Tambuling Batangas Publication December 05-11, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Values we must learn from Andres Bonifacio... p.5
BSU BSBA students champion
sa 12th Conference of Aspiring
Marketing Professionals p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
World AIDS Day 2018:
PRC calls to intensify
HIV testing campaigns
p. 5
Vice-Mayor Berberabe hindi
tatakbong vice-governor p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 48
December 5-11, 2018
P6.00
Christmas kick off sa Batangas City
muling nagpaganda ng gabi
OPISYAL ng sinimulan ang
pagdiriwang ng Pasko sa
Batangas City sa pamamagitan
ng ceremonial switch on ng
christmas lghts sa kahabaan ng
P. Buros St. papunta sa Plaza
Mabini, City Hall at mga kalapit
na kalye sa poblacion.
Inabangan ito ng mga
tao sa Plaza Mabini kung saan
excited ang marami na mag
picture- taking sa background ng
mga naggagandahang LED lights
at Christmas decorations.
Ang seremonya ay
pinangunahan ni Mayor Beverley
Rose Dimacuha, City Councilors
at mga department heads ng
pamahalaang lungsod pagkatapos
ng isang maikling cultural
program sa Amphitheatre ng
Plaza Mabini.
Nagtanghal sa nasabing
programa ang Dangal ng
Lungsod ng Batangas Chorale,
Likhang Sining Dance Company
ng Marian Learning Center and
Science High School kabilang
na dito ang performances ng
mga singers ng nasabing grupo,
at Batangas National High
School Special Program in the
Arts Symphony Orchestra. (PIO
Batangas City)
Batangas Coast Guard
nagsanay sa emergency
response
SUMAILALIM ng pagsasanay
ang may 40 personnel ng
Philippine Coast Guard sa
Integrated Planning Course
on Incident Command System
(ICS) nitong November 26-
29 sa training room ng Office
of the City Veterinarian and
Agricultural Services upang
mapalakas ang kakayahan nilang
maka responde sa panahon ng
kalamidad at emergency.
Ang Incident Command
System ay isang sistema ng
pangangasiwa na naglalayong
magkaroon ng effective at
efficient domestic incident
management sa pamamagitan
ng integration ng kombinasyon
ng mga facilities, equipment,
personnel,
procedures
at
communications
na
nag
ooperate sa loob ng common
organizational structure.
Ayon
kay
LCDR
Geoffrey Espaldon, station
commander ng Coast Guard
Station sa Batangas, layunin
nito
na
magkaroon
ng
kaalaman ang mga participants
at magamit ang kanilang
natutunan sa training na ito sa
pagtupad ng kanilang tungkulin
at
responsibilidad
bilang
Planning Section Chief at Unit
Leaders sa ICS organization.
Ang mga units na ito ay
kinabibilangan ng Resources,
Situation, Documentation at
Demobilization.
Ito aniya ay alinsunod
Sundan sa pahina 2..
ceremonial switch on ng christmas lghts sa kahabaan ng P. Buros St. papunta sa Plaza Mabini, City Hall at mga kalapit na kalye sa
poblacion sa pangunguna ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, City Councilors at mga department heads ng pamahalaang lungsod
pagkatapos ng isang maikling cultural program sa Amphitheatre ng Plaza Mabini.
Paalaala sa pagdiriwang ng World Diabetes
Day , magkaroon ng healthy lifestyle
ANG diabetes na isa sa mga
nangungunang
dahilan
ng
pagkakasakit at ng kamatayan
sa Batangas City ay pwedeng
maiwasan
sa
pamamagitan
ng healthy lifestyle ayon sa
City Health Office (CHO) sa
pagdiriwang nito ng World
Diabetes Day, November 28 .
Ang diabetes ay isang
sakit kung saan mataas ang
sugar level ng isang tao. Ang
mga uri ng sakit na ito ay type
1 diabetes o yuong tinatawag
na juvenile diabetes kung saan
ang apektado ay ang mga bata at
insulin dependent. Ang isa pa ay
ang type 2 diabetes kung saan ang
apektado ay yuong mga edad 30
taon at pataas at mga overweight.
Ang type 3 ay ang tinatawag na
gestational diabetes o nararanasan
tuwing nagbubuntis ang isang
ina. Sa lecture na isinagawa ng
CHO kung saan ito ay dinaluhan
ng mga diabetes patients sa
Teachers Conference Center,
sinabi ni Dr. Angela Grace Alegre
ng CHO na kailangan ng isang
pasyente ang suporta ng pamilya
upang maiwasan at ma manage
ang diabetes. Mahalaga aniya ang
tamang life style sa pamamagitan
ng balanced diet at ehersisyo.
“Reducing the family’s risk starts
at home,” sabi ni Dr. Alegre.
Kaya dapat aniyang lutuan ng
mga nanay ng tamang pagkain
ang kanilang mga anak at huwag
itong sanayin sa mga pagkain sa
fast food chain.
Sinabi naman ni Dr.
Rosalie Masangcay, officer 1
ng Provincial Health Office, na
Sundan sa pahina 2..
National Nutrition Council
says fad diets not recommended
for weight loss that does not form part of standard
first Calabarzon Nutrition Action Officers’ General Assembly cum Advocacy Forum on National Salt Iodization Program (NSIP),
November 19-20, at the Manila Grand Opera Hotel.
BATANGAS City Nutrition
Officer Luciana Manalo said that
the National Nutrition Council
(NNC) has a policy statement
on fad diets which was one of
the items discussed during the
first Calabarzon Nutrition Action
Officers’ General Assembly cum
Advocacy Forum on National
Salt Iodization Program (NSIP),
November 19-20, at the Manila
Grand Opera Hotel.
According to the NNC,
fad diets are “any dietary regimen
or practice promoted for weight
loss and improvement of health
dietetic-led weight management
advice.”
The
different
classifications of food diets are
Calorie Restriction (Very Low
Energy Diet (VLED), Military
Diet,Blood type/Cohen, HCG
Diet), Low Carbohydrate, High
Protein (Atkin’s Diet, Paleo Diet),
Moderate Carbohydrate, High
Protein (Zone Diet, South Beach
Diet), Low Carbohydrate, High
Fat (Ketogenic Diet), Avoidance
to certain food groups (Gluten
Free, Macrobiotic Diet) Fasting
(Intermittent
Fasting,
Water
Sundan sa pahina 3..