni Goot. Binigyang diin ni Guidance Coordinator Teofista Rodriguez na proud sila na sa dinami dami ng girl scouts ay mula sa kanilang paaralan ang Sundan sa pahina 6..