Tambuling Batangas Publication August 22-28, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
A PARADISE IN THE END... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Teen pregnancy at iba pang
issues tinalakay sa Linggo ng
Kabataan symposium p. 2
8
Toxic
Filipino
‘Thinking’ that Should
Vanish p. 5
Delegasyon mula sa Cebu
inalam ang PPP program sa
Batangas City p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 35
August 22-28, 2018
P6.00
Bike patrol ng pulis palalakasin
MULING ilulunsad ang proyektong
“bike patrol” ng Batangas City Police
sa ika-30 ng Agosto sa Amphitheater
ng Plaza Mabini upang mapalakas
ang police visibility sa layuning
maiwasan ang kriminalidad sa
lungsod.
Ayon kay Pol. Supt. Sancho
Celedio, ang naturang relaunching ay
kaugnay ng pagdiriwang ng kauna-
unahang Police Service Day sa
lungsod bilang paggunita naman ng
ika-117th Police Service Anniversary
ngayong buwan ng Agosto.
Ang bike patrol ay isang
section na binubuo ng dalawang
teams.
Sampung
refurbished
mountain bikes ang gagamitin ng
mga kapulisan na nagvolunteer ng
extra duty hours.
Itatalaga
sila
malapit
sa campus areas sapagkat mga
estudyante aniya ang madalas na
nabibiktima ng masasamang loob
base sa kanilang namonitor sa social
media at hindi na napapaulat dahil
natatakot sila na magreport.
“Even
before
the
launching, we’ll make sure that we
will be felt in the streets. Iba pa rin
na nararamdaman ng mga tao ang
kapulisan lalo na sa mga oras na
kailangan kami lalo kapag labasan
sa eskwelahan ng mga estudyante
at paglabas sa opisina ng mga
nagtatrabaho,” sabi ni Celedio.
Hihilingin
niya
na
ang naturang programa ay ma-
institutionalize sa pamamagitan
ng Local Anti Crime Action Plan
(LACAP). Ito ay ipi presenta sa
Sangguniang Panglungsod upang
magpalit man ng hepe o bikers ay
makakakuha pa din ito ng suporta.
Nagpaabot ng suporta
sa bike patrol team sina Councilor
Armando Lazarte at ABC President
Dondon Dimacuha. Inaasahan nila
na sasailalim sa pagsasanay ang bike
patrol team upang matutunan ang
ibat-ibang intervention technique.
Maglalagay
din
ang
Sundan sa pahina 2..
Palace on Single Passenger Ban
on EDSA: Let’s give it a chance
FOLLOWING the dry-run
of the single passenger ban
on EDSA by the Metropolitan
Manila Development Authority
(MMDA) yesterday, the Palace
said the public should give it
a chance since it is a possible
solution to the traffic in the
Metro.
In a Palace press
briefing Thursday, August 16,
Presidential Spokesperson Harry
Roque, Jr. said that MMDA’s
intention of implementing this
traffic scheme on EDSA is good
and should be considered given
the big volume of cars traversing
the road during rush hours.
The Palace official
added that this scheme is
patterned after the United States,
where it has been deemed
successful as mechanism to
easing traffic congestion.
“Maganda naman po
ang hangarin ng MMDA na
mabawasan ang sasakyan sa
EDSA. Ito naman po ay ginaya
na rin natin doon sa experience
ng ibang bansa gaya ng Estados
Unidos,” Roque said.
“Sa Estados Unidos po
talaga mayroon talaga silang oras
Sundan sa pahina 2..
bagong Sangguniang Kabataan (SK) Federation representative Marjorie Manalo noong August 7 sa lingguhang sesyon
ng Sangguniang Panglungsod
Gender & Dev’t. Capacity Building,
Isinagawa
ISINAGAWA ang 2 araw
na Capacity Building para sa
mga miyembro ng Provincial
Committee on Gender and
Development (PCGAD) na
ginanap sa Batangas Country
Club, Bolbok, Batangas City
noong ika-14 hanggang ika-15
ng Agosto, 2018.
Ito ay pinangunahan
ng PCGAD Secretariat, ang
Tanggapan ng Panlalawigang
Kagalingang
Panlipunan,
Paglilingkod at Pagpapaunlad na
pinamumunuan ni Ms. Jocelyn
R. Montalbo.
Isa sa layunin ng
nasabing seminar na masuri
ang mga programa at proyekto
ng pamahalaang panlalawigan
gamit ang iba’t ibang tools
upang matukoy ang kanilang
gender responsiveness, matukoy
ang mga isyu sa pamamagitan
ng gender analysis at maituro
sa mga dumalo ang GAD
Checklist upang magamit nila
ito sa Project Management
and Implementation at Project
Monitoring at Evaluation.
Naging
resource
person sa seminar si Ms.
Maria Theresa H. Arellano-
Hernandez, Associate Professor
II at Assistant Director ng GAD
sa Batangas State University
– Main Campus. Tinalakay
niya ang GAD Mainstreaming,
GAD Analysis at ang Project
Implementation & Management,
Monitoring
&
Evaluation
(PIMME).
I
naasahang ang mga
natutunan ng mga lumahok
ay magagamit nila upang
magkaroon ng epektibo at
mahusay na implementasyon
ng GAD Plan at Programs,
Projects and Activities (PPA),
ang wastong paggamit ng GAD
Budget, coordinated GAD efforts
ng lahat ng opisina at upang
mapatibay ang pagtutulungan
ng lahat ng miyembro ng GAD
Focal Point System. Elfie Ilustre
– Batangas Capitol PIO
Barangay chairmen at
tanod sumailalim sa
seminar sa gun safety
San Pascual ABC President at mga pangulo ng barangay ng nasabing bayan, kasama si Gov. Dodo Mandanas sa ginanap na courtesy
call sa People’s Mansion, Capitol Compound Batangas City. ✎ Shelly Umali – Batangas Capitol PIO Karl Ambida– Batangas Capitol
BATANGAS CITY- Dahilan sa
kagustuhan ni Pangulong Rodrigo
Duterte na maarmasan ang mga
barangay chairpersons at barangay
tanod para sa kanilang proteksyon,
sumailalim ang mga ito sa Gun
Safety and Comprehensive Law
Seminar ng Batangas Rifle and
Piston Group Inc. (BRPG).
Ayon kay Rainier Untalan,
secretary ng BRPG, malaking bagay
na mayroong baril ang mga barangay
chairmen at tanod dahilan sa sila ang
nasa frontline at kailangan nilang
proteksyonan ang kanilang sarili at
ang komunidad lalo na yuong mga
barangay na malayo sa bayan na hindi
kaagad marespondehan ng kapulisan
kung may krimen.
Ipinaliwanag sa seminar
na kailangan munang sumailalim sa
gun safety seminar ang isang gun
owner bago makakuha ng lisensya.
Responsibilidad din ng gun owner
na matutunan ang tamang paraan ng
safekeeping ng baril, tamang pag
hawak at tamang pag dadala nito.
Sinabi rin ni Untalan
Sundan sa pahina 3..